ISANG BUWANG PAGMAMAHALAN

0 0 0
                                    

Sa t'wing kasama ko siya,
Nawawala ang aking problema,
Kahit 'di siya kumikibo,
Ayos na ako.

Tahimik ang namumutawi,
Sa pagitan naming dalawa,
Hindi ko masabi-sabi,
Dahil maski ako'y aligaga.

Pilit akong lumalaban,
Sa pagmamahalang nakalaan,
Pilit kong kinakapa ang daan,
Sa dulo ng walang hanggan.

Masakit magmahal ng patago,
Bawat galaw ay nakatago,
Yung tipong makikita ka,
Nagpapanggap na hindi magkakilala.

Kaya 'di ko maiwasang mabahala,
Baka darating ang oras na ika'y mawala,
Mahal na mahal kita palangga,
Sa problema ika'y aking panangga.

Makita ka lang ay ayos na ako,
Yakap mo'y nakakapanlumo,
Paghawak ng ating mga kamay,
Madilim kong pag-asa'y nabubuhay.

071123

Today is not an ordinary day. Ito ang unang buwan ng aming pagmamahalan. Kay bilis ng panahon, 'di ko akalain na magtatagal kami. 'di ko akalain na kaya ko palang tiisin lahat ng pagod sa relasyong ito. Nakakapagod talaga magmahal. Kaya maituturing silang mga bayani ang mga taong nagmamahalan. Dahil sa mundong ito, kapag mahina ka—talo ka.

Not a typical monthsary celebration. Kasi puno kami ng problema. Lalo na si Markusss na para bang pinagtakluban ng problema sa mundo.

Kung ako rin ang nasa puwesto niya. Tiyak na matatalo rin ako. Binahagi sa akin ni Markus ang mga problema niya lalo na sa kanyang pamilya na hindi siya sinusuportahan. Ta's kinukulit pa siya sa mga responsibilidad na siya ang pinapagawa.

He suffered from self-pity dahil sa mga nangyayari sa kanya lately sa school. Na halos inaayawan na siya ng mga tao na nasa paligid niya. Dahil nagiging threat daw siya sa dream title nila.

Nakakalungkot lang dahil as a partner willing akong tulungan siya pero hindi niya naman sinishare sa akin yung mga problema niya kasi ayaw raw niyang makaabala sa iba at madamay. Kaya sinosolo niya nalang ito.

Nakakalito talagang mahalin si Markus dahil Hindi mo alam kung ano ang paniniwalaan sa kanya. Ngunit gaya ng ipinangako ko sa kanya. I will love him even at the darkest time of his life. Hinding-hindi ko siya iiwan. Sasamahan ko siya palagi. Aalis lang ako kapag paaalisin niys ako.

Happy Monthsary! Naiintindihan ko kung bakit hindi natin magawang magcelebrate ngayon. Hindi mo naipapakita sa akin yung pagmamahal mo dahil maski ikaw ay may problemang kinakaharap na pilit sinusubok sa buhay. Maski ikaw ay namumroblema sa mga bayarin mo sa school kaya naiintindihan ko yun. Basta laban ka lang.

Kahit hindi man tayo magtatagal. Kahit bare minimum mo lang ang aking natatanggap ayos na ako at hindi ako galit sa'yo. Sa halip binigyan mo pa ako ng pagkakataon na ma mahalin ka at ipakita ito. Salamattt! Bakit ko sinusulat ang lahat ng ito, dahil gusto sa pagdating ng mga panahon na hindi na kita muling makita pa. May babasahin akong libro na nagpapatunay na mayroong ikaw at ako. Lahat ng mga pangyayari ay aking sinusulat. Hinding-hindi ko ito makakalimutan sa paglipas ng panahon. Ang kuwento nating dalawa ay nakasulat sa papel gamit ang tintang dugo.

Hindi natin alam kung hanggang kailan ang ating kuwento. 'di rin natin alam kung ano ang patutunguhan nito pero gaya ng sinabi mo na mahal mo pa ako. Panghahawakan ko ito para lumaban at ipagpatuloy ang aking pagmamahalan.

Pagkadismaya lamang ang aking nararamdaman sa araw na ito. This is our special day but sweet nothing. Hindi man lang siya nag-effort na makisabay man lang sa akin pauwi. Hindi ko naman hinihiling na bigyan niya ako ng regalo o anumang materyal na bagay.

Ang hiling ko lang na regalo ay ang presensya niya. Kasi sa mundong nakakapagod, siya ang aking naging pahinga. Masakit isipin na makita siyang naglalakad sa kalayuan. Gusto ko siyang habulin at sabayan sa paglalakad pero pinangungunahan ako ng kaba na baka hindi niya ako kikilalanin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The SemicolonWhere stories live. Discover now