Chapter 9

0 0 0
                                    

"Steven!" Sigaw ni Selene na ikinalingon nila ni Keith.

"Let's eat na, lunch time na" sabi pa nito sa kanya.

Kasunod ni Selene sila Tristan, Paul, Drex at Mona.

"Sige na, later nalang ulit" sabi ni Keith sa kanya ng mapatingin siya dito.

"Kumain ka muna" sabi pa ni Steven sa kanya. 

"Sabay na kami nila Cliff"  turo pa nito sa kaibigan na nag aayos na rin ng mga gamit.

"Lets go" aya pa ni Selene kay Steven, hinila pa niya ito para hindi na makausap pa si Keith.

Lumakad palapit si Keith kay Cliff, pagkakita ni Cliff sa kanya kinuha yung bagpack niya saka nila pinuntahan si Abi para ayain kumain.

"Inuna na talaga ni Abi magpicture picture" sabi ni Keith habang naglalakad sila ni Cliff. Katatapos lang nila kumain, si Abi nagmamadali para makapag picture pa daw siya.

"Alam mo naman yan future architect slash photographer." Nakangiting sabi pa ni Cliff.

"Picture na rin tayo" sabi ni Keith saka kinuha yung cellphone.

"Sa gitna talaga"

"Oo wala namang araw" Saka nito hinarap ang cellphone para makapag selfie sila.

"Ikaw maghawak" 

"Gusto mo lang payat tignan eh"

"Syempre no"

Habang nagseselfie sila ay lumapit si Bea.

"Cliff, start na tayo para matapos din agad" sabi nito skay Cliff.

"Sure sige" sabi ni Cliff kay Bea.

"Tara" aya pa nito.

"Dun na kami Keith" paalam pa nito sa kaibigan.

Habang naglakad lakad si Keith ay nagkuha pa siya ng mga pictures. Nakita siya ni Steven kaya nilapitan na siya.

"Tama na yan" sabi pa nito sa kanya.

"O... kumain kana?" Lingon ni Keith kay Steven.

"Oo tapos na"

"Selfie tayo.. send natin kay Ms. Toni" suggest ni Keith kay Steven.

"Sige sabihin mo okay na tayo" Nilagay pa ni Steven yung cap na suot niya kay Keith, saka dumikit para makapagselfie. 

"Cute mo dyan" turo pa ni Steven sa picture ni Keith.

"Syempre" natawa pang sabi ni Keith.

"Isa pa dali"

Habang nagpipicture silang dalawa ay hindi maiwasan ng iba na mapatingin sa kanila, may ilan na naiinggit kay Keith dahil kasama si Steven. Ang iba naman ay iniisip na bagay na bagay silang dalawa.

Hangang hapon ay tinapos ng bawat magpartner ang mga dapat nilang sukatan, kuhanan ng picture para sa mga details na kakailanganin nila. Hangang sa pauwi na sila. Halos lahat ay napagod pero nag enjoy.

Sa bus, papasok na ng University ang sinasakyan nila Keith. Pinakita niya kay Steven ang reply ni Ms. Toni sa sinend niyang picture.

"Reply ni Ma'am Toni" pinakita ang hawak na cellphone.

Natawa pa si Steven ng makitang picture din ang sinend nito at ngiting ngiti pa, marahil ay iniisip nitong okay na nga sila ni Keith. Himinto na ang bus na sinasakyan nila kaya nagsipagtayuan na ang iba.

"Sunduin ka ba ng kuya mo?"

"Baka malate siguro ng konti yun" tumingin pa sa suot na relo kung anong oras na.

AS WE GO ON.. I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon