"Magpalit ka muna ng pambahay tapos ay kumain kana" sabi ko sabay kuha ng pagkain at linipat 'yon sa ibang lalagyan.

Bakit ang tanga tanga ko talaga?

Umupo ako sa kusina at lumabas siya galing sa kwarto. Nagpalit siya ng puting tshirt at jersey shorts.

Tinuro ko ang upuan sa harapan ko. Malungkot siyang umupo at kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain niya ay hindi niya napigilan na kausapin ako.

"Mas gugustuhin ko pang sigawan at awayin mo ako kay'sa hindi mo ako pinapansin." Malungkot niyang wika.

Pinigilan kong magreact sa sinabi niya. Sobra sobra na ang paninikip ng puso ko. Habang naaalala ko ang mga memories namin dito sa condo niya ay mas lalo akong nasasaktan.

Napalitan lang sila ng ganito?

Nang napansin niyang hindi ako sasagot ay nagpatuloy siya sa pagkain. Nang matapos niya ang pagkain ay nagring ang phone niya. Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko kung sino ang nagtext.

Elaine.

Nagdalawang isip pa siya kung bubuksan niya iyon pero sa huli ay binuksan niya pa rin at parang kinalmot ako dahil doon. Hinding hindi niya 'to matitiis.

Yan kasi Camille! Nag stay ka pa.. matuto ka na please. Sabagay.. Learn from your mistakes nga naman.

Napapikit siya pagkabasa ng message. Napangiti ako ng mapait.

"Kailangan ka niya no?" Tanong ko na nagpadilat sakanya.

Kitang kita ko ang paghihirap sakanyang mata at ayaw ko non.

"Ang unfair no? You asked me to stay pero ikaw pala ang mangiiwan." Sabi ko habang nakangiti.

Tumayo ako at akmang aalis na pero hinawakan niya ang braso ko.

"Can't you wait for me here? Mabilis lang ito"

Parang pinukpok lalo ng martilyo ang puso ko sa sinabi niya. Paano niya nagagawang sabihin sa akin to?

"Hindi ko kayang maghintay I'm sorry. Hindi ko kayang maghintay ng parang kabit na ng lilimos ng kakaunting oras. I'm not a martyr. You need to know your priotities. Puntahan mo na sige. Dahil nawawalan na ako ng pakielam" dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.

Mukhang ngayon lang pumasok sa kanyang utak ang sinabi ko.

"You're not a mistress.. I don't mean it like that" pilit niya akong hinahawakan pero umiiwas ako ng umiiwas.

Sa konting haplos niya sa akin ay naapektuhan ako kaya hindi ko pwedeng hayaan 'yon. Kailangan kong gamitin ang utak ko. Kailangan kong isipin ang sarili ko.

"But you're almost asking me to be one. Ano ako? Maghihintay ng oras mo kung kailan ka pwede? Mahal na mahal kita pero hindi lang ako ang masasaktan kung gagawin ko yan. May pamilya ako francis na nasasaktan tuwing nasasaktan ako" nagulat ako nung may tumakas na isang luha sa kanyang kanang mata. Mataman lang siyang nakatingin sa akin.

Lumapit ako sakanya at pinunasan ang luha niya. This is so unfair.. doble ang sakit sa akin pag nasasaktan din siya.

"Francis.. buksan mo ang isipan mo. Alam kong hindi ka makapagisip ng maayos pero kailangan mong magisip ng maayos. Hinding hindi kita papipiliin sa aming dalawa. Alam mo kung bakit? Because I'm better than that."

Hindi ko na napigilan na maluha. Dahandahan niyang linapit ang mukha niya sa akin at marahang hinalikan ang labi ko pero mabilis din akong nakaiwas.

"Don't kiss me with that lips. Naalala ko pa rin." Nagulat siya sa sinabi ko at nagiwas ng tingin.

"I'll go now. Bye Francis" sabi ko at nagmadaling lumabas. Mabilis akong nagpasundo kay Mang Delfie at bumalik sa bahay.

ReverseWhere stories live. Discover now