PANIBAGONG KABANATA

14 0 0
                                    

061123

Naalala ko pa ang mga katagang binitawan niya noong nagpaala ako sa kanya noong nakaraang taon. Sabi niya sa akin na niniwala siyang hindi ito ang pagtatapos ng kuwento naming dalawa, nararamdaman niyang may panibagong kabanata. Hindi siya tiyak kung ano ito pero natitiyak niyang maraming kabanata pa ang tatahakin naming dalawa.

Hindi ko alam kung ano ang nais ipahiwatig ng mga kataga niyang iyon pero disidido na rin akong pakawalan siya at hayaang mahalin ang taong mahal niya.

Makalipas ang ilang buwan tila naliwanagan na ako sa sa nais niyang ipahiwatig at ito na ang araw sa pagsisimula ng kabanata naming dalawa.

WHAT IF TAYO NALANG?

Tila nagulantang ako sa sinabi niyang iyon at hindi makapaniwala sa binitawan niyang mga salita. Kagabi pa raw niya sana ito gustong sabihin pero nahihiya raw siya baka mabusted ko raw.

Bago ko pa man siya sinagot noon ay tinanong ko muna siya kung bakit? Bakit siya bumalik. Sariwa pa rin ang sugat sa puso ko dahil sa ginawa niya.

Humingi naman siya sa akin ng tawad dahil hindi niya ako pinili noon. Ngayon ay naliwanagan na raw siya kung sino ang taong nagstay sa kanya at ako iyon. Marami pa siyang mga sinabi sa akin at lahat ng iyong ay kanang pinagsisihan.

Sabi pa nga niya na huwag mong tingnan ang aking nakaraan. Basta ang importante ay kung anong mayroon tayo sa ngayon. Ang importante ay nagmamahalan tayong dalawa. Hayaan mong simulan natin ang kuwento bilang iyong kabiyak.

Hindi ko maiwasang mapatulo ang aking mga luha dahil sa sinabi niya noong gabing iyon at halos nalilito ako kung sasagutin ko ba siya pero kalaunan ay sinagot ko rin siya. Ngunit hiniling ko sa kanya na muli niya itong sabihin sa akin sa oras na magkikita kami sa personal.

Doon na nga nagsimula ang panibagong kabanata ng kuwento naming dalawa. Sa nakaraang libro, may ako, ikaw at siya. Sa panibagong libro ay may ikaw at ako.

Hayaan mong punuin natin ang libro ng mga ala-ala nating dalawa na sabay nating titingnan at babasahin sa pagdating ng panahon.

061223

Unang araw naming dalawa bilang magkasintahan. Labis ang galak na aking nararamdaman nang unang beses kong makita sa kanya na ginamit ang salitang, "I love you" isang salitang nagpapahinahon sa akin at kay sarap marinig mula sa taong pinakamamahal ko. Dati ay hinihiling ko lamang ito sa sa kanya. Dahil labyu lamang ang kanyang sinasabi. Ako ay napakakritikal kung mag-isip. Hindi na rin ako naniniwala sa salitang iyan dahil naranasan ko na iyan. Wrong spelling, wrong feelings kumbaga.

Pero ngayon ay tamang ortograpiya na ang kanyang binatawan sa salitang, "Mahal Kita"

Markusss mahal din kita sana totoo na ito. Huwag mo na akong iwan please. Sana ikaw na hanggang sa walang hanggan. Mark Jobert Cagape cutie.

Nagpaalam siya sa akin dahil may pupuntahan daw sila bukid dahil inimbitahan sila sa may birthday at pagkahapon ding iyon ay nagchat siya sa akin na baka pwede kaming gumala ngayong araw.

Kaya napagdisesyunan naming gumala sa Naliyagan dahil ngayon ang opening ng Naliyagan Festival. Kaagad naman akong naligo at nagbihis dahil baka wala na akong masasakya dahil alas-singko na ng hapon at mabuti na lamang ay nakasakay rin ako. Pagkdating ko doon ay naghintay muna ako saglit sa terminal dahil magpapagupit daw muna siya. Kaya naghintay ako sa kanya nga mga 15 minuto.

Nakasuot siya ngayon sweatshirt na may tatak na "rangers 03" at ang gwapo niya sa gupit niya ngayon. Sumakay na lamang kami ng bao-bao dahil medjo matagalan pa kami kung bus ang aming sasakyan.

Pagkadating namin doon sa Naliyagan ay kaagad na kaming pumasok at kaunti lang ang mga tao ngayon dahil opening pa lang. Nanood muna kami sa presentation ng bawat tribe at saka napagdisesyunan na maglakad-lakad at tumingin-tingin sa kung anong meron sa paligid. Hindi mapigilang mapalingon ang mga tao sa kanya dahil sa sobrang taas niya.

