THE REVELATION OF TRUTH

4 0 0
                                    

070523

Maaga siyang nakapagchat sa akin na nasa bahbah daw sila namirthday dahil kaarawan ni ante Nelly. Tinanong ko siya kung sino ang kasama niya ta's sabi niya sina Ante Nieva, Cy at Decerie. Nabalitaan ko rin na pupunta siya sa PNU para sa soft opening ng Indigay.

Kailangan ko rin kasing pumunta kahit hindi pa araw ng kumpetisyon namin dahil mayroong attendance ta's napagkasunduan din namin ng aking kasamahan na gumawa kami ng LP dahil kailangan naming magpacheck sa Friday para sa demo teaching namin.

Talagang nakakapagod tong araw na 'to. Pagkatapos ng presentation of candidates sa CCF1 ay pumunta kaagad kami ni Jemaica sa Library para doon gumawa ng lesson plan dahil tahimik. Sa pagsisimula ng mga laro ay hindi kami nakapanood dahil abala kami sa paggawa ng lesson plan buong araw.

Kinuha ko nalang din yung t-shirt ko at nang pumunta ako sa canteen ay nakita ko si Markus kasama yung mga kaklase niya na para bang mayroon silang pinag-uusapan pero nagpapabulag-bulagan lamang ako. Nakakatawa talaga. Yung tipong sa public ay parang hindi kami magkasintahan pero sa private ay napakasweet namin sa isa't isa.

Hindi na bago sa akin yun at nasanay na ako. Be matured enough. Hindi naman siguro kailangan ipangalandakan na magkasintahan kaming dalawa no. Basta amin nalang yun HAHAHA.

Maraming beses ko na rin itong pinag-isipan pero ngayon ay talagang disidido na ako na tanungin si Rica kung ano talaga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Markus at bakit ganoon nalang ang lungkot na nadarama ni Markus nung buwan ng Mayo.

Nagpa as if ako sa kanya na you look so familiar at nagulat ako na kilala pala niya ako dahil kay Markus. Tinanong daw kasi niya noon si Markus kung kilala ba raw niya ako. Sabi naman ni Markus ay, "Oo" dahil daw pareho kami ng paaralan. Kaya pala sa tuwing may post ako ay todo react itong si Rica.

Hindi ko kaagad direktang tinanong ito sa kanya para naman hindi mahalata hanggang sa sinabi ko na, "Pero bitaw, sorry for invading pero why imo mang gipakawalan si kuya hahaha."

Nag-aalinlangan pa ako sa tanong na iyan ngunit mabuti na lamang ay sinagot niya yung tanong ko at doon ako naliwanagan sa mga nangyari.

"Nakita man gud niya tong ge myday nako dati tas nag ask siya kung unsa ba gyud mi tas di nako matubag iyang mga pangutana. Okay paman mi ato na time tas pagka ugma na drained gyud kayko tas ginaseen nalang nako siya kay diko kabalo unsa akong e reply kay wanasab ko kasabot sakong sarili theeeeeen nag paalam nalang siya sakoa tas nag thankyou kay nakaila ko niya. Daghan kaysiyag message that time na ge heartan ko nalang. Ge let go ko nalang sab kay naga suffer man gud siya kung unsa bagyud mi. Hays. Last week ko lang gid nabal an na naka unfriend na gali ko sa iya, bi ko pa naman nag lowkey lang to siya naka unfriend na gali HAHAHHAHA"

Dagdag niya pa, "Grabeeeee gyud iyang love. Update lang, kanunay gid na ga update. Mag sorry sab na siya if di siya ka update tapos supportive kaayo. Encourager, naa nagyud sa iyaha tanan akong ginapangandoy sa wattpad nga standard," dito rin ako nakaramdam ng inggit. Ganito pala siya pero bakit hindi ko ito maramdaman sa kanya ngayon. Though paminsan-minsan nag-aupdate naman na siya lalo na noon na talagang humihingi pa siya ng sorry kung hindi siya nakapag-update sa akin. He is my number one supporter ta's minomotivate ako palagi pero sa paglipas ng panahon bakit... Bakit ka nagbago? O talagang may problema ka lang kinaharap dahilan kaya wala kang consistency.

Tinanong ko siya kung mahal niya ba talaga si Markusss at ang sabi niya sa akin ay oo. Matekong uminit ang aking puso nang mabasa ang naging sagot niya sa akin. Daan-daang what ifs na naman ang tumatakbo sa aking isipan na mga senaryo..

What if magkakabalikan sila?

What if iiwan ulit ako ni Markus dahil pipiliin niya ulit yung babaeng minahal niya?

What if si Rica pa rin talaga ang mahal niya?

Paano na ako?

Maiiwan nalang ba ako ulit sa ere?

Sa pangngalawang pagkakataon. Kailangan ko na ulit bang magpaubaya?

Natatakot na ako para sa kahihinatnan ko sa kasalukuyan kaya dapat ihanda ko na ang aking sarili at sanayin ulit na mag-isa para kapag ang mga ito ay mangayari. Hindi na masyadong masakit dahil tinanggap ko na. Pero mababasa ko naman lalo na sa trato sa akin ni Markus kaya kailangan kong turuan ulit ang sarili na 'wag masyadong maattach dahil ayoko na ulit maranasan yung sakit na naranasan ko noon.

Tinanong ko siya ba baka pwede pa nila maayos yan. Pero ayun sa kanya imposible na raw itong mangyari. Alam na ni Markus ang tungkol diya pero maski si Markus ay 'di na siya tinanggap pa. Dahil sabi pa sa akin ni Markus na sa oras na sasabihin niyang maglet go ay gagawin niya talaga.

Pero sapat ba ito? Sapat ba ito para makampante ako sa sarili?

Sa tingin ko hindi. Ngayon ay nalaman ko na ang iba't ibang perspective sa mga mahahalagang tao ni Markus. Kailangan ko ng mag-ingat. I need to guard my heart para hindi ulit mabasag. 

The SemicolonWhere stories live. Discover now