SA GITNA NG DAGAT

9 0 0
                                    

Maihalintulad ang pag-ibig sa suliranin sa gitna ng dagat. Kung hindi ka marunong lumangoy, talo ka. Huwag mong hayaan na malunod ka nito dahil ikakamatay mo. Kailangan mo pa ring pagbutihin na makaahon sa bawat paghagapak ng mga alon para hindi ka matangay nito. Gamitin mo ang iyong sariling lakas para lumaban at huwag hayaang tangayin nito.

061923

Nagising na lamang kami dahil sa pagtawag ni ante sa amin na kailangan na raw naming maghanda at bumangon dahil nariyan na ang sasakyan namin papunta sa Surigao del Sur. Kaagad naman akong nagising at saka ginising na rin si Markus na kanina'y mahimbing na natutulog.

Kaagad kaming nag-ayos sa aming sarili at saka lumabas dahil sa takot na baka mapag-iwanan. Ginamit ko ang aking hair freshener para naman mabango ang aking buhok at nilagyan ko rin yong buhok ni Markus na halatang nagulat siya sa ginawa ko.

Sumakay na kaagad kami sa sasakyan at hindi namin akalain na may iba rin pala kaming kasama na mga taga-PNUANs. Inimbitahan din kasi ni ante iyong mga boarders niya. Mabuti nalang para hindi rin nakakahiya. Mini-gathering din pala ito ng mga PNUans.

Mga bandang alas-sais ay umalis na kami. Katabi ko si Markus at Bebe. Hawak nila ang mga puto habang ako naman ay matiyagang hinawakan ang aking bag. Ito ang kauna-unahang beses na gumala ako kasama si Markus. Hindi nga namin masyadong naipakita lalo na't nag-iingat pa rin kami sa paligid. Ganito ba talaga kapag nagmahal ang katulad namin. Maraming bawal? O may ibang rason kung bakit ayaw mong ipaalam sa karamihan ang tungkol sa atin Markus?

Naiintindihan ko naman na takot kang malaman ito nila ante Nieva at mga pamilya mo lalo na't napakakunserbatibo nila sa ganitong bagay pero nararamdaman ko talagang may tinatago ka sa akin Markus. Nawa'y ako lang ang iyong minahal. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay tinanggap kita. Kahit alam kong sinaktan mo ako nang labis noong hindi pa naging tayo. Masakit nga kapag walang label, ngayon pa kaya na halos hindi ako magka-undagaga kung sino ang mga nakakausap mo.

Sa tuwing magkasama tayo. Halos hindi mo ako matingnan sa mata dahil sa kakagamit mo ng cellphone na para bang may importanteng ginagawa. Imbis na sulitin natin ang oras na magkasama tayo ay tila nawawalan na ako ng gana dahil hindi mo naman ako masyadong tinitingnan.

Kaya hindi ko talaga maiwasang mag-ooverthink simula pa man. Kahit noong niligawan mo ako, nagdadalawang isip talaga ako kung susugal ba ako ulit. Kasi nakakatakot na. Kaya pinagbigyan ko muli ang sarili ko. Pinagbigyan kita dahil kagaya ng sinabi mo na nagbago ka na at puprotektahan mo ako bilang iyong kabiyak. Kung anong mayroon sa nakaraan ko ay huwag mo ng tingnan pa. Dapat ipokus natin ang ating sarili sa kasalukuyan. Iyan ang mga katagang sinasabi mo. Kaya ito ang panghahawakan ko Markus. Dahilan kaya pumayag akong pumasok ka ulit sa puso ko.

Kung saan man mapunta ang kuwentong ng ating pagmamahalan. Lagi mong tatandaan na kailanman ay hindi ko pinagsisihan na nakilala kita, na dumating ka sa buhay ko. Meeting a wrong person is myth ika nga nila. Dahil lahat ng mga taong dumating sa buhay natin ay mayroong rason kung bakit natin sila nakatagpo. Sila ay may dalang karanasan na pwede nating matutunan. Sa pagdating mo ay mayroon akong natutunan.

Noon ay natutunan ko na huwag umasa dahil masasaktan ka lang da huli pero ngayon ay handa akong malaman kung ano pa ang pwede kong matutunan na makatulong sa akin para mas lalo kong makilala ang halaga ko sa sarili.

Mga ilang oras din ang ginugol ng byahe hanggang sa nakarating na kami sa Rizal, Barobo, Surigao del sur. Pagkarating namin doon ay kailangan pa naming sumakay ng bangka para makapunta sa gitna ng dagat kung saan nakabukod ang isang bahay. Para na rin itong bahay dahil mayroong kuwarto, C.R, Storage room, Kusina. Bagong gawa rin pala ito at ngayon ang balak nilang magpablessings.

Ito ang kauna-unahang beses ko na sumakay sa bangka. Lahat talaga ng first time ay naranasan ko kasama si Markusss. Salamattt Markus.

Pagkarating namin sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ni ante Nieva at sabi niya ay kumain na kaagad kami. Hindi na kami nag-atubili pa at kumain na dahil kanina pa kami gutom dahil hindi kami nakapag-agahan dahil napakaaga ng byahe.

Kumain na kami ni Markus ng sabay-sabay. Nakikain na rin iyong mga nakasabayan naming mga PNUANs na kung saan kakilala rin pala ni Markus dahil kasama niya ito sa internship sa Barobo.

Pagkatapos naming kumain ay hindi kaagad ako naligo. Wala naman talaga akong balak maligo lalo na't nasa kalagitnaan ang bahay at napakalalim ng dagat. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Kaya tumabi na lamang ako kay Markus sa pag-upo at nakinood na lamang sa mga batang masayang naliligo habang suot ang mga life jacket. Tinawag pa nga kami nina Decerie at ante Bebe na maligo na raw kami pero umiling talaga kami.

Sinabihan ako ni Markus na maligo na raw ako. Kaya tinulungan nila ako ni Decerie na manghiram ng life jacket dahil alam nilang hindi ako marunong lumangoy. Mabuti nalang ay mayroon pang life jacket na hindi nagamir. Kulay cian ito kaya kaagad ko naman itong sinuot. Noong unaay nahirapan pa nga ako dahil first time kong magsuot ng life jacket kaya nangangapa pa ako sa paggamit nito. Dahil sa oras na ibinabad ko ang aking sarili sa tubig ay halos masakal ako nito dahil lumutang ang life jacket dahilan kaya matabunan ako. Iyon pala kailangan mong ilock iyong parang belt niya sa baba doon sa singit mo para hindi pumaibabaw sa ulo.

Langoy ako ng langoy gamit ang life jacket at talaga namang nakakapagod. Sinulit ko na dahil mamaya ay uminit na ang buong paligid. Ayoko pa namang masikatan ng araw dahil hindi ako gumamit ng sunscreen at hikari. Halos pinagod ko ang sarili ko sa paglangoy doon sa dagat kasama sina ante at Decerie. Habang si Markusss ay nasa itaas lamang at nanonood sa amin.

Tinawag ko siya at sinabing maligo na. Dahil sa pagpupumilit namin ay nakiligo na rin siya. Tumalon siya kasama si ate Merivic mula sa pangpang dahilan kaya umugong hiyawan at tawanan sa buong paligid. Sunod-sunod na rin ang mga batang nagsitalunan mula sa itaas. Dahil talaga namang masaya.

Kaya sinubukan ko namang tumalon kasama si Decerie at nagpavideo pa kami. Iyon nga lang dahil sa takot ko hindi kaagad ako nakatalon dahilan kaya si Decerie ang nahulog sa ibaba HAAHAH. Nakakatakot naman pala. Lalo na nung tumalon ako ay kaagad akong pumailalim sa tubig na akala ko'y hindi na ako makalutang pa. Nakakatakot na nakaka-enjoy. Iyong yung nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Lumapit ako kay Markus at hindi na ako umulit pa sa pagtalon dahil sumakit na ang aking ilong. Doon na lamang ako sa gilid katabi si Markus at tiningnan ang mga batang masayang naliligo. Nagkatitigan kami sa puntong iyon at inenjoy ang pagliligo.

Ito ang kauna-unahang beses na kasama ko si Markusss sa pagligo. Akala ko talaga na iyong nakaraang December ang una't huli naming pagkikita. Hindi ko akalain na masusundan pa ito ng mga kuwento at ala-alang tiyak na babaunin ko sa pagdating ng panahon. Kung ano man ang mangyari sa ating dalawa. Hindi na ako lugi, dahil pinaramdam mo sa akin ang tinatawag na pagmamahal. Ang mga mala-romantikong pangyayari na dati ay sinusulat ko lang sa mga libro ko. Ngayon ay nararanasan ko na. Ako naman ang bida sa librong isusulat ko na kung saan kuwento nating dalawa ang mga pangyayari sa bawat pahina.

Ito ang librong babasahin ko sa balang araw. Dahil natitiyak kong magtatapos din ang lahat pero ayos lang dahil tanggap ko na Markus. TANGGAP KO NA! At masaya pa rin ako dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na mangyari.

MARAMING SALAMAT PALANGGA!

The SemicolonWhere stories live. Discover now