Chapter One

542 11 0
                                    

Jerky Boyfriend For Hire
forgottendaydreamer
••

Chapter One: Meet Arden Yuri Anderson

Yuri

"Arden, hindi ako natutuwa sa grades mo. For God's sake magpakatino ka naman! Wala ka nang ginawang maganda para sa pamilyang to kaya sana naman kahit sa mga marka mo makabawi ka man lang!" Galit na sigaw ni Dad sa akin mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga nalang ako sa mga salitang naririnig ko mula sa kanya. I know I'm not good enough and I will never be good enough for him.

"I'm very disappointed to you Arden, akala ko naman this time may magagawa ka nang tama. I thought na ikaw parin ang nangunguna sa mga top students sa university nyo  pero you did not do you best." Masakit. Sobrang sakit marinig yan mula sa sarili mong tatay. Bakit ganun? Ever since naman, ginagawa ko na ang lahat  para lang maplease ko si dad pero ni minsan hindi nya nakita ang efforts ko.

"I... I did my best dad." Yan nalang ang tanging nasagot ko sa kanya. Wala na akong masabi sa kanya kasi he will not even listen to me. Bakit pa ako mageeffort? Nakakapagod din.


"Then why not give your bestest? Mabuti pa si Amanda, wala pang one year na nagsstay sya dyan sa Pilipinas she's actually doing her best." Umirap ako habang nagsasalita si dad sa kabilang linya. Hindi naman nya iyon makikita eh. Hindi rin naman ako natutuwa tuwing naririnig ko ang pangalan nang babaeng yun. She's such an evil!

Di rin nagtagal ay ibinaba na ni dad ang phone. Mabuti pa siguro yun dahil ayoko narin namang marinig ang sermon nyang nagbibigay lang sa akin ng sakit sa damdamin.

Tinignan ko muli ang medyo may kaliitang card kung saan nakasulat dito ang aking mga marka. Halos puro uno ang nakasulat dito at ang pinakamababa lamang ay ang 1.5 na nakalagay. Bumuntong hininga nalang ulit ako at hinagis nalang kung saan ang card na iyon.

Am i not really good enough? Bakit ba kahit anong pilit ko, hindi nya ako matanggap? Sinisisi nya parin ba ako sa nangyari?

At muli, bumuntong hininga nalang ako. Wala akong magawa para mapagaan ang loob ko. Pakiramdam ko, I'm worthless.

"Ija, bakit mo tinapon 'tong class card mo? Kanina ka parin bumubuntong hininga dyan. May problema ba?" Sabi ni manang habang pinipulot ang card ko.

"Itapon nyo nalang ho yan manang, wala rin namang silbi yan eh." Tumayo ako at pumunta sa kusina. Sumunod naman si manang sa akin.

"Alam mo Yuri anak, wag mong intindihin kung ano man yung sinasabi ni Albert. Baka mainit lang ang ulo nun dahil sa trabaho." Tinap ni manang ang balikat ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Gusto kong maniwala sa sinasabi nya pero hindi ko magawa. Ilang beses narin kasing nangyari 'to, at tuwing aasa ako na baka hindi talaga ginusto ni Dad ang mga sinabi nya, nasasaktan lang din ako sa huli.

"Nako manang, sanay na naman ho ako kay Dad. Alam ko namang kahit kailan hindi nya na ho ako matatanggap bilang anak nya. Alam kong galit parin sya sakin dahil sa aksidente. Wala na hong pagasa pa yung relasyon namin bilang mag-ama." Masakit. Oo. Pero wala nang luha ang kumakawala sa mga mata ko. Kahit siguro yung mga mata ko pagod na sa kakaiyak dahil sa isang taong hindi pinapahalagan ang mga pinaghirapan ko.

Napatingin nalang si manang sa akin na para bang naaawa sa sitwasyon ko. Yun lang ang ayoko, yung iniisip ng ibang tao na nakakaawa ako.

"Sige na ho, akyat nalang po ako sa kwarto ko." Pagpapaalam ko at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko.

Ano ba namang buhay 'to. Bakit ba ganito pa ang nangyari, nakakapagod na. Ang sakit sakit pa sa damdamin kasi ni wala akong paglabasan ng sama ng loob. Lahat kinikimkim ko mag-isa. Minsan nga, naisip ko nalang magpakamatay eh, kaso naalala ko si Kuya. Kahit papaano, may taong nagaalala para sa akin.

Humiga nalang ako sa kama ko, daladala ang isang pocket book. Tama, magbabasa nalang ako. Wala namang pasok bukas dahil weekend, kaya eto ilululong ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa.

Halos nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag. Napabuntong hininga ako bago sinagot ang tawag.

"Hello?" Walang ganang sagot ko.

"Hello, Yuri! Tara shopping tayo tomorrow!" Halos mabingi ako sa pagsigaw ni Ana.

"Wala ako sa mood, ikaw nalang." Simpleng sagot ko, ayoko kasi talaga.

"Sige na pleaseeeee?" Pagpapacute nya pa sa kabilang linya. Obvious naman eh, malamang ngayon ay nagpapout pa sya. Tss, so annoying!

"No. I said no and that's final." Sabi ko then ended the call. Hay, ang sakit nya talaga sa ulo kausap.

And by the way, she's Ana. Kaibigan ko sya, but I don't trust her. She's a bitch, famewhore, gold digger and a user. I don't like her, I'm keeping her  with me para naman hindi ako magmukhang loner sa school.  And tulad kanina, she wants us to shop together? No way in hell, mahirap lang sya so she can't even pay a single branded shirt. Ang ending, ako ang pagbabayarin nya sa mga pinagkukuha nya. Naranasan ko na yan once, and I don't want that to happen again. Like duh, I'm not a human credit card.

Then ayun, I continued reading the novel. Hanggang sa natapos ko ito. Napabaling naman ang tingin ko sa drawer ng table ko sa gilid. Tumayo ako para buksan ito. Pagkabukas ko ay kinuha ko ang photo album sa loob. Umupo muli ako sa kama at binuksan ang unang pahina nito.

Nandun yung family picture namin. Yung family picture namin na masayang masaya pa kami bilang pamilya. Yung panahong masaya pa kami dahil nandito pa si Mama. Yung panahong hindi pa nangyayari yung akaidenteng yun.

Umiyak ako habang yakap yakap ko ang photo album na hawak ko kanina lang.

Bakit ganun? Kailangan ko ba talagang magdusa habang buhay? Hindi ko naman ginustong mangyari yun ah. Pero bakit hindi ako mapatawad ni Dad? Ginagawa ko naman lahat para maging proud sya sa akin.

"Sana ako nalang yung namatay at hindi na si Mama." At pagkatapos nun, tuluyan na akong nakatulog.

••

Note:

Hello guys! Short chapter muna since introduction palang naman 'to at hindi pa nagsstart ang mismong kwento. Sana hindi sya masyadong boring sa una. Hehe, malungkot lang talaga 'tong kwentong 'to pero unlike sa mga nauna kong stories, planado na talaga syang maigi. So, votes comments and suggestions? Salamat po. God Bless!

-missfdd

Jerky Boyfriend For HireWhere stories live. Discover now