CONT;NUE

7 0 0
                                    

Handang-handa na ako sa maaring kahihinatnan ng kuwentong ito. Dahan-dahan ko ng tinuruan ang aking sarili na sanayin muli ang sarili na mag-isa. Na dapat ako mismo ang maghahanap ng sarili kong kasayahan at hindi ko dapat ito inaasa sa'yo Markus. Dahil darating at darating din ang araw na baka hindi na tayo muling pagtagpuin ng tadhana.

Kaya dito pa lang ay tuturuan ko na ang aking sarili na maging matapang para sa pagdating panahon ay hindi ako magugunaw katulad ng nangyari sa akin noong iniwan mo ako.

Wala talaga ei, pagod na ako sa kakaisip kung talagang mahal mo ba ako? Dahil hindi ko ito nakikita sa mga galaw mo sa akin. Kaya hindi na ako aasa pa at hahayaan nalang ang tadhana na magdikta sa katotohanan.

Ayos lang kung hindi mo talaga ako minahal Markus dahil hindi ko naman iyong pinagsisihan. Hindi rin ako galit. Magpapasalamat pa nga ako sa'yo dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na pumasok sa bubay mo at ipakita o ipadama ang tunay kong nararamdaman.

Sa paglipas ng mga araw. Hindi na kami muling nagkasama pa ni Markus. Hanggang chat lamang ang koneksyon naming dalawa. Kahit pareho lang ng school pero hindi talaga kami psgtagpuin dahil wala rin naman siyang balak na makipagkita sa akin. Siguro dahil natatakot talaga siya na malaman ng iilan na may relasyon kaming dalawa.

Sobrang sakit, kasi minsan nakikita mo siya sa canteen na kumakain mag-isa. Naglalakad mag-isa pero hindi mo magawang lapitan kasi bawal. Ganito ba talaga ang pagmamahalan maraming balakid?

Kaya naguguluhan na talaga ako. Dahil parang hindi ko nararamdaman ba mayroon akong kasintahan. Parang single pa rin ako pero wala akong magawa dahil ito ang pinili naming dalawa. Ang maglihim.

Halos wala na nga ako sa sariling katinuan dahil sa kakaisip kung ano ba talaga ang mayroon kami. Totoong label ba talaga ito? O peke? Kasi bakit takot pa rin akong panghawakan ang buhay mo. Na para bang may rehas na nakaharang sa atin pareho dahil hindi kita magawang lapitan.

062623

Sumabak ako sa exam na walang aral. Kasi wala talaga akong gana sa lahat ng bagay. Alam mo iyong pinipilit kong mag-aral pero wala pa ring pumapasok sa kukuti ko kaya hindi na lamang ako nag-aral. Nung gabi ring iyon ay nag-away kami ni Markus. Dahil sa hindi pagkakaintindihan at doon ko nalaman na madali rin pala siyang mairita lalo na kapag hindi niya nakuha iyong gusto niya. Ewan ko biniro ko lang naman siya nun pero nagalit kaagad. Kaya hindi niya ako pinansin hanggang sa sumapit ang gabi.

Sabi ko sa kanya. Pasensya na sa joke ko hindi na kita kukulitin. Ta's nagsabi ko sa kanya ng good night. Tapos ayun ang tugon niya sa akin "Go!" na para bang ang bilis niya akong itapod na lamang na parang halaga.

Kaya ayun sa sobrang lungkot ko ay napainom ako ng alak dahil sakto namang nag-inuman iyong stepmother ko at mga kasamahan niya kaya nakiinom din ako. Grabe talaga ang iyak ko ng mga oras na 'yon. Doon ko rin nalaman na parang wala lang talaga ako sa kanya.

Nung mga oras ding iyon ay chinat ko ang kanyang ex na si Joshua dahil saktong kinonfirm niya ang friend request ko. It's almost 1 year na rin simula nung blinock niya ako.

Nag-usap kami patungkol sa mga bagay-bagay hanggang nasagi sa usapan namin ang tungkol kay Markus at sa amin. Nalaman na niya na may relasyon kaming dalawa. Nanghingi pa nga ako ng payo sa kanya at nag-oversharing pa ako sa kanya nung mga gabing iyon dahil sa kalasingan ko.

Marami ring nag-advice sa akin na itigil ko na ang kahibangan ko dahil ako lang din ang masasaktan. Mayroon ding mga hindi ko kilala na tinulungan ako sa pamamagitan ng comforting words.

At doon ako namulat! Namulat na ako sa relasyong hindi mabuti para sa akin. Panahon na siguro para piliin ko ang aking sarili at iligtas. Dahil sa relasyong ito ay binaba ko na ang sarili kong standard at worth. I am settling for the bare minimum. Papayag ka ba ng ganun-ganun lang? Hindi maari. Gusto ko ng lumaya sa nakakasakal na relasyong ito.

The SemicolonWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu