Chapter Three

391 15 9
                                    

Jerky Boyfriend For Hire
forgottendaydreamer
••

Chapter Three: What's the Chase?

Yuri

"Baby Sis, may kailangan lang akong daanan ha? Mag-ikot ka muna dito aalis muna ako. I'll be back in an hour, promise!" Sabi ni kuya pagkatapos nyang ibaba ang phone. Ano? Iiwan nya daw ako mag-isa?!

"Saan ka pupunta kuya?! Iiwan mo ako dito?!" Syempre mejo naghisterical ako. Duh, ikaw kaya ang maiwan magisa na mukhang tanga?

"Baby Sis, importante lang to. Saglit lang talaga ako." Sagot ni kuya. Mukhang importante nga. Mukhang tungkol sa business.

"Fine. Dun ka na! Mas importante naman yan kesa sa akin eh." Emote ko sabay walk out. Aba syempre, akala ko pa naman bonding na namin ni kuya to yun pala may eepal padin. Tagal ko na ring hindi nakakalabas ng bahay tulad ng ganito eh. Ang boring tuloy.

"Baby sis naman, syempre mas importante ka. Marami pa namang next time eh. Basta babawi ako. Promise!" Hinabol nya ako. Tss, matitiis ko ba si kuya? Hay. Pasalamat sya at nadadaan nya ako sa ganyan.

"Oo na. Tss."

"Sige babye Baby Sis, ingat ka ah? Tetext nalang kita kapag pabalik na ako. I love you Baby Sister!" Kahit kailan talaga si kuya.

"Sige kuya ingat din. Antay nalang kita dito. I love you too kuya!" Sagot ko nalang tapos nagkiss ako sa cheeks nya at tuluyan na syang umalis.

Pagkalingon ko naman sa likod ko biglang may nakabangga sa akin. Natumba tuloy ako! Hmp! Sino ba to?! Nakaka-asar!

"Hindi ka ba marunong tumingin sa daanan o sadyang tanga ka lang?!" Pagkatayo ko, yes, tinarayan ko na agad sya. Ang maganda hindi dapat binabangga. At syempre ako si Yuri, hindi ako pwedeng magmukhang mahina. Sa harap lang ni kuya lumalabas ang tunay na ako.


"Whoah. Easy lang miss beautiful." Sabi nya at ang loko ngiting ngiti pa. Teka, pamilyar tong mukha nya ah. Wait saan ko nga ba naki-- sya! Sya nga yung mahangin na cashier sa Starbucks!


"Alam ko namang maganda ako, hindi mo na kailangan ipamukha sa akin. Pero wag mo kong nginingitian ng ganyan kasi nagmumukha kang aso. To be honest, you're creepy. So get out of my way kung ayaw mong maging miserable yang buhay mo." Sinamaan ko sya ng tingin. Akala ko aalis na sya pero ang gago nakatayo padin doon at nakangisi.

"What the hell is your problem?!" Beastmode ako. Nakakairita yung pagmumukha nya. Bakit ba kasi sa lahat ng taong makakabangga sya pa?!

"I'm Chase." Inoffer nya yung kamay nya. So para magmukha syang tanga, tinitigan ko lang yung kamay nya.


"Ano yan?" Masungit kong tanong.


"Kamay," aba piliosopo ang gago!


"Alam ko. Pero alam mo, ang katangahan, hindi yan vitamins. Hindi mo dapat inaaraw araw. Common sense dapat kasi kulang na kulang ka nun eh!" Inirapan ko lang sya tapos nag-walk out na ako. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko pero bigla akong nakaramdam ng kamay na nakahawak sa braso ko. Bigla nalang akong hinigit nung kamay na yun at pagharap ko sa kanya, sya padin yung gagong lalaki na nakausap ko!

Magsasalita palang sana ako pero hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari...


He kissed me on the lips.


Wait, what?! HE'S KISSING ME ON MY FREAKING LIPS?! OH MY GOD, HE JUST FUCKING TOOK MY FIRST KISS!


Gusto ko sanang bumitaw pero mas hinigpitan nya yung hawak nya sa bewang ko. Mas lalo nya akong nilapit sa kanya. Hindi ko alam kung anong iniisip ko pero hindi nalang ako nakapalag. Para bang nablangko ang utak ko na pati ang katawan ko ay hindi ko maigalaw.


Jerky Boyfriend For HireWhere stories live. Discover now