Chapter 11

0 0 0
                                    

Dumerecho sila Steven at Keith sa isang Simbahan, sa mismong harapan napili nila na maupo. Ilang minuto din hindi sila nagkikibuan, hangang sa magsalita na si Keith.

"Favorite place namin ni Ate Camille dito, kaya tuwing Death Anniversary niya nandito ako, hindi ko kayang pumunta ng cemetery" habang sinasabi ay nararamdaman niya na para na syang maiiyak.

"Sorry.." sabi pa niya kay Steven. Hindi kumibo si Steven, nag abot lang ito ng panyo. Napatingin pa si Keith sa kanya, saka napabuntong hininga.

"Five years ago, may outing sila Ate nun, nagpumilit akong sumama sa kanya, kahit na ayaw nila daddy. Pero sinama parin ako ni Ate, habang nagka- camp fire sila nakita ko si Ate umalis kaya hinabol ko, pero hindi ko na sya mahanap.. iyak ako ng iyak nun hangang sa makita ko sya nakahawak sa sanga, mahuhulog na siya sa bangin kaya sinubukan ko syang tulungan pero ang nangyari nahulog kaming parehas, nagising na lang ako nasa hospital na ko at galit na galit sakin si daddy.. ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni Ate Camille"

Dito na hindi napigilan ni Keith na pumatak ang luha niya.

"Sorry kanina hindi ako makapag concentrate eh" pinunasan pa nito ang luhang pumatak.

"No, I'm sorry.." sa wakas ay nasabi niya kay Keith.

"Kung alam ko lang kahit hindi na kita pinapunta" dugtong pa niya dito.

"Okay na 'ko, nakapagkwento na nga ako eh.. its kinda wierd nga actually" napangiti pa nitong sabi.

"I hate talking about this pero sinabi ko sa'yo" napangiti na ring sabi ni Keith.

"If you need someone to talk to, nandito lang ako huwag mo sarilinin lahat, Okay" sabi pa nito sa kanya.

Napatitig pa si Keith kay Steven, mas gumaan ang pakiramdam niya kaysa kanina.

"Thanks, Steven" halos maluha luha pang sabi ni Keith.

Ngumiti pa si Steven sa kanya. Sa labas ng simbahan ay nakatingin sa kanila si Carl,  nagpunta sya doon dahil sa pag aakala na walang kasama si Keith, nagtataka man kung sino ang kasama nito ay kampante sya pakiramdam niya ay nasa mabuting kamay ang kapatid niya.

Sa sementeryo, nandun daddy at mommy nila Keith upang dalawin ang puntod ni Camille. Habang nakatingin sa puntod ay tila naririnig pa ng Daddy nila ang nga sinabi ng kaibigan ni Camille.

"Kitang kita ko po tinulak ni Keith si Camille, at bumaba rin sya para isipin ng lahat na aksidente ang nangyari" ito ang mga katagang binitiwan ni Sia na nagpagalit sa kanya.

"Hindi magagawa ni keith yan" sabi pa ni Carl noon.

"Pero nagawa na niya! Siya ang nagtulak kay Camille" umiiyak na sabi ni Sia noon.

Napasimangot ang Daddy ni Keith ng maalala ang mga pag uusap nilang iyon. Saka niya pinagmasdan ang puntod ng anak, pumatak ang luha niya dahil dito.

"Sorry ulit kanina" sabi ni Steven matapos huminto sa tapat ng bahay nila Keith, inihatid na niya ito para makapagpahinga na rin, tumawag na rin naman siya kay Ms. Toni para magpaalam na hindi na makakapagpractice si Keith. Maaga pa naman kaya makakabalik pa siya.

"Sorry din" sabi ni Keith sa kanya, napalingon pa ito sa labas ng gate nila at nakita si Cliff sa labas nakasandal sa kotse nito.

"Anong ginagawa ni cliff dito"

Napasimangot pa si Steven ng makita si Cliff sa labas.

"Thank you sa paghatid ah" saka ito nagmamadaling bumaba ng kotse ni hindi man lang hinintay na napagbuksan niya ng pinto o magpaalam sa kanya.

AS WE GO ON.. I Hate You, I Love YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora