"I can't sleep, I don't know why" sabi niya at sumandal sakin.

"Dito ka na lang matulog, okay ba yun?" Tanong ko.

Tumango naman siya. "Okay"

Dahan-dahan ko siyang hiniga sa gilid ni Dj. "Goodnight, my baby boy" sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"Goodnight, love you" mahinang sabi niya at sumiksik sa leeg ko. Parang si Dj lang. Haha.

Ngumiti na lang ako at tumabi sa kanya. Nako! kawawa ako dito sa dalawang 'to.

Makukulit 'to matulog.
___________________

Nagising ako kasi parang may tumutulak sa akin. Ano ba yun?

Dinilat ko yung mata ko at nakita ko lang naman na itong dalawang lalaki na katabi ko ay ang gulo ng posisyon. Nasa edge na nga ako ng kama eh, buti na lang hindi ako nahulog.

Tumayo na lang ako at pumasok sa banyo para maligo. 6:21 am na rin naman, maghahanda na ako ng breakfast.

First day of school na rin nila Damien kaya kailangan bawal sila malate. Sure naman ako na lahat ng pag-aaralan nila ngayong grade 4 ay napag-aralan na nila nung nag-susummer class sila. Matatalino yan eh.

Pagkatapos kong maligo, tinignan ko muna yung dalawa bago lumabas ng kwarto. Ganun pa rin naman pwesto nila. Magulo.

Chineck ko rin si Damien at Dawn. Tulog pa sila, buti naman.

Pagkababa ko nakita ko si manang na nag-luluto na.

"Manang!" masayang sabi ko. Namiss ko rin tong si manang. Matagal kasi siya nag-bakasyon sa probinsya nila kasi namatay daw yung apo niya. Kawawa nga eh.

"Oh Kath, kamusta na iha" naka-ngiting bati niya sa akin.

"Okay naman po, ganun pa rin makulit" tumawa na lang ng mahina si manang at pinagpatuloy na yung pag-luluto.

Hinanda ko na yung mga plato at gumawa rin ng kape ni dj. Gusto niya daw ako gagawa eh.

Pagkatapos kong gawin yun ay umakyat na muna ako para tignan kung gising na si Dawn.

Tama nga, gising na nga siya.

"Baby girl"

Humagikgik naman siya at tumayo sa crib niya. Ang cute niya lang.

Binuhat ko siya at kiniss sa ulo. "Good morning Dawn, hmm ang cute mo talaga"

Lumabas na kami ng kwarto at bumaba. "Manang, si Dawn oh" sabi ko at binuhat si dawn tapos pinaharap sa kanya.

"Ay ang laki na ni Dawn ah" sabi niya at binuhat.

Ngumiti naman ako at hinanda na yung pagkain sa table. Sakto namang bumaba na si Damien habang kinukusot pa yung mata.

"Good morning Damien!" Bati ko sa kanya.

"Morning, ma" tipid na sabi niya at umupo na.

Pinaupo na rin ni manang si Dawn sa gilid ni Damien. Medyo mataas yung upuan ni Dawn para maabot niya yung table.

Maya maya may narinig kaming bangayan. Tss -_-

"Ang gulo gulo mo kasi matulog, yan tuloy nahulog ako sa kama!" Sabi ni dj. -.-

"Why me? I'm not the one who pushed you. You are!" Bored na sabi ni carl.

"Hoy kayo! Bumaba na kayo dito! Parehas kayong dalawa magulong matulog!" Sabi ko. Umirap sila sa isa't-isa at bumaba ma

Umupo na sila at kumain.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon