PAG-IBIG SA INANG PAMANTASAN

8 0 0
                                    

061323

Hindi ko inaasahan na sa muling pagkakataon ay muli akong magmahal dito sa Inang Pamantasan. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa aking buhay na akala ko ay wala na talaga kaming pag-asa ni Markus na muling pagtagpuin ang aming landas.

Sa araw na iyon ay muling gaganapin ang Torch Parade para sa parangal ng hinirang na topnotcher ng aming paaralan. Kaya kami ay naghanda sa gaganaping parade mamayang gabi. Bumili na rin ako ng sulo para gamitin ko mamaya. Akala ko nga hindi makasali si Markus dahil wala daw siyang pambili na toch ta's yung torch niya ay naiwan sa bahay nila. Gusto ko sanang ibigay iyong isa kong torch na dinonate ko sa SG last parade iyon nga lang hindi na naibalik pa. Mabuti na lamang ay binilhan siya ng kanyang kaklase kaya nakasali siya sa parade.

Gusto ko sanang magpapicture sa kanya nung mga oras na iyon para may remembrance ako sa kanya. Para naman kapag siya na ang susunod na maging topnotcher ay may maipagmamalaki ako na siya ang taong pinakamamahal ko.

Medjo nagtagal din ang program at parade ng halos limang oras. Nalungkot nga ako dahil hindi ako nakapagpapicture sa kanya dahil hindi ko siya nakita nung mga gabing iyon dahil busy siya sa pagprepare ng kanilang bazaar at choric presentation para sa event tomorrow na kung saan pinamumunuan ng ELLS at Kadipan. Nagtampo pa nga ako ei HAHAHA pero kailangan kung intindihin dahil alam kong pagod iyong tao.

Alas-nueve na siyang nakauwi nung gabing iyon. Ta's kailangan niya pang bumalik sa Inang Pamantasan dahil mag-iinsayo pa sila para sa presentation bukas at natapos sila mga bandang alas-dos ng umaga. Nakakaawa nga siya nung mga oras na iyon. Pagod na pagod at kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata. Gusto ko sana siyang yakapin nung mga oras na iyon para maibsan man lang ang kanyang pagod na nadarama.

061423

Alam mo iyong pakiramdam na gusto mong ipagsigawan na mahal mo siya. Kasintaha mo 'yan pero hindi maaari kasi kailangan niyong protektahan ang isa't isa mula sa mapanghusgang lipunan. Kaya sa mata publiko ay kailangan naming magkunwaring hindi kami magkakilala. Iyong hanggang nakaw tingin lang isa't isa. Walang kibuan. Kapwa pareho kaming nakaw tingin sa isa't isa ni Markus nung mga araw na iyon.

Habang abala sila sa pagblocking sa stage ay naroon naman ako sa harapan na nakaupo at nanonood sa kanilang ginagawa. Hindi ko mapigilang mapangiti na lamang dahil napakacute niyang tingnan sa suot niya ngayon. Mayroon pa siyang band aid sa ilong na siguro parte rin ng props nila.

Nanood na lamang ako at talagang hinintay ko ang pagtanghal nila nung mga oras na iyon at kinuhaan ko pa siya ng video. After nung event ay nagchat siya sa akin na samahan ko raw siya sa canteen dahil nagugutom daw siya at hindi pa siya kumain ng tanghalian. Kaya sinamahan ko siya at sinabihan siya ng congratulations dahil sila ang nanalo at overall champion din sila. Nag-uusap kami doon sa canteen at mabuti nalang at kunti lang ang mga tao.

Iniwan ko na rin muna siya saglit at nagpaalam sa kanya dahil kailangan ko munang tumulong sa restoration ng event. Kahit papaano ay makatulong naman din ako diba? At sinabihan ko siya na sabay na kaming umuwi.

Pero nauna na siyang pumunta sa terminal dahil may meeting pa raw siya kasama ang klase niya at hihintayin nalang daw niya ako doon. Hindi raw siya sasakay ng sasakyan hangga't sa hindi ako dumating kaya nang matapos na kami sa restoration ay kaagad na akong pumunta sa terminal at nakita ko kaagad siya malapit sa streets food vendor na kumakaway sa akin. Tinanong niya ako kung anong gusto kong kainin at sinabi ko naman na kahit ano. Nilibre niya ako ng tempura and juice.

Umupo kami sa isang tabi at nag-usap ng masinsinan at kinamusta ang isa't isa. Sa oras na tumama talaga ang aming mga mata ay 'di ko maiwasang mapangiti at kiligin. Sabi pa nga niya ang cute ko raw kapag tumatawa HAHAHA. Hiningi niya iyong number ko kaya binigay ko naman. Hindi pa rin namin maiwasan na malibutan kami ng katahimikan dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung paano magsisimula ng paksa.

