That caught me off guard, in just a quick swift of motion he's now standing a few inches away from me. He lowered his head to face me. Sa lapit namin ay naaamoy ko na ang pabango at panlalaking shower gel patunay na kaliligo lang nito.

My heart thumped, loudly. My insides started churning.

"Ang init sa loob ka na magsalita." saad nito at inilakad ako hanggang sa tapat ng passenger seat. Binuksan na rin niya iyon, agad naman akong nakabawi at pumasok na sa loob.

Hinawakan ko ang dibdib, ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang tahimik ay halos marinig ko na iyon. Para akong uminom ng limang tasang kape.

Pumasok na rin ito sa loob at pinaandar ang makina.

"Sabi ko five minutes lang. You're seven minutes late." Reklamo niya, isinuot na nito ang seatbelt kaya ginaya ko na rin siya.

"K-Kasalanan ko bang bigla ka nalang tatawag pag nasa bahay ka na ng bahay. Atsaka, wala naman talaga akong lakad ngayon. Saan tayo pupunta?" pilit akong umaakto na parang normal lang.

"I know a place, they also serve good food." sagot niya, at pinaandar na ang sasakyan.

Kumunot ang noo ko, ngayon lang niya ako naisip yayain kumain sa labas. Kung hindi niya ako pinapasama sa mga lakad niya ay sa J Prime lang.

"Nagplano ka? O, naisip mo lang ito bigla?"

"Bakit?" pagtataka niya, he even glanced at me.

Bumuntong hininga ako. "Kung ginagawa mo ito, para icomfort ako. Okay lang talaga ako,"

Natigilan siya sa sinabi ko, I can feel it. He didn't ask me more about what happened last night. Hindi niya ako kinulit. It's either hindi niya alam paano niya ako icocomfort, o wala talaga siyang pakialam.

Pero sa mga kilos niya, at sa pag sapaw niya sa amin ni Cian noong malaman niyang gusto ko iyon, tingin ko naman may pakialam siya. He didn't even said something about it today, parang pinapakiramdaman niya pa ako.

"I know. Who said I asked you out to comfort you?" balik nito, ang mata ay nasa daan pa rin.

"Nililinaw ko lang, ayoko na rin i-big deal iyon. Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam, kaya wag na rin nating pag usapan pa."

Tumango-tango siya.

"If you're not comfortable, I am okay with it. Besides, I have something to tell you."

Bigla akong napalingon sa kanya, kumunot ang noo ko.

"Ano?"

"Later. Don na lang pagdating natin."

Lalong nagsalubong ang kilay ko. Na-cucurious tuloy ako. Hindi kaya nilaglag niya na ako kay Cian? Dahil may girlfriend naman na siya?

Bigla tuloy akong kinabahan!

"H-Hindi mo naman ako sinumbong kay Cian? 'Di ba?" pag-aalangan kong tanong.

Nilingon niya ako, kahit nakashades ito ay halata ang pag kunot ng noo niya.

"What? No, why would I tell him?" matigas na sagot nito. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Magmomove on na nga lang, malalaman niya pa. Abot-abot na kahihiyan iyon, lalo pag nalaman ng girlfriend niya!

Nakarating na kami sa tinutukoy niyang kainan, the design outside looks minimalist. At hindi rin siya mukha restaurant sa labas. Pag pasok sa loob ay para lang itong hotel, the resto was upstairs.

Nag elevator pa kami para makarating doon, inilakad kami ng staff sa may malaking balcony. My lips parted by the view, dahil mataas kami ay tanaw na tanaw ang mga building. And the clouds and sun as it's background completing the perfect view.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Where stories live. Discover now