Chapter 6

1 0 0
                                    

Kinabukasan, sa classroom, pinagmamasdan ni Cliff yung post sa school page nila. Picture ito nila Keith at Steven para sa darting na Musical Play. Pakiramdam niya bigla siyang nagselos sa kuha nung dalawa,  masyadong dikit na dikit sa isat isa.

"Parang sila talaga sa picture no" sabi ni Abi, saka binasa ang mga comments.

Halos sabay na pumasok ng room sina Steven at Keith, pagkaupo ni Steven ay dumerecho muna sa pwesto ni Abi si Keith dahil ayaw makausap si Steven.

"Grabe ang ganda ng kuha niyo ni Steven, Keith!" Sabi ng isang kaklase nila.

"Nakaka inlove" kinikilig na sabi naman ni Loti.

"Steven, bagay na bagay kayo kahit nakakaselos na" sabi ni Jane kay Steven na nilongon pa sa upuan.

Nagtataka pa si Steven sa mga sinasabi nila ng mapatingin siya kay Tristan sumenyas ito na tignan yung cellphone, sinend nito sa group chat nila ang link ng post sa facebook page ng school.

"Eto yun" pinakita naman ni Cliff kay Keith yung picture nila ni Steven. Kinuha naman agad ni Keith ng mapansin, Tinignan niya yung picture nila ni Steven nakapost sa facebook page, "friendship - love -hate -love soon! a must awaiting musical love story" nakasaad pa dito.

"Ang ganda ng kuha niyo bes as in" masayang sabi ni Abi sa kanya.

Tinulak pa ni Cliff ang noo ni Keith gamit ang hintuturo ng hindi ibalik agad sa kanya ang cellphone.

"Phone ko yan, dun ka magbasa sa phone mo"

"Tsk!" Irap nito kay Cliff.

"Super bagay kayo" sigaw ng isang kaklase nila.

Ikinalingon ito ni Dave, Napatingin pa ito kay Keith matapos makita yung post ay inis na inis nitong binalingan si Steven.

"Kaya pala magkasama kayo kagabi ni Steven"

Napalingon yung iba kay Dave, tapos nagtuksuhan sila, napasimangot naman si Cliff ng marinig ito saka tumingin kay Keith.

"Magkasama kayo kagabi ni Steven?" Tanong ni Cliff. Napaisip pa siya kaya pala hindi ito nagpunta sa bahay nila kagabi, napalingon pa siya kay Steven, napansin niya na sumeryoso ito at ang sama ng tingin kay Dave.

"Totoo naman diba, tumakbo pa nga kayo dahil may humahabol sa inyo" sabi pa ni Dave.

"Shut up" pagpapatigil ni Steven sa sinasabi ni Dave.

"Humahabol?" Natatawang sabi ni Troy,

"Tumakbo ka?" pang aasar pa ulit nito.

"Ang dami ba hindi mo kaya?" Nangaasar ding sabi n Dave.

"Hindi ka ba titigil" inis na sabi ni Steven, Patayo na sana siya ng dumating na Prof nila, nag ayusan yung iba at bumalik sa kani-kaniyang pwesto tumayo narin si Keith lumipat na sa upuan niya.

"Godmorming class" bati ni Sir Greg.

"I just got the approval today and by monday we are going out for structural design and measurement for your project" sahi pa nito sa klase. Habang nakikinig ay hindi nagpansinan si Steven at Keith, napalingon pa si Jake sakanila, pati si Cliff lumingon pa kay Keith, ng mapansin siya nito ay iniiwas niya ang tingin agad.

"Sir, wala po kami class nun"

"Yes" halos magsigawan ang karamihan sa tuwa sa narinig.

"But unfortunately you'll be having two projects, sakin at kay ms Fiona" 

"Haaay" malungkot na sabi ni Liz

"Walang lusot" sabi naman ni Kim. Halos sabay sabay pang nagsalita ang iba dahil sa nadagdag na gagawing project nila.

AS WE GO ON.. I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon