PAGOD NA KAMING DALAWA

3 0 0
                                    

Hanggang kailan mo kayang manatili?

Hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit?

Hanggang kailan mo kayang dalhin ang mga problemang iyong tinatamasa sa isang relasyon?

Hanggang sa maubos ka na? Hanggang sa mapagod ka na? Hanggang sa maging manhid ka at nasanay na sa sakit na nararamdaman?

'di ko alam pero nagising na lamang ako sa isang umaga na napagod na. Nawalan ng gana. Pagod na pagod na ako sa lahat ng bagay lalo na sa relasyon na ito. Yung nasanay na akong hindi makatanggap ng mensahe sa kanya. Kaysa naman makatanggap ng mensahe na pilit at kailangan ko pang hilingin sa kanya mismo.

Kung ano man ang patutunguhan ng relasyong ito ay tatanggapin ko. Ngayon pa ba ako mag-iinarte sa dinami-dami na ng taong dumating at umalis sa buhay ko.

Hindi na consistent yung message sa akin ni Markus na para bang sa paglipas ng panahon. Ako nalang palagi ang humihingi ng atensyon sa kanya. Kaya ito ang dahilan kung bakit disidido na akong pakawalan siya. Palayain siya at hayaang gawin ang mga bagay na kung saan siya sasaya.

070623

Ifinocus ko na lamang ang aking sarili sa ibang bagay. Hindi na sa kanya umiikot palagi ang aking sarili. Kailangan ko ng libangin ang aking sarili sa ibang bagay. Gaya ng sinabi niya sa akin, don't prioritize me. Still focus on your goal. Akoa role dira nimo is somehow a fince or anything that could cheerr you up or something that could make you feel in love.

"Thank you for understanding me. Kay ambot.. Kapuyan namn sab jjd ko mag problema jud. Basta hahahaa. I just want you to grow.. Bahala na ng imong height pero kanang mugrow ka as a person. Lipay na kaayu ko ana"

"Bitaw uyy, kung mafeel nimo Palangga na naglisud ka. You stop sometimes. You rest. You go outside. You look outside and watch the clouds. Then try to reflect how your surroundings is fine and look at you. Sometimes you need time for yourself than having time to people. Other people might have the same problem as you or even worse. But if you're pack, then chase the light beyond your surroundings."

Ito yung mga salitang hindi ko makakalimutan sa mga sinabi niya sa akin. Kaya unti-unti kong binalik yung dating ako na king saan nakafocus sa kung saan ako maggo-grow. Don't depend yourself in the person. Dapat ikaw mismo ang maging source ng iyong happiness at motivation para kapag yung tao na yun ay mawala. Hinding-hindi magugunaw ang mundo mo.

One time nakita ko yung story niya sa Facebook, "Not related to academics pero hindi ko na kaya!"

It shocks me kung ang nais niyang ibig sabihin yun. In what part siya napapagod. Kaya dali-dali akong nagreply sa kanya at tinanong ang kanyang story. Syempre nakaramdam din ako ng kaba baka kasi napapagod na siya sa relasyon naming dalawa at gusto na niyang tapusin ito.

Hiniling ko nalang sa Panginoon na kung ano man ang magiging desisyon niya ay tatanggapin ko. Handa naman kasi akong maglet go sa kanya. Sapat na siguro ang mga panahon na pinagsamahan naming dalawa. Masaya na ako dun.

Hindi kaagad siya nagreply sa akin hanggang sa kumain na kami ng lunch. Doon kami kumain sa cafeteria pero hindi ko akalain na makikita ko siya dun kasama ulit yung kaklase niya na nakita ko kahapon. Kinakabahan ako at nakiusap sa kanila na huwag na lang kaming kumain sa cafeteria pero kinaladkad nila ako at nagkunwari na lamang ako na hindi ko siya nakita. Kinakabahan pa nga ako at nanginginig dahil sa pangyayari.

Ewan ko kung bakit ganito yung nararamdaman ko sa kanya kapag nakikita siya yung tipong hindi na ako nakakaramdam ng pananabik na makikita siya. Kung hindi kaba at parang 'di mapakali. Dahil ba ito sa mga ipinapakita niya sa akin na trato?

The SemicolonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt