Chapter 8

5.3K 188 98
                                    

"Louize, bakit hingal na hingal ka?" Yung binigay na minuto kasi nung magaling kong professor ay kulang pa para habulin ko sila. Binigyan niya lang akong isang minuto at hindi man kami nakapag-usap ng maayos ni CJ. Buti nalang hindi na masyadong masakit ang paa ko at nakatakbo naman ako ng maayos.

"Baka kasi magalit si Ma'am Rayi kapag nalate ako sa meeting kaya tumakbo na ako" nabanggit niya kasing may meeting kami kanina kaya sobra talagang nagmadali ako dahil baka mapahiya ako katulad noong first day of class namin sa kanya

"Mamaya pa yung meeting pagkatapos ng dinner, tara puntahan na natin sila sa hotel" bakit niya ako minamadali kung wala naman palang meeting? Nakakainis siya. Gusto ko pang magpapicture kay CJ kanina kaya lang sobrang nagmamadali ako kaya hindi kona nagawa "Sobrang nastress ka yata kay Ma'am Rayi kanina" natatawang sabi ni kuya Miggy habang naglalakad kami papuntang hotel. Malapit lang naman yung venue kung saan ginanap yung seminar at kung saan yung hotel.

"Super kuya Migs, kung alam mo lang ang gulo niyang kausap. Pinatake note niya lahat ng sinasabi ni Ma'am CJ pero pinadelete naman niya dahil memorize na raw niya" stress na stress kong rant sa kanya

"Ganyan talaga si Ma'am, may photographic memory yata siya, kaya nga kahit small details lang natin ay nakikita niya at natatandaan niya" Photographic memory? Totoo ba iyon?

"Pero yung maganda nating ginawa hindi niya nakikita"

"Ganyan talaga kapag perfectionist, madalas lang makita yung mali" nag-agree naman ako sa sinabi niya

Pagdating namin sa hotel ay agad kaming dumiretso sa restaurant kung saan ang mga student council. Tanging si Ma'am Rayi, Ma'am Wendy at ate Ley nalang ang wala dito at sa tingin ko ay may inaasikaso sila.

"Grabe si Ma'am Rayi no, ang daming natanggap na awards" sabi ni Patricia, isa sa mga Mayor ng second year

"Akala ko magaling lang siyang architect pero grabe mga pre halimaw sa galing!" Dagdag pa ni Joseph, isa ring mayor

Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 40 students ang mayors na nandidito ngayon. May 10 sections per year, kaya 40 representative ang lahat. Siguro nasa 60 more or less kami ngayon kasama ang mga mayors ng bawat section at student council officers. Hindi na sinali ang 5th year, pati sa Student Council ay exception sila, siguro baka dahil marami silang gagawin at magiging busy.

"Ang swerte ng magiging asawa niya, ang talino at ang ganda" biglang yatang tumalas ang pandinig ko pagkasabi ng isang student na Mayor din

"Gago may asawa na si Ma'am, kaya nga Shigeno na siya ngayon" ibig bang sabihin hindi siya Shigeno dati?

"Ako nalang sana 'yon, kaya kong tiisin ang pagiging strict niya maging asawa ko lang siya" mga boys talaga nangangarap ng gising

"Alam ko may anak na rin yata siya, yung lagi niyang sinasama sa school 2 years ago" hindi ko alam kung totoo ba iyon dahil senior high palang ako noon at hindi kopa kilala si Ma'am Rayi that time. Iyon kaya yung bata na nakita namin sa mall?

"Uy tahimik na, nandyan na sina Ma'am" agad namang natahimik ang mga boys na nagkwekwentuhan

Pagkaupo nila sa table nila ay agad din naman nagserve ang mga waiter ng pagkain namin.

Hindi ko maiwasang tingnan siya, masyado akong nagkakainterest sa kanya. Siguro dahil gusto kong mas matututo sa field of architecture

Simula umpisa hanggang matapos kaming kumain ay halos nakatingin lang ako sa kanya pero ni isang sulyap muna sa kanya ay hindi ako nakatanggap. Hindi ko naman hinihiling na tingnan niya ako, gusto ko lang makita kung chinecheck niya ba ang mga estudyante niya kapag kumakain syempre advisor siya so dapat magcheck siya ng students niya.

The Scent of an OrrisWhere stories live. Discover now