"Oo, bakit may alam ka bang pupwede kong apply-an Edita?" Tila naging interesado si Antum sa sasabihin ng babae.

"Oo. Usap usapan kasi na naghahanap ang mga Narvaez ng trabahador kaya... Baka makatulong," alinlangan pang ani babae, hindi ko kita ang mukha niya dahil nasa loob siya samantala si Antum naman ay nasa pintuan na. "Si Itay nga kahapon ay nag apply doon natanggap agad dahil nangangailangan daw talaga sila ng trabahador, may bagong aktibidad na naman na gagawin ang mga Narvaez at ang balita ko, ang tagapagmanang si Juan ang mamumuno!" Pagpapatuloy ng babae.

Nakita ko pa ang pagngiwi ni Antum sa huling sinabi ng babae.

Tila naman napaisip siya sandali dahil nanatili sa pintuan.

"Titignan ko pa, Edita. Maraming salamat sa pagsabi." Kalaunan ay iyon ang sinagot niya sa babae.

Malalim ang iniisip ni Antum habang nasa byahe kami pauwi sa bahay. Pagkasakay namin ng tricycle kanina ay hindi ko mapigilan na panoorin ang bawat galaw ni Antum, na kanina pa malalim ang iniisip.

"When are you planning to apply?" I asked him. Mukha ng tama nga ang nasa isip ko na wala siya sa sarili dahil hindi niya man lang sinagot ang aking tanong. "Antum." Pagtawag ko ulit sa kanya.

Hindi niya pa rin ako pinansin kaya naman sinubukan kong dalihin ang kanyang braso. Gulat na gulat siya sa pagbangga ko sa kanyang braso kaya naman napatingin siya sa akin.

"H-huh?" Tila wala sa isip na sagot niya.

"I am asking you when are you planning to apply?" I sighed.

Natulos siya sa kanyang kinauupuan at tila hindi na naman alam ang isasagot sa akin. My patience is wearing thin but because he's probably sad and not in his right mind sinubukan kong mag pasensya.

"Sa totoo lang insan ay hindi ko pa talaga alam, nag-iisip pa ako kung saan pwede akong mag apply bilang extra." Mahinang aniya.

"The girl earlier, Edita? Isn't it? She said that there is a hiring right? Aren't you considering it?" I asked him. Nakakunot ang noo, nag-iisip pa siya ng pag-aapply-an e sinabihan na nga siya noong babae hindi ba?

"A-ah... Eh... Hindi ako sigurado kung matatanggap ako doon sa mga Narvaez..." He said in a low tone, like he doesn't want me to hear it.

"Hindi mo pa nga sinusubukan, bakit mo pinapangunahan?" Nakataas na kilay na tanong ko.

"Naisip ko lang naman..."

Hindi na ako nagsalita, dahil mukha talagang wala sya sa wisyo. Noong maka baba kami sa tricycle pagkatapos magbayad ay dumiretso na kami at pumasok sa bahay.

"Magluluto muna ako ng hapunan natin insan, magbihis ka na at tatawagin na lang kita pagkakain na." Maliit na ngiti ang iginawad sa akin ni Antum bago siya walang lingong pumunta sa kusina.

Wala akong sinabi at sinunod na lang ang kanyang inutos. Nagpalit ako ng damit dahil kanina ko pang umaga ito suot. Magaalas sais na, kaya naman madilim na sa labas.

Mabilis natapos ang gabing iyon, pagkatapos naming kumain ni Antum ay nagpaalam na siya sa akin na matutulog na siya at pagod kaya naman nawalan ako ng tiyempo na makausap ito.

Pumasok ako sa kwarto ko at tinignan ang nakatagong wallet.

I have cards with me na may lamang pera.

One is from my father and the other one is for my work pay.

Hindi ko nabibisita ang bank acc ng mga ito but I think the money here can help inang for medication at sa pagpapahospital niya.

Honestly I am against from Antum working as an extra.

Mawawalan ako ng kasama kapag nagtrabaho siya. Kaya naman sa tingin ko ay kung ibibigay ko ang pera dito ay baka hindi niya na ikonsidera ang paghahanap.

SERIE VICIOSA UNO: Desire My BeautyWhere stories live. Discover now