15

11 2 0
                                    

Again






Nakatulog ako ulit sa tabi niya at nagising kami parehas 1 pm na pala. Ngayon lang ako nakabawi ng tulog. Parang wala akong inisip na homeworks, duties at mga activities namin sa department. Pero kinakabahan ako, hindi ko gustong lumiliban sa school eh. Hindi ako sanay, kahit ngayon ko lang ginawa. Minsan nagkakasakit ako pumapasok pa rin ako nong freshmen kami.

"Good morning," sabi niya habang nakangiti at kinukusot pa ang mga mata niya.

"Morning," sagot ko at tumayo tapos dumiretcho ng banyo. Agad akong naghilamos ng mukha.

"Here." Inabutan niya ako ng toothbrush bigla pagkapasok niya ng banyo. Naconscious tuloy ako baka mabaho hininga ko. "Extra 'to, mga binibili ng kapatid ko na hindi niya ginagamit." Napansin ko ring may mga pangbabaeng gamit dito at products. Baka naman sa girlfriend niya 'to sinasabi lang niya kapatid.

"May kapatid ka pala," sabi ko.

"Ah oo, hindi ko lang nasabi sayo. Grade 12 student dito siya sa East Alvarez nag-aaral."

Maganda siguro ang kapatid niya, katulad niya, gwapo. Teka sinabi ko bang gwapo si Kael? Tsaka kung magsama at magusap kami ngayon parang hindi niya ako nasaktan.

"Oh nakita ko 'yon, inirapan mo ako?" natatawa niyang tanong habang nakatingin sa akin mula sa salamin.

"Hindi," sagot ko.

"Nakita ko 'yon, galit ka?"

"Hindi."

"Okay."

Kapal ng mukha niya!

Nagmadali ako at agad na iniwan siya sa banyo. Pagkalabas ko ay muntik pa akong mapasigaw nang makita si China, girlfriend niya. Nagkatitigan pa kami sandali.

"What are you doing here?" tanong niya.

"China." magsasalita palang ako nang marinig namin parehas ang boses ni Kael.

"Kael, nagpapapasok ka ng ibang babae dito?" Pataray at paarte niyang tanong. Tumingin ako kay Kael at binigyan lang siya ng isang ngiti at bumalik ako sa loob ng banyo. Dito ko naman iniwan ang damit ko kagabi.

"Yen?"

Ilang minuto ang lumipas kakatitig lang sa salamin ay narinig ko ang boses ni Kael at ang pagkatok niya sa pinto.

"Nakahubad ako!" sigaw ko at agad na ni-lock ang pinto.

"Sorry. Let's talk first kapag natapos ka na." Mahina niyang sabi at sakto lang para marinig ko. Ano naman paguusapan namin?

Naligo ako at nagpalit na agad ng damit. Nilabhan ko pa muna ang pinahiram niya at ginamit na rin ang dryer machine niya. Lumabas ako at nakita ko siyang nakasandal lang sa pader na malapit lang sa pinto.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko.

"I was waiting for you," sabi niya.

"Balik na ako ng University, salamat pala ulit," sabi ko. Inabot naman niya ang kamay ko.

"Yen."

"Oh?"

"Gutom na ako."

"Ha?"

Bakit nasa akin ba ang pagkain at ako ang sasabihan niya. Nasaan na ang girlfriend niya.

"I told her to leave."

Her DistractionWhere stories live. Discover now