Reunion

17 0 0
                                    

Kehry's preparing the sound system at the back of stage. Kasalukuyang naghahanda ang lahat habang ako, heto nakahawak sa cellphone at nanonood lang ng trending video's ng iba't ibang artista— maging ang mga nakakasakit sa matang couple na si Kelee at Kevi. Tinignan ko ang comment section ng reels nila and there I spotted my minions. Yes, minions ko sila dahil ako lang ang maganda sa kanila period.

"SS kelee and Kevi but don't you ever thanked me for my definition hmp!" Nabasa kong komento ni Keava na nireplyan naman ni Keos.

"May naligaw na namang ampalaya kulang ng itlog 'to!" Reply ni Keos na tinawanan naman ng lahat. Nang i-check ko ang nagreact it was them. Keaki, Keaikhe, Kekleo, Keybo,  Keoly and Kezhaela.

I was going to type my comment when someone caught my attention. Naka-cross arms pang humarap siya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil ang storbo niya! Kitang nagse-cellphone ako biglang sumusulpot! Kaso siya pa din si Kechin kaya no choice na hinarap ko na ang seryosong tingin niya.

"Ano bang gusto mo?" Direktang tanong ko sa kaniya.

Bigla namang lumitaw ang isang malokong ngiti niya.
Alam ko na anong iniisip ng isang ito kaya..

"No! Pass! Ayoko niyang iniisip mo, Kechin!"

"Come on, Keshen. Akala ko ba kaibigan mo ako?" Nagtatampong tinig nito.

"What's the prize then?" Mataray na tanong ko.

Hindi naman ako gipit sadyang hindi lang ako nagsasayang ng oras para sa wala. Isa pa, mayaman din si Kechin kaya okay lang naman kung isang kotse ang kapalit ng iuutos niya sa akin.

Bigla siyang dumukwang palapit sa mukha ko bago siya may ibinulong. Halos hindi ko na inintindi ang ibang sinabi niya basta isa lang ang alam ko, ang trabahuhin ang sinabi niya kapalit ng kotse niyang bagong bili.

"I can't wait, Keshen."

Tuwang-tuwang wika ni Kechin bago umalis at lumapit kila Kehry. Napaayos naman ako ng upo sa inuupuan kong bench hanggang sa mapadako ang tingin ko sa area ni Kehry. He was looking at me as if I did something. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Biglang tumunog ang cellphone ko and it was him,  calling me. Napabuntong hiningang sinagot ko 'yon habang nakatingin sa kaniya. Nakatingin din siya sa aking direksyon para kaming t4nga ops, siya lang pala ang t4nga. Pwedi naman siyang lumapit sa akin pero piniling tawagan ako. Oh my dear man...

"Anong pinag-usapan niyo ni Kechin?"

Natawa ako ng mahina sa pagkakabigkas niya ng pangalan ni Kechin. Ewan ko ba, bakit kasi Kechin pa ang name niya tunog kusina like kitchen! What the hèll?

"Bibigyan niya ako ng kotse."

"Oh, really? Baka ano namang kalokohan yan.."

"Nope. Hindi ito kalokohan. Tapusin mo na yan babe para hindi ako mamatay sa boredom dito. Mamaya pa naman start ng party."

"Konte na lang 'to, matatapos na din. Just behave Keshen."

"Opo mwah!"

After kong ibaba ang cellphone ay bigla namang lumitaw ang dalawang couple. It was Kelee and Kevi. Sa lahat ba naman ng mauunang makikita ko rito iyang dalawa pang iyan?

Tatayo na sana ako para magbanyo ng tawagin ako ni Kevi. I just rolled my eyes before turning my back. Magbabanyo ako, makakapaghintay naman na sila. Mabilis na narating ko ang restroom and after a few minutes, nagretouch na ako. Hindi naman ganoon ka-revealing ang suot kong dress well, except sa may kanang hita ko. May konteng punit habang ang buhok ko nakalugay lang. Sabagay, mas maganda pa rin ako kay Kevi. Mas maganda pa rin ako sa mata ni Kehry.

One ShotWhere stories live. Discover now