01

28 2 0
                                    

Friends?





Isang taon at ilang buwan ako sa studio apartment ko, kung kailan tahimik na at nakakapagaral na ako ng maayos ay saka naman akong inilipat ni auntie sa school dormitory. Marami raw kasi siyang nababalitan na mga kidnapping, mga kaso ng rape sa tv kaya mas gusto niyang mag-dorm nalang ako. Nasa loob lang talaga ako ng University, at may malapit rin lang na mall mula dito sa University, pwede lang lakarin. 

Hindi ko na kailangang pumila pa para makasakay ng bus at makauwi. Kaso, hindi ako nag-iisa sa room ngayon, standard lang ang pinakuha ni auntie, ang binabayaran kong rent noon ay halos katulad lang rin sa rates ng standard room nila dito. 

Ang mahal naman kung sa iisang kwarto lang ako, ako na nga itong pinapaaral. Working student ako kaya libre na ako sa tuition pero hindi kasali ang ibang gastusin. Hindi naman ako sobrang talino para kumuha ng ibang scholarship, kaya nga ako nag-aaral ng todo kasi sa dami ng matatalino dito sa amin, hindi ko kinakaya ang pakikipagsabayan. 

“Yen!” Lumingon ako sa tumawag bigla sa nickname ko. Yen short for Maria Yena Rose Louise V. Torres. 

“Ano ka ba bakit ka naman sumigaw alam mo namang library ‘to,” sabi ko sa nag-iisa kong kaibigan dito sa University. Katulad ko working student rin siya dito magkaiba lang kami ng course nutrition and dietetics siya. 

“Dapat ine-enjoy natin ang summer ngayon,” sabi niya. Ako, okay lang hindi ko naman gustong umuwi sa probinsya mas gusto ko dito at mag-aral. Lalo na kung makapagtapos ako, hindi na ako babalik don. Mabuti na nga lang may summer classes kami, kung wala, hindi ko alam gagawing rason sa auntie ko. 

Tatlo lang naman ang subjects namin para ngayong summer and next academic year third year student na ako, kinakabahan na ako sa mga sasalubong sa akin.

“Data, information…” 

“Anong sinasabi mo Yen?” tanong niya sa akin. 

“Nagme-memorize ako Allysa,” sagot ko sa kanya. Sa amin talaga mas maingay siya. 

“Anong subject?”

“Nursing informatics,” sagot ko.

“Wag mo masiyadong gawing career yan, balak mo bang maging nursing informatic specialist o clinician?” tanong niya na halatang bored na siya pero sa aming dalawa mas matalino ‘to, tamad nga lang minsan.

“Nag-aaral lang, naghahanda lang,” sagot ko. 

Wala naman sa pamilya namin o kamag-anak ang nagtatrabaho sa loob ng hospital, walang doktor sa amin, walang nurse. Sa side nila mama, puro teacher, si auntie elementary teacher sa probinsya namin at ang asawa niya naman OFW. Sa side naman ni papa puro painters at mga may talent sa drawing at paintings. Pero nong bata palang ako pangarap kong maging nurse, simula nong na-hospital ako dahil sa UTI.

Hindi pala biro ang kursong ito.

Lalo na dito sa West Alvarez Medical University, ito naman ang pinili ni auntie na University para sa akin kung gusto ko raw talagang maging nurse. 

“Alam mo girl, always kang present dito sa library ‘no?” tanong niya. 

“Oo, ang iingay kasi ng roomates ko,” sagot ko sa kanya. 

“Eh bakit ka pa kasi lumipat?”

“Pinalipat nga ako diba.”

Mamaya pa namang 3 pm ang class ko, at 1 pm palang mamaya naman ay punta akong Guidance office para makapag duty. Dahil may oras akong kailangang kumpletuhin bilang working student.  Si Allysa naman dito siya sa library nilagay. Sa Student Scholarship office lang rin kami nagkakilala. 

Her DistractionWhere stories live. Discover now