Epilogue

13 2 0
                                    

"Salamat naman! Day off ko!" sigaw ko pagkabangon ko sa higaan. Hindi ko kailangang gumising ng maaga ngayon pero siguro nasanay na rin katawan ko at early pa rin akong nagising. Ano ba 'yan!

Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod sa hospital. Mas nakakapagod pa kumpara nong OJT namin, kumpara sa nag-aaral pa ako. Gusto ko na nga lang bumalik sa pag-aaral o maging bata nalang ulit.

Mabuti nalang nong college ako may naiipon ako sa savings account ko, ngayong sweldo ko kasi halos walang matira. Gusto ko na nga lang magtrabaho sa ibang bansa. Mas malaki ang kita don. Pero iniisip ko naman kung bakit ba ako nag-nurse, ito naman talaga ang gusto ko, makatulong sa iba, pero nong nafeel ko na kung gaano kahirap maging adult? hay ewan.

"May pagkain ka pa ba diyan?"

"Opo auntie, wag po kayong mag-alala sa akin."

Tumatanda na rin si auntie, ilang taon nalang rin ay mag-early retire daw siya pero ako pa rin iniisip niya. Dito pa rin ako sa Alvarez City nakahanap ng trabaho. Dito sa East Medical Louis Hospital. Malapit rin dito ay kumuha ako ng apartment, na hindi ko kaya pero kinakaya ko nalang ang monthly rent.

"Wag masiyadong magpagod, magpahinga ka ngayon."

"Opo auntie, kayo rin po. Ingat kayo diyan ni uncle."

Sa wakas rin after my graduation ay nakauwi si uncle. Isang taon rin ang lumipas at pagkatapos mismo ng licensure examination ko ay pagkatapos kong makahanap ng trabaho ay nawala naman si mama. Dito siya inilibing sa City, dahil nandito rin naman ang mga kamag anak ni mama. Bibisitahin ko nga siya ngayon eh. Nong nasa hospital siya, hindi ko pa rin siya kinausap, kaya kung may bakanteng oras ay dumadalaw ako.

"Oh sige, magluluto pa ako ng ulam para sa uncle mo," sabi ni auntie bago niya tapusin ang tawag namin.

Si papa naman hindi niya magawang bisitahin si mama, nakakatawa, they used to be in love with each other pero ngayon wala na talaga silang pakealam sa isa't isa. Kahit ako, binibigyan ko nalang sila ng respeto. Matagal ng nawala ang pagmamahal ko sa kanila.

"Girl? saan naman punta mo ngayon?" pagkatapos kong maligo ay biglang tumawag si Allysa. Through SoCiant, video call.

"Bibisitahin ko si mama, sasama ka?" tanong ko.

"Eh friend! alam mo namang hindi ko gusto ang mga ganyang lugar!" Oo nga pala masiyadong matatakutin itong si Allysa. Lalo na nong nawala na rin ang lola niya, after graduation lang rin. Hiram lang talaga ang mga buhay natin, hindi rin natin alam kung kailan babawiin.

Kaya ngayon bago na nga rin ang motto ko in life. Dapat habang bata pa ako, habang buhay pa ako magpapakasaya ako. Babawi sana ako sa paghihigpit sa sarili ko nong college ako. Kaso madalang ko namang magawa dahil busy sa hospital.

Registered dietitian na rin ang friend ko. Mas mabilis nga siyang nakakuha agad ng trabaho sa Cebu eh. Long distance kami ngayon.

"Ano ka rin ba naman, nasa Cebu ka kaya ngayon, makatanong rin 'to kung saan punta ko," sabi ko sa kanya.

"Eh tinitignan ko kung busy ka ba," sagot niya. "By the way, alam mo na ba kung sino nagpapadala ng paper flowers, love quotes at chocolates sa hospital?"

Umiling ako bilang pagsagot sa kanya. Meron namang may interesado sa akin kaso, paano ko naman kakausapin o paano ko rin siya magugustuhan kung panay lang siya send ng send ng mga chocolates sa trabaho? at hindi ko naman alam kung bakit ayaw sabihin ng guard sa akin.

At tuloy-tuloy na ang kwentuhan hanggang sa matapos akong magbihis at mag-ayos. Palagi niyang kwinekwento sa akin ang boyfirend niya na baka mag-propose na daw dapat present ako sa kasal. Sa Cebu niya nakilala ang boyfriend niya, isang nurse sa isa sa mga sikat na hospital doon. Mabuti nga nagkakaintindihan sila sa magkaiba nilang schedule.

Her DistractionWhere stories live. Discover now