16

9 2 0
                                    

Responsibility












“Nacheck mo na ba ‘yong mga datas?” Napalingon ako sa isa sa mga classmates ko. Nandito ulit kami sa library to work on our research. Marami pa kasing kulang. Tumango naman ako bilang sagot. May kanya-kanya kaming laptops ngayon.

“Sila Kael oh.”

Natigilan ako sandali nong magsalita sila. Napatingin naman ako sa labas mula dito sa discussion room at sila Kael nga. Natulala ako sandali nang tumayo siya sa tapat ng glass door. Sinenyasan niya ako bigla na lumabas.

“Ako ba tinatawag niya?” 

“Hindi ikaw.”

Napatingin ako sa mga classmates ko na sa akin ngayon nakatingin. Huminga ako ng malalim at tumayo. “Excuse me.” Lumabas ako at agad na hinarap si Kael.

“I’m still blocked. Can’t message you,” sabi niya agad. Pagkatapos ng araw na ‘yon ay hindi na rin kami nakapagusap pa. Hindi ko rin alam kung bakit iniiwasan ko rin siya tuwing makakasalubong ko siya at ng mga barkada niya. 

“Ah oo,” sagot ko.

“Galit ka pa ba?”

Hindi ko alam paano mag-react ngayon. Dahil ngayon lang niya ako kinausap sa maraming estudyante. Pakiramdam ko lahat nakatingin sa amin. 

“Hindi,” sagot ko. Binigyan ko na nga siya ng chance ulit eh. 

“Unblock me please.”

“Oo, mamaya na.”

“Baka makalimutan mo ah.”

Kinuha naman niya ang kamay ko at may inilagay siya sa palad ko, bubble gum ulit. Agad ko namang itinago sa bulsa.

“Bakit ka ba nagdadala nito dito? bawal ‘to dito,” sagot ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko tapos lumakad na siya palayo. 

Napangiti naman ako na parang ewan. 

Bumalik ako sa loob at lahat sila nagsitilian at nagsigawan. 

“Magkakilala kayo? parang ang sweet niyo.”

“Bagay kayo.”

Tinaasan ko sila ng kilay.

“Paano namang naging bagay kami?” tanong ko.

“Cute ka, gwapo siya. oh diba?”

“Cute?” Natatawa kong tanong, nahiya pa silang sabihin an panget ako. 

“Ang swerte mo naman! anong binigay sayo?”

“Focus na tayo sa research natin,” sabi ko.





Pagkatapos ng classes ay dumiretcho ako ng canteen para kumain ng lunch. Hinintay ko rin si Allysa at sabay kaming kumain. 

“Pakibuksan mo nga,” sabi ko nong hindi ko mabuksan ang water tumblr ko. Kukunin na niya sana nong biglang may kumuha bigla.

“Hoy!” sigaw ko pero agad akong natigilan nang makita si Kael pala ang kumuha ng tumblr ko. Binuksan niya iyon at agad na binalik sa akin tapos ginulo na naman niya ang buhok ko na parang bata. Mabuti nalang hindi nakaayos ang buhok ko ngayon. Nakalugay lang. Dahil hindi ko rin naman matatali dahil pinagupitan ko pa siya kaya hanggang sa leeg ko nalang ang buhok ko. Bored kasi ako.

“Tang ina! si Kael ba ‘yon?” mas nagulat ako sa reaksyon ni Allysa at pinanlakihan pa niya ako ng mga mata. 

“Si Kael ‘yon?! pa–bakit?”

Her DistractionWhere stories live. Discover now