3 三

165 17 1
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.

Kat


Pwede ko ng maibenta 'tong mga lighters na nakuha ko kay Lucifer, ang gaganda pa naman ng design, hindi siya yung pangkaraniwang lighter na mabibili mo sa tindahan at sa halos tatlong linggong kasama siya dito sa university, never ako pumalya sa pagkuha ng lighter niya.

Papunta ako ngayon sa office ni Xenia dahil nagmessage siya sa akin na may pag uusapan daw kaming importante. Hindi na ko kumatok kasi sinabi naman ng sekretarya niya na nandoon siya sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko sa office niya ay naabutan ko si L nakahiga sa sofa. Malamang tulog.

"Hello bes"

"Anong ginagawa niyan dito?" Tanong ko.

"Nagmumukmok. Kinuha mo na naman daw kasi yung lighter niya." Natatawang sagot nito.

"Yes. Please give me back my lighters." Nagulat naman ako ng biglang sumabat ito sa usapan.

"Ask Our University Director, pag pumayag siya ibabalik ko." Hamon ko dito. Bastos nitong batang 'to porque close friend din sila ni Xenia ganito na siya umasta.

"I don't think I need my bebeloves permission regarding that. Just give it back to me." Dire diretso niyang sagot. Wait lang, anong bebeloves? Girlfriend niya ba si Xenia? Diyos ko, pinagsabay na naman siguro nito ang dalawang tao. Eh sa pagkakaalam ko si Gabriella ang girlfriend ni Xenia ah? Napailing nalang ako at tumingin sa aking kaibigan. Wala naman akong nakita reaksyon mula dito kasi busy siya sa kaka laptop niya.

"Babe!!.. See, she doesn't want to give it back." Pagmamaktol pa nito.

"Lucifer, alam mo naman bawal ang lighter sa school grounds. Maglalabas ka nalang ng lighter sa classroom pa. Si Kat kulitin mo kung ibabalik sa'yo." Pangaral ni Xenia sa kaibigan niya. Akala niya siguro kakampihan siya ni Xen.

"at bakit ko naman ibabalik 'yon sa'yo?" Kalmado kong sagot

"Uhh. Because it's mine? Isn't it obvious?" Napaka walang galang talaga nito. Professor niya pa din ako aba! Kung ibagsak ko kaya siya sa subject ko?

"Mamaya na kayo magbardagulan." Paalala ni Xenia. "Pinatawag ko kayong dalawa dito para pagusapan ang safety mo katkat."

"Bakit? dahil ba sa sumisira ng gulong ko?" Tumango naman si Xenia

"L, I want you to look after Kat for a week." utos nito kay L

"Ano ka ba, bes hindi niya na ako kailangan bantayan, kaya ko naman sarili ko e." atsaka bakit pa yang devil friend niya? e baka mas mapahamak pa ako.

"Kat, hindi nga natin malaman kung sino sumisira sa gulong ng sasakyan mo e, mamaya kung ano pang pwede gawin nun sa'yo. Mas panatag ako kung kasama mo si L. Trust me, safe ka diyan. If ayaw mo, dapat may magsusundo sa'yo lagi." May point si Xenia, minsan ay natatakot na rin ako.

"Okay fine." Hindi ko alam kung ano talaga ang naging relasyon nitong si L sa kaibigan ko pero ang napansin ko ay pag pinagsasabihan ni Xen si L ay talagang nakikinig ito.

"And sumunod ka sa China after a week, baka makalimutan mo yung exhibition na'tin doon." Paalala niya pa kay L. "One week ka hatid sundo ni L. After that, si Andrea na gagawa."

Nakalabas na ako ng office ni Xen pero may demonyong sumusunod sa'kin.

"I'll help you." Bulong nito. "Give me back my lighters then I'll make sure na wala na magslash ng tires mo." Napatigil ako maglakad at tumingin sa kanya.

"oooh, someone's interested.." Pang aasar niya. "if you give it back I will help you to identify who slash your tires." Pag-ooffer ulit nito. Until now hindi pa rin namin nahahanap yung sumasabotahe sa gulong ko, hindi lang isa, dalawa, kung hindi anim na beses may nag slash ng gulong ko at sa tuwing pinapacheck namin ni Xenia yung CCTV ay laging may anomalya ito.

Meet LucyWhere stories live. Discover now