Tenant

54 2 0
                                    

SIMULA:

PLEASE BE ADVISED
Warning: There are scenes of violence. Contains mature themes and strong languages that are not suitable for young readers.

TRIGGER WARNINGS
(May contain triggering and sensitive material, topics. Sexual violence, sexual assault and abuse, abortion, suicide)

Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.

READ AT YOUR OWN RISK

you'll find the grammar and the punctuation is a bit off, please bare with that

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents and either the product of the authors imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental

---

"Hindi ba talaga sila titigil?" inis kong tanong sa sarili ko. Nag-aaral ako dito at ang iingay nila. Tuwing gabi palagi nalang ganito. Wala naman kasing ginagawa ang may-ari dito. Tumayo ako at lumakad palabas ng room ko.

Pangalawang beses ko na yatang balik ito. Bumuntong hininga ako at nagsimula na akong kumatok, masakit na ang kamay ko ah! Bumukas ang pinto ng ilang minuto.

"Pwedeng pakihanaan kung ano mang music o ginagawa niyo?" pataray kong tanong sa kanila, pangalawang balik ko na ito ngayong gabi kaya wala na akong patience at hindi ko na kaya makiusap.

"Sorry miss ah," sagot niya sa akin. Bakit ba kasi tumatanggap ng mga lalaki dito, ang iingay nila! Hindi naman lahat ng rooms dito, ito lang talagang katabi ng room ko. Ang swerte ko kasi.

Inirapan ko siya at bumalik sa kwarto ko. Alam kong nagiinuman sila, ewan ba parang ang dami ng bumibisita sa room na iyon. 

Huminga ako ng malalim at bumalik sa study table ko. 10:00 pm na pala, may pasok pa ako bukas. Pressured kasi ako, maliban sa mga major at minor subjects ko ay pinapagaral lang ako ni auntie Laura dito sa Alvarez City. Pinadala niya ako dito para makapagtapos. 

Hindi ako pwedeng bumagsak. 

"Ano ba!" sigaw ko dahil maingay pa rin ang katabi kong room. Napasabunot ako sa aking buhok at inayos ang eyeglass ko. Ngayon naman ay may naririnig akong kumakanta.

Pumikit ako ng mariin. Hindi ba naririndi ang iba? hindi, dahil nasa 3rd floor ako at dalawang room lang ang may renter, pwede ba akong lumipat? sa 2nd floor at sa 1st floor hindi na dahil puno na. Sa ibang room dito sa 3rd floor? hindi na open for vacancy. Ito lang kasi ang nahanap kong studio apartment na pasok sa budget at allowance na pinapadala sa akin ni auntie buwan buwan. Ayoko rin namang may kasamang iba sa isang kwarto.

Pero baka lilipat nalang rin ako.

Lumabas ako at kinatok ulit sila.

"Ano ba–" Natigilan ako sandali dahil ibang lalaki ang bumukas ng pinto, hindi talaga ang mismong mayari ng kwarto. 

Ang gwapo niya. Hindi– focus!

"Pwede bang pakihinaan ang mga boses at music niyo?" tanong ko. "Nag-aaral kasi ako." Ako lang rin yata ang estudyante dito sa building eh hindi marunong magreklamo ang iba. Sa bagay ang iba kasi dito nirerentahan pa nila eh hindi naman sila halos umuuwi. Kaya palaging tahimik sa ibaba.

"Oh guys! told you to keep your voices low, and turn off that music! Cause we have a student here!"

Akala ko ay seseryosohin niya ako pero mas lalo silang nag-ingay, english english pa! Napailing-iling ako at lumakad nalang palayo. Kinuha ko ang libro ko, pera at jacket. Mas mabuti pang mag-aral sa labas at maghahanap na talaga ako ng malilipatan.

Her DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon