Chapter 1

16.7K 280 114
                                    

FERNIZA LOUIZE

Tracy

Louize my friend saan
kana?

Papasok na ako sa building namin nang makatanggap ako ng text kay Tracy, himala ang aga naman niyang pumasok ngayon. 9am pa naman yung subject namin pero 8:40 palang ay nandito na siya at hindi naman siya ganon dati noong first year kami.

Ang aga mo naman,
papasok palang akong
building

Nasa hallway na ako ng building namin nang makatanggap ulit ako ng reply sa kanya

Gaga, 8:30 pasok natin
ngayon. Hindi mo ba
tiningnan yung portal
mo kagabi?

Nagbago yung sched
natin for History of
Architecture

Nang mabasa ko ang message niya ay agad akong napatakbo at umakyat sa 3rd floor kung saan ang room namin. Wala na rin akong pake sa mga estudyante na nasa hallway.

Nakakainis first day of school year late agad ako.

"Sorry I'm late" hingal na hingal kong pagpapaliwanag sa professor ko na nakatayo at may hawak na isang papel ngayon. Ang sipag naman niya first day na first day nagtuturo na siya

Tumingin siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis akong mabuti. It lasted for a few seconds, her intense scrutiny making me feel as though I was being examined under a microscope. And then, just as I noticed her forming a smirk in her lips.

"What is your name?" nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

Siya yata yung checkpoint na sinasabi ng mga higher year dahil marami itong binabagsak lalo na kapag tamad at kulang ang effort na binibigay sa subject niya

"I'm Ferniza Louize Leofonzo po" nakaka-intimidate yung tingin niya feeling ko anytime babagsak ako dahil maliban sa tumakbo ako kanina ay naging dahilan din ng panghihina ng tuhod ko ang mga tingin niyang parang sobrang laki ng kasalanang nagawa ko

"I don't want to hear your lame excuses why you're late in my lecture, It's time for you to take responsibility for your actions and start thinking seriously about your future as an architect. So, let me be clear Miss Leofonzo" saglit siyang huminto at tumingin sa mga kaklase ko na seryosong nakikinig at makikitaan mong natatakot din itong mga 'to sa kanya

"Architecture demands hard work and dedication, and there is no room for the lazy person here" pagkasabi niya ng lazy person at tumingin siya sa mga mata ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin

"So, I urge you to reflect on why you are pursuing this path and make a conscious decision to be fully invested in it" Hindi man lang talaga niya ako bigyan ng chance para magpaliwanag. Paano nalang kaya kung naaksidente ako tapos hindi niya pinakinggan ang side ko kung bakit late ako. Selfish and inconsiderate Professor.

"Pwede na po ba akong umupo Ma'am?" Tanong ko sa kanya habang nakataas pa rin ang kilay niya sa akin, Ma'am kailan ba bababa ang kilay mo sa akin

"Sit in front Miss Leofonzo. It's not just your own learning that you're ruining. It's also the learning of your classmates who are here to actually learn something. So, next time, don't enter this room if you're just going to disturb my lecture and spare us all the distraction and inconvenience" Hindi ko alam pero feeling ko maiiyak ako dahil sa pagpapahiya niya sa akin at Ito yung ayaw kong maranasan yung mapahiya ako sa harap ng klase.

Grabeng bungad ng second year as an architecture student ko ngayon, unang araw palang sermon agad at hindi lang iyon parang sinasabi pa niya na tamad ako.

The Scent of an OrrisKde žijí příběhy. Začni objevovat