Kaya siya ay kumakanta na lamang na para bang hinaharanahan ako at 'di ko maiwasang mapangiti dahil pinag-usapan na pala kami sa GC dahil mayroon pala akong kaklase na nakakita sa amin at palihim kaming kinuhanan ng letrato at sinend sa GC.

Matapos naming kumain at nang medjo nagdidilim na ay napagdisesyunan na naming umuwi. Pinasakay niya muna ako ng sasakyan bago siya umalis. Nabasa ko pa sa kanyang labi ang katagang, "I love you" at sinabihan ko naman siya ng "I love you too" na pabulong sa hangin.

061523

Pagkatapos ng klase ay hindi na ako nagchat sa kanya kung sasabay ba siya dahil baka may klase pa sila kaya sinamahan ko na lamang si Sheena na kumuha ng pera sa Palawan. 'di nagtagal ay nagchat din siya sa akin kung nasaan daw ako at sinabi ko naman sa kanya na nandito ako sa palawan at sinamahan ang kaibigan. Papunta na raw siya sa terminal kaya sinabihan ko na lamang siya na dito nalang kami magkikita.

Kumain muna kami ni Sheena ng kwek-kwek at nang makarating na siya sa terminal ay sinabihan ko siyang sumabay sa amin at lilibrehan ko siya. Ayaw niya kasi sanang sumabay dahil wala siyang perang pambili kaya ako nalang bumili para sa kanya. Pinakilala ko rin siya sa kaibigan ko nung mga araw na iyon.

061623

RAATI wala kaming pasok buong araw pero kailangan pa rin naming pumunta sa paaralan dahil mayroong attendance at kahit papaano ay mayroong audience ang event. Ta's kailangan din naming makiabang dahil mayroong kaming proyekto na gumawa ng school paper at kailangan naming kumalap ng mga impormasyon para sa gagawing balita. Kaya buong araw kaming nakikimarites sa araw na iyon.

Nagtapos ang event sa ala-una ng hapon. Sinabi ko kay Markus na nasa library ako nagbabasa. Nagtampo rin ako ng mga oras na iyon dahil hindi niya ako pinapansin kahit ngiti man lang. Napakasakit pala no kapag love behind closed doors ang konepto ng pagmamahal. Dahil parang hindi kayo malaya sa isa't isa na magmahal dahil nakadepende kayo sa paligid na mayroon kayo.

Malaya lamang kayong magmahal sa likod ng madilim na kayo lamang ang nakakakita. Palihim niyong pinapakita ang pagmamahalan ninyong dalawa kumbaga. Napakasakit lalo na kapag nakita mo siyang may kasamang iba ta's nag-uusap sila. Hinihiling ko na sana ako nalang iyon. Na kasama at kausap niya sa araw-araw. Kaya nagtampo talaga akong nung mga oras na iyon at pinagsabihan siya. Kaagad naman siyang humingi ng tawad sa akin.

Mga ilang oras din akong nagbabasa sa library at 'di ko akalain na pupuntahan niya ako rito. Nakihiram nalang din siya ng libro sa library at hinihintay ako na matapos sa pagbabasa. Tinanong niya ako kung nagtatampo ba raw ako at sinabi kong hindi na. Naiintindihan ko naman Markus.

Iyong mga oras na iyon ay binigay ko na sa kanya ang reviewer para naman makapaghanda na siya sa paparating na board exam next year. Nung mga oras na iyon ay tinanong ko pa nga siya at hinamon na sagutan ang nasa reviewer. Minsan ay tama ang mga naging sagot niya at minsan ay mali naman. Pinapaliwanag niya sa akin kung bakit ganyan ang sagot at kung ano nais ipahiwatig ng mga ito. Halos naubos namin ni Markus ang oras sa pag-iinsayo at di namalayan alas-singko na pala. Kung hindi nga nagsara ang librarian ay hindi kami aalis doon. Kaya napagdisesyunan na naming umuwi na.

Ngunit napahinto kami sa paglalakad sa Miguel Optical Clinic dahil gusto niyang magpacheck sa kanyang mata dahil balak daw niyang magpagawa ng eye glass dahil hindi na raw siya masyadong nakakabasa sa malayo. Kaya sinamahan ko naman siyang magpacheck-up hanggang sa inabutan na kami ng gabi.

The SemicolonWhere stories live. Discover now