Naghanap din kami ng rides dahil gusto niya raw sumakay ng rides. Kaya naglakad kami hanggang sa rides section. Pumasok kaagad kami pagkatapos naming mabayaran ang enrance. Ang mahal ng mga rides kaya doon kami sumakay sa parang octopus dahil 50 lang ang bayad. Kami lang dalawa ang sumakay at magkatabi lamang kami.

Iyon ang unang beses na makaramdam ng isang romantikong senaryo. Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa nangyari ngayong gabi. Kahit ako ay napagastos. Ayos lang, dahil kapalit nito ang magandang ala-ala na babaunin ko sa pagdating ng panahon na minsan ay kasama ko si Markus sa mga araw na iyon dahil alam kong magkakalayo rin ang aming landas lalo na pagkatapos ng graduation niya.

After nung rides ay lumabas na kaagad kami dahil wala na kaming pera kahit isang beses lang ay sulit na sulit. Habang patuloy na iniikot kami sa ere ay tanaw na tanaw namin ang mga liwanag na galing sa paligid. Kapwa namin pinakawalan ang mga ngiti at saya sa oras na iyon ni Markus na parang malayo sa problema.

At muli niyang binitawan ang mga katagang, "tungkol doon sa sinabi ko kagabi, payag ka bang aking maging kabiyak?" Doon ko pinakawalan muli ang matami kong oo. Kung pwede nga lang, huwag munang itigil ang pag-ikot ng sinasakyan namin dahil parang nagugustuhan ko na anh senaryong ito. Dati pinangarap ko lang talaga ito. Nababasa at napapanood sa mga palabas pero ngayon ay naranasan ko na mismo. Mahal kita Markus sana ikaw na.

Nang makalabas na kami ay napagdisesyunan naman naming kumain muna dahil nagugutom naman kami. Kaya huminto kami malapit sa second stage at doon kumain sa may mga binintang barbeque. Nag-order kami ng anim at saka kanin at doon kumain sa labas.

Sa gitna ng aming pagkain, binitawan niya sa akin ang isang tanong na, "Bakit ako?"

Isang tanong na nagpabara sa akin. Hindi ko alam pero may sagot ako pero napapangunahan ako ng kaba sa gagawin ko. Hindi ko nasagot ang tanong niyang iyon. Hanggang sa nakasakay na kami ng bus. Doon na ako naglakas ng loob na sagutin ang tanong niya.

"Markus, do you believe in Cutie Supremacy?" at sabi niya ay oo.

Kasi alam mo dati, sa sobrang disperado ko sa'yo ay nagpost ako sa twitter na mark cutie. It sounds funny pero too. Iyon rin kasi ang oras na nagtrending iyong arjo cutie ni Maine. Kaya ginawa ko. Iyon nga lang dinelete ko dahil hindi na ako naniniwala kalaunan lalo na nung time na pinakawalan na kita dahil sa kanya. Pero hindi ko akalain na matutupad pa rin iyon. Kaya huwag mo akong tanungin na bakit ako? Dahil too obvious naman na ikaw lang talaga ang pipiliin ko sa araw-araw. Kahit mayroon akong minahal after noong pinakawalan na kita. Kahit minsan ay hindi ka pa rin nawala sa isipan ko. Palagi pa rin kitang chinicheck sa account mo para makita ko kung okay ka lang ba. Iyong mga oras na gusto kitang icomfort pero hindi ko magawa dahil natatakot ako dahil gaya ng pinangako ko ay hindi na kita guguluhin pa. Hihintayin ko na ikaw mismo ang kusang babalik sa akin. Then you came again, mahal kita Markus. Hindi ko alam kung bakit ikaw pero 'di ba sabi nga nila hindi mo maipaliwanag nang maayo kung bakit mahal mo ang isang tao.

Lahat ng iyon ay sinabi ko sa kanya habang sakay kami ng bus. Nahinto lamang ang aming pag-uusap nang makarating na kami sa terminal. Sinamahan niya muna ako sa waiting shed para makasakay na ako papuntang Lucena. Hindi siya umalis hanggang sa nakasakay na ako. Nagpaalam na ako sa kanya.

Nang umandar na ang aking sinasakyan ay kaagad akong nagtext sa kanya na, "To sum up kung bakit ikaw? It's because God gave me you. I love you Markus and take care as always."

Lordddd, if you gave me Markus again please huwag mo na siyang iwalay sa akin. Sana siya na talaga Lord. Kasi ayoko ng magmahal ng iba pa.

The SemicolonWhere stories live. Discover now