Chapter 13

0 0 0
                                    

Sa bahay nila Keith ay pinuntahan ni Carl mommy nila sa kwarto para kausapin, ngayon lang umalis si Keith ng walang paalam kahit kanino. Ng tawagan siya ni Steven ay hindi na siya mapakali. Alalang alala siya kung saan nagpunta ang kapatid. Pinuntahan niya agad ito sa St. Mary Chruch kanina pero wala doon. Kaya ng tumawag si Stevenpara sabihing papunta ito ng St. Mary, he prayed na sana nga nagkasalisi lang sila ng kapatid.

"O Carl" sambit ng mommy niya ng makita siya.

"Dumating na ba si daddy?" Tanong ni Carl sa mommy nila.

"Pauwi na daw sya, galit na galit daddy mo nagshift pala yang si Keith"

"Hindi pa po umuuwi si Keith, umalis siya ng school kanina, hindi niya dala ang kotse niya" nag aalalang sabi ni Carl.

"Kahit kailan talaga yang bata na yan masyadong pasaway, kapapagawa pa lang ng kotse niya iiwan na niya kung saan lang" nainis pang sabi nito. 

"My, hindi ka ba nagwoworry?" naupo na si Carl sa tabi ng mommy niya.

"Uuwi din yan mamaya" 

"Ganyan na po ba talaga kayo katigas"

Papasok na sana daddy nila ng marinig si Carl nagsasalita, napahinto pa muna sya sa may gilid ng pinto.

"Wala pong kasalanan si Keith sa nangyari kay Camille. And I don't get it, why did you trust Sia more than your own daughter. Ilang beses nagpaliwanag si Keith pero kahit minsan hindi kayo nakinig, ilang taon nagtitiis si Keith ng sakit pero kahit minsan hindi niya pinakita na umiyak sya miski sa mga kaibigan niya" may hinanakit ng sabi niya

"Carl" napatingin pa ito sa anak.

"My matagal ng pangarap ni Keith mag doctor dahil sa inyo ni daddy pero nagshift sya para mapansin niyo, dahil sa ganung bagay nagiging masaya sya kapag nakikita niyo existence niya. Mas pipiliin niyang mapagalitan dahil dun lang niyo sya kinakausap. Mommy, aksidenteng nahulog si Camille, sinubukan siyang sagipin ni Keith pero nahulog silang parehas kaya wag niyo kay Keith isisi ang lahat"

Hindi naman napigilan ng mommy niya na maluha sa mga sinsabi ni Carl.

"Hahanapin ko po muna si Keith, at kapag nakabalik na ko from Sinagpore lilipat muna kami sa condo ko" saka siya tumayo at lumabas, nakita pa niya daddy niya pero hindi kumibo kaya lumakad na lang siya palabas.

Pagdating sa St. Mary Church nakita nila si Keith nakayuko sa upuan, halos sabay sabay din sila Steven, Abi at Cliff na dumating. Nang lalapitan ni Steven si Keith pinigilan sya ni Cliff.

"Hayaan mo muna sya" pigil ni Cliff dito.

Tinignan pa ni Steven si Keith saka inalis niya ang kamay ni Cliff at nagmamadaling lumapit ka Keith, napabuntong hininga pa siya.

"Keith..." mahina pero may pag aalalang sambit niya dito.

Nagulat si Keith ng marinig niya ang boses ni Steven, dahan dahan pa siyang tumingin dito. Naupo pa si Steven sa tabi niya. Habang nakatingin si Keith kay Steven ay hindi na nito mapigilan ang sarili, pumatak ang luha niya, saka siya niyakap ni Steven. Hindi mapigilan ni Keith sarili niya na umiyak napayakap sya ng husto kay Steven. Kitang kita ni Cliff kung gaano kahigpit ang pagkakayakap nito kay Steven, ni wala siyang magawa sa kaibigan para icomfort ito. Aalis na sana siya ng pigilan siya ni Abi, kaya naupo muna sila sa gawing likuran ng simbahan.

Nang mahimasmasan ng konti ay nagkwento si Keith kay Steven ng nangyari sa Guidance Office.

"Hindi naman ako nasaktan sa sampal niya, mas masakit pa nga yung mga sinasabi niya, Akala ko okay na ko,  ewan ko ba hindi na ko nasanay." Nakatingin sa altar na sabi pa ni Keith.

AS WE GO ON.. I Hate You, I Love YouWhere stories live. Discover now