Love Story

7 0 0
                                    

Tinatamad talaga akong pumasok ng paaralan dahil panigurado akong wala akong ibang gagawin do’n maliban sa matulog o di kaya nama’y magbasa. Senior high school na ako at alanganin din kung makakasama ba ako sa ga-graduate o hindi pero alin man sa dalawa ang mangyayari ay pabor naman ako. Wala naman akong alam na magiging direksyon ng buhay ko. Kung puro pangarap lang ako at wala sa gawa? Wala ring mangyayari.

“Zeil, bumili ka raw ng construction paper sa canteen. Na-short tayo sa props natin.” pukaw sa’kin ng kaklase kong si Anne na iniaabot pa sa’kin ang sampong piso. Napapakamot naman sa ulong tinanggap ko ang pera at tumayo na lamang. Dumiretso lang akong lumabas ng classroom at walang pakialam sa dinadaanan ko hanggang sa makatungtong na ako sa harapan ng Canteen.

“Pabili po ng construction paper, Ate,” sabi ko na lang at inilibot ang mata sa paligid. Nakita ko naman ang isang babaeng bumili ng lumpia na sarap na sarap pang kinakain ’yon na tila ba walang pakialam sa paligid.

“boy, anong kulay ng construction paper ba?” tanong sa’kin ng tindera agad na naibaling ko rito ang atensyon at saka ko sinabing Pula ang gusto kong bilhin na construction paper. Ilang sandali pang hinintay ko ’yon dahil sa maraming mga estudyante rin ang naroon para bumili. Inobliga ko naman ang mata sa kakatingin sa babaeng kumakain ng Lumpia sa gilid. Halos mamilog na ang mga pisngi nito dahil sa puno ang bibig sa kinakaing lumpia parang gutom na gutom ito. Napapaisip tuloy ako kung paano na lang kung mabilaukan ito?

“boy, heto na ang construction paper mo.” ani tindera. Agad na inabutan ko ulit siya ng bente pesos na ikinagulat naman nito, “Mineral water po,” agad naman na inabutan niya ako ng mineral water. Saktong pagtanggap ko ng mineral ay siya namang sunod-sunod na pagkakaubo ng babae. Agad na nilapitan ko siya’t iniabot ang mineral water. Mabilis ang kamay na hinablot nito iyon at walang kaarte-arteng uminom. Napailing na lamang ako bago ko naisipang umalis ng Canteen at bumalik ng classroom.

“ba’t ang tagal mong bumili, Zeil? Daig mo pa ’yang si Ellenaijh na nasa likuran mo.” saad ni Anne ng malapitan ako at kinuha sa’kin ang biniling construction paper. Nagtatakang nilingon ko naman sa aking likuran ang sinasabi niya at muntik na akong matigilan ng makilala ang babae.

“Pasensya na Anne, napasarap lang mag advance recess,” nangingiting dahilan nito at tinapunan ako ng tingin bago ako siniko.

“Salamat nga pala sa mineral water, libre mo ba ’yon? Kung oo salamat kung hindi? Sige utang na muna.” bulong nito bago ako nilagpasan. Kung hindi lang nakakahiyang ngumanga ay kanina pa ako napanganga. Hindi ko akalain na kaklase ko pala ang babaeng  binigyan ko ng mineral water.

Makalipas ang isang linggo hindi ko na alam kung ilang beses akong maagang pumapasok ng paaralan gayong dati-rati nama’y suki ako sa late comers. Mas maaga pa ako sa Key holder naming si Ellenaijh. Oo, ’yon talaga ang pangalan niya at hindi ko maiwasang hindi humanga sa kan’ya. Bukod sa maingay ay makulit din ito at laging masayahin. Madalas nga lang nagpapasaway kaya ngayon napagalitan siya ng terror teacher namin. Nakangiting lumabas siya ng classroom dala ang walis at dustpan pero bago pa siya tuluyang makalabas ay tinawag pa niya ang terror teacher namin sa Philosophy at nagkunwaring nagstrumming sa hawak na walis na animo’y gitara ang hawak nito. Natawa na lamang ang mga kaklase namin sa ginawa niya habang napahawak sa sentido ang guro.

“Sir, saan po ba nagmana ang kapatid niyo at ang lakas ng loob suwayin kayo?” napatingin ako sa may unahan ng desk ko kung saan nakapwesto ang kinauupuan ni Anne. Si Ellenaijh at sir ay magkapatid?! Napaayos ako ng upo sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hindi ko alam anong maitatawag dito basta ang alam ko lang lumalakas ang tibok ng puso ko at namamalayan ko na lang na nakangiti ako sa tuwing naalala ko ang kakulitan niya.

