"Carl, Damien, susunduin kayo ni Papa mamaya ah, huwag kayong lalabas sa school ha" pag-papaalala ko sa kanila at hinalikan sila sa ulo.

Tumango naman sila at pumasok na sa loob ng kotse ni dj.

"Oh bakit ganyan mukha mo?" malambing na tanong ko. Nakabusangot kasi mukha niya. Di ko alam kung bakit.

"I'm so sleepy, hon" paos na sabi niya. Nabitin siguro tulog niya kanina dahil nahulog siya sa kama. Ang gugulo kasi matulog.

Nilapit ko naman yung mukha niya sa akin at hinalikan bawat parte ng mukha niya. "Yan, di ka na naantok?" naka-smirk na tanong ko.

"Naantok pa talaga ako" sabi niya at niyakap ako. "Sus, mga drama mo. Sige na! Naghihintay na sila damien dun" sabi ko.

Hinalikan naman niya ako sa ulo at kumalas na.

"Mama" napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Ang cute talaga ni Dawn, kamukha niya tatay niya. -.-

Ngumiti naman ako at binuhat siya. "Aalis na sila Kuya, wala ka ng kalaro" sabi ko at nakita ko na namumula yung ilong niya. Paiyak na 'to. Haha.

Inirapan naman ako ni Dj. "Wag mong paiyakin yung bata" masungit na sabi niya sa akin at humarap naman kay Dawn. "Kuya will be back later. Play with Mama, instead okay" sabi niya at hinalikan siya sa ulo. Napangiti naman ako nun. Edi sila na close. -.-

Ngumiti naman si Dawn. "Aalis na kami ah, wag mong paiyakin si Dawn, love you" sabi niya at hinalikan ako sa labi.

"Bye" sabi ko at nag-wave. Ngumiti naman siya at sumakay na sa kotse tapos umalis na.

"Laro tayo Dawn, tara" Masayang sabi ko. Baka mag-sumbong pa 'to kay Dj mamaya na hindi kami nag-laro -_-

Pumasok na kami at umakyat sa kwarto niya.

Nilabas ko yung doll house niya at mga barbies pati yung mga puzzles at blocks.

Habang nag-lalaro kami dito bigla namang may kumatok.

"Wait lang baby ha" pagpapaalam ko.

Tumayo na ako at binuksan yubg pintuan. "Oh manang bakit?"

"May bisita ka sa baba, Kath" sabi niya.

Kumunot naman bigla yung noo ko. "Huh? Sino daw po"

"Mama" lumingon naman ako kay Dawn. "Wait lang baby" sabi ko at humarap ulit kay manang.

"Mga kaklase mo daw" sabi niya.

Huh? Sino naman kaya.

"Manang, ikaw muna makipag-laro kay Dawn, titignan ko lang kung sino" tumango naman siya at nakipag-laro na kay Dawn.

Habang pababa naman ako may naririnig na akong nag-uusap.

"Kath!" Sigaw ni Cristine. Classmate ko dati.

"Huy kath, kamusta ka na?" Tanong ni Angela.

"Okay naman, kayo?" Tanong ko. Ang saya ko ngayon kasi nagkita-kita ulit kami.

Except kasi kay Julia, pati sila ay naging kaibigan ko rin..

"Okay naman, huy ikaw ah, kamusta na kayo ni Daniel?" Tanong ni Isabel.

"Okay naman, hahaha tumangkad ka ng konti" natatawang sabi.

Bigla naman sumimangot yung mukha niya. Siya kasi yung pinakamaliit sa amin pero napakadaldal.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now