Chapter 19

3.7K 105 87
                                    

"Uy! Uy! Yung bola! Ano ba naman 'yan!"

"Sorry akala ko kasi titirahin mo"

"Ang layo-layo ko" kahit na magkalaban kami ni Tracy ay dinig na dinig ko ang boses niya. PE namin ngayon at volleyball ang nilalaro namin

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Avril, kakampi ko. Tumango naman ako bilang sagot.

Ngayon ko lang narealize na hindi pala ako kumain simula kahapon, wala rin akong masyadong tulog kaya nanlalambot ako.

"Serve mona Louize" sabi ng isa kong kakampi.

I quickly moved towards the serving area and prepared to hit the ball. With a powerful swing, I launched the ball towards the net. However, to my dismay, Sir Alex, our PE professor, called a fault. The ball had fallen short of reaching the net. The opposing team was awarded a point as a result.

"Sorry" sabi ko naman sa mga kakampi ko

"Okay lang 'yan bawi tayo, bawi tayo" dinig kong sabi ni Avril. Wala yata talaga akong lakas dahil sa wala pa akong kain

Maliban sa nanlalambot ako ay sinamahan pa ng mainit na panahon dahil alas dos ng tanghali ngayon at nasa gitna kami ng field dahil ginagamit yung mga ibang gym

"Time-out Sir" sigaw ng isa kong kakampi at nagtipon kami sa gilid

"Okay ka lang ba Louize? Namumutla ka" tanong ni Sky, kakampi ko

"Okay lang ako, mainit lang kasi. Nakakasilaw yung araw" dahilan ko sa kanila

"Uy si Ma'am Rayi oh" sabi nung isa kong kakampi kaya naman napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin at nakita kong may kasama siyang lalake na ngayon ko lang nakita

"Si Kim Xander yata 'yon, landscape architect. Nakita kona siya sa mga magazine" paliwanag naman ng isa kong kaklase

One week ko siyang hindi nakita, dahil last week si Ma'am Monica ang nagturo sa amin dahil may collaboration project daw si Ma'am Rayi sa Dubai.

The incident that happened last week is still fresh in my mind, and I'm hurt knowing that I only wanted to help her, but at the same time, I realize that I made a mistake because I let my emotions take over, and I didn't realize that I crossed the boundary as her student.

Kahit na ayoko siyang tingnan ngayon ay napapatingin ako, sinubukan ko namang umiwas sa kanya pero panay pangungulit ko lang sa kanya ang nagiging resulta. Paano ko ba siya iiwasan? Siya na ang nagsabi na lumayo ako sa kanya.

"Guys balik na tayo, kaya natin 'to" bumalik naman kami sa court namin. Nakaready na rin yung kalaban at kitang-kita ko si Tracy na nakakunot ang kilay sa akin na para bang nagtatanong kung okay lang ba ako.

After successfully serving the ball by the opponent, our attackers on our side managed to execute powerful attacks. However, the opposing team also had successful attacks against us. Towards the end, the ball was heading towards our side, as Joyce, my classmate and teammate of Tracy, spiked it with great force.

"Louize!" huling dinig ko bago ko namalayan na papunta sa akin ang bola. Wala akong maramdamang sakit dahil nahihilo lang ako, hindi ko rin makita ng maayos ang mga nakapalibot sa akin dahil nasisilaw ako ng araw

"What happened?!"

---

"Hi, Ma'am Rayi"

"How's she?"

"Wala pa po siyang malay ma'am"

"What happened?"

The Scent of an OrrisWhere stories live. Discover now