Class dismissal na at nagsitakbuhan ang ibang mga kaklase ko since marami sa kanila’y busy sa sports na sinalihan para sa gaganaping feb-ibig event na kung tutuusin ay Intrams namin. Ako lang ang walang sinalihang sports dahil ayoko lang. Mas masarap matulog o kaya magcomputer. Isinukbit ko na ang backpack ko at agad na lumabas ng classroom. Narating ko ang Gate ng walang umeksena sa harapan ko, kadalasan ba naman inaabangan ako ng mga bakla para tsansingan o kaya naman matitinong estudyante na gusto akong isali sa mga club nila. Hanggang sa napatigil ako sa paglakad ng may bumato ng kung anong bagay sa likuran ko, paglingon ko’y isang backpack na Nike na kulay Abo. Pinulot ko ’yon at sa pag angat ng mukha ko isang hinihingal na mukha ni Ellenaijh ang nakita ko.

“Alam mo kung hindi pa kita binato ng backpack ko hindi ka talaga titigil sa kakalakad ’no?” hinihingal na sambit nito at napahawak pa sa manggas ng uniform ko. Tinignan ko lang siya ng nagtataka.

“Ano bang kailangan mo?” tanong ko. Gusto ko ng magmura  bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng ’to? Nababakla yata ako. Bakit kinikilig ako?

“Mag fishball tayo do’n!” saad nito at bigla na lang akong hinila sa braso at tinungo namin ang naka-tricycle na fish-ball-an. Maraming mga estudyante ang nag umpukan sabay sawsaw sa mga natusok na fishball maging ang fried isaw na nilalantakan na rin ng iba. Napapakamot na nagpatianod na lamang ako sa kan’ya.

Sinundan ko ng tingin ang ginawa niya at unang kinuha niya’y dalawang stick at saka tumusok ng apat na piraso ng fishball pagkatapos ay tumingin sa’kin. “Maanghang o hindi?” tanong niya pero imbes sagutin ay kinuha ko na lamang sa kamay niya ang stick saka tumusok ng lumpia at binigay sa kan’ya. Para siyang natigilan sa ginawa ko kaya hindi ko na napigilang mag usisa. “bakit gan’yan ka makatingin? Paborito mo ang lumpia ’diba?”

Hindi ko alam pero kitang-kita ko kung paano mamula ang magkabilang pisngi niya. Ang cute niya..
Hinablot na lamang niya sa kamay ko ang stick na may lumpia at bago pa ako makapagtusok ng fishball ay sinadya niyang sikuin ako kaya nagtatakang tumingin ako sa kan’ya, “Ito kunin mo! tinusok ko ’to para sa’yo tapos iisnabin mo lang?” Ang lungkot ng boses niya dagdag pa ang pagnguso niya na siyang paglukot ng masiyahin niyang mukha. Kinuha ko na sa kamay niya ang stick na may fishball at saka siya nginitian, “heto na kukunin ko na huwag ka ng malungkot pumapangit ka e.” pagkasabi niyon ay inisang subo ko lang ang apat na piraso ng fishball. Bigla akong nahiya sa sinabi at ginawa ko. Nginitian ko ba talaga siya?

Habang kumakain kami ay nakita ko naman ang pamilyar niyang ekspresyon. Ganadong kumakain ito ng lumpia. Dalawang stick na may tig-dalawang piraso ng lumpia ang magkabilang kamay nito at katulad ng unang sulyap ko sa kan’ya noon, wala siyang pakialam kung gaano siya kaganda kapag kumakain— teka, sinabi ko bang maganda siya? Napaubo ako sa sariling iniisip at sa hindi inaasahang pagkakataon ay agad na may nag abot sa’kin ng nakasupot na Pineapple Juice. Pagtingin ko sa nagmamay-ari ng kamay ay isang magandang Ellenaijh na may sauce pa ang ibabang labi na nakatingin sa’kin habang salubong ang mukha.

“Inom,” utos nito pero dahil sa natulala na ako sa kan’ya hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa! Siya na mismo ang lumapit ng straw sa bibig ko para sipsipin ang Juice na iniaabot niya sa’kin kani-kanina lamang. Wala akong ibang choice kung hindi ang uminom na lang.

“Ayieeeee nagde-date si Escort at Secretary oh!”

“hala oo nga! Si Zeil at Ellenaijh ba ’yan?”

“kyaaaah kinikilig ako sa tinginan nila hindi ko na maenjoy ang fishball ko dahil sa kanila lang ako nakatingin my god!”

“Akala ko sa wattpad lang ako kikiligin ng teenfiction na nababasa ko mas nakakakilig pala sa personal waaaah!”

iilan lamang sa narinig kong tudyo ng mga estudyanteng dumaraan at ang iba’y katulad namin ay nagfo-foodtrip. Gano’n na ba nila ako kilala dahil hindi ko alam na kilala nila ako? Siniko ako ni Ellenaijh dahilan para mapatingin ako sa kan’ya.

“Panagutan mo’ko.” nakapout nitong turan napangiti naman ako ng kusa.

“Sige, can you be my valentine?”

Kitang-kita ko kung paano siya mamula sa sinabi ko.
Ang cute.

One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon