08

21 2 2
                                    

Distraction











A red flag, yan ang masasabi ko kay Kael, isang buwan ulit ang lumipas at hindi talaga kami nag usap. 3 pm nakarating ako ng hospital for my nursing duty. Hanggang 10 pm rin kami dito sa hospital. West Medical Hospital. Maaga akong nakarating dahil kailangan ko ring maagang makasakay dahil isang oras ang byahe bago ako makarating dito.

"Laban future RNs!" Napalingon kaming lahat sa isa naming classmate na palaging positive sa buhay. Duties like these will never be draining and exhausting with people like her. Sarap ka-bonding. Ilang araw na rin kami sa Ward. 

After the long duty, taking people's vital signs, charting. Hindi pa naman ako na-assign ng mga instructors sa ibang area. Also after case presentation ay sabay na rin kaming kumain sa labas dahil may bukas pa naman na kainan tapos sumabay ako sa mga babalik ng University. 

Pumasok ako ng University ay diretcho lang ako ng lakad, dadaan pa kasi ako ng basketball court tapos canteen bago makarating sa dormitory dahil sa main entrance gate ako dumaan pero pwede naman sa gate na malapit sa canteen dito nalang dahil dito naman tumigil ang jeep. 

Tumigil ako sa basketball court dahil nakita ko si Kael anong oras na ah, nakasuot siya ng jersey at mukhang may kausap siya. Baka girlfriend niya? bakit ko pa ba siya pinapansin? Napasinghap naman ako sa gulat nang bigla niyang ibinato ang cellphone niya. Inilibot ko naman ang aking tingin sa paligid at baka may ibang tao dito. Nag-away ba sila? 

Marami rin siyang bola na pinipilit niyang ipasok sa basketball ring pero hindi niya magawa hanggang sa ibinabato na niya ang mga bola. Dumiretcho ako ng lakad papunta sa canteen para lang bumili ng tubig. 

Tapos bumalik ako ng basketball court kahit mabigay ang bags na dala ko. 

Napapikit ako ng mariin nang muntik akong matamaan ng bola. I want to approach and talk to him for some unknown reason. 

"Yen?"

Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Sigurado akong nagulat siyang makita ako dito. 

"Nice!" sigaw niya bigla. Galit ba siya? hindi siguro tama na lapitan ko siya. "Am I blocked?"

Natigilan ako sandali sa tanong niya. "Because I can't message you."

Oo nga pala, naka-block siya sa SoCiant. Bakit ba siya magagalit? binabawasan ko lang naman magiging problema niya sa girlfriend niya at ayokong maging kabit. Mabuti nalang hindi ko pa siya nai-kwento kay Allysa. 

"Am I blocked?" 

Huminga ako ng malalim.

"Yes," sagot ko. 

Umiwas lang siya ng tingin at sinubukan na namang i-shoot ang mga bola sa basketball ring pero hindi niya magawa. Kanina pa ba siya? pagod na siya nakikita ko sa mukha niya. Hindi ko rin alam na may interest rin pala siya sa basketball. College of arts and sciences rin nakasulat sa jersey niya. Number 18.

"You'll undoubtedly block me because I'm a distraction."

Narinig kong sinabi niya.

"Gusto mo ba ng tubig?" tanong ko at nakita ko siyang tumigil. Lumingon siya sa akin at tumingin sa ibang direksyon napatingin naman ako sa kung saan siya tumingin, maraming tumblers. Syempre, ang tanga ko. Bakit pa ba ako bumili nito? bakit rin ba ako lumapit? na dapat nagpapahinga na ako ngayon. 

Tumango lang ako at ibinaba ang kamay ko. Tatalikod na sana ako para umalis nang bigla niyang hablutin sa akin ang water bottle. 

"Salamat," sabi niya. "Kararating mo lang?"

Her DistractionΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα