03

16 2 0
                                    

Names








Nahanap ko agad ang kwarto niya at agad ko namang sinubukan ang susi dahil baka it’s a prank. Pagkabukas ko ay patay ang ilaw. Wala nga talaga siya dito, teka baka hindi naman sa kanya ito at mapagkamalan pa akong magnanakaw. Hinanap ko agad ang switch mabuti nalang dala ko ang cellphone ko bilang flashlight. 

Pagkahanap ko ng switch ay agad kong binuksan ang ilaw. Ang linis at ang bango, sa bagay sabi niya hindi naman siya palaging nandito. May isang higaan tapos may study table at may sariling banyo. Sana all. May personal fridge pa siya dito sa loob. 

“Masarap siguro dito mag-aral,” sabi ko. Teka, pwede ko bang gamitin ang study table niya? o dito nalang ako sa sahig? wala naman kasi siyang ibang sinabi. May mga gamit rin kasi siya sa table at may laptop rin siya sa drawer na nasa gilid ng higaan niya. Mamaya may mawala pa dito.

Umupo ako at inilagay ko ang mga gamit kong dala sa study table niya. 

Dalawang oras na walang tigil sa pag-aaral, wala kasing maingay tapos sobrang komportable dito. Marami rin akong naidagdag na notes. Tumigil lang ako sa pagsusulat nong biglang bumukas ang pinto. 

Agad naman akong tumayo dahil sa kaba at takot. 

“Akala ko ba wala ka dito ngayon?” tanong ko agad nang makita ko siya. Kumunot ang noo niya sandali tapos ngumiti.

“Sabi ko pa,” sabi niya. “Don’t worry, lalabas nalang ako.”

“Teka lalabas nalang? hindi na, aalis na ako, nakadalawang oras na naman ako dito, salamat,” sagot ko at nagsimula na akong magligpit.

“No, just stay, as long as you want.” 

Tinitigan ko muna siya sandali dahil parang may mali sa kanya. 

“Okay ka lang ba?” tanong ko.

“Yeah,” sagot niya tapos tumango pa. Mukhang hindi siya okay.

“Tapos na ako, balik na ako sa kwarto ko,” sabi ko at binitbit na ang mga dala ko.

“No, it’s okay, really. You can stay and study, lalabas ako,” sagot niya. Umiling ako bilang sagot ko sa kanya. 

“Bakit ba ang kulit mo? tapos na nga ako,” sagot ko. Kahit hindi pa naman talaga, may paparating kasi kami na long quiz. Kapag sinabi ring long, naku hindi ko alam. Pero pwede naman akong magbasa sa canteen ulit. 

“Kasi okay nga lang,” sagot niya. 

“Lasing ka ba?” tanong ko. “Dahil mukhang lasing ka.” 

“Hindi ah,” sagot niya at nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

“Fine, masakit lang ang ulo ko,” sabi niya. Huminga ako ng malalim at ibinaba ang mga gamit ko. 

“Hmm eh di magpahinga ka na,” sabi ko. 

“Sure basta ba you’ll stay.”

Natulala ako sandali sa sinabi niya. 

“Bakit naman ako mananatili dito? isa pa, hindi nga kita kilala eh,” sagot ko sa sinabi niya.

“Hindi daw kilala pero nandito ngayon.”

Tama siya sa part na ‘yan. 

“Sige, I’m Kael David Lucero, you?”

Tinitigan ko na muna siya at hindi sumagot. Sa bagay nong una hindi naman rin kami magkakilala ni Allysa, hanggang sa nagkasabay kami, pero iba si Kael eh, parang sumusulpot lang siya palagi ng biglaan. 

Her DistractionWhere stories live. Discover now