Chapter Four

351 10 6
                                    

Jerky Boyfriend For Hire
forgottendaydreamer
••

Chapter Four: Scandal!

Yuri

Nagising ako sa matinding pag sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko kasabay ng malakas na pagkatok na talaga namang nangingibabaw sa buong silid ko. Kahit sobrang antok pa ako, gising na gising ang diwa ko sa kuya ko.

"ARDEN! LUMABAS KA DYAN! BUKSAN MO TONG PINTO KUNG AYAW MONG MALINTIKAN SA AKIN!" rinig na rinig ko ang lakas ng sigaw ni kuya. Damang dama ko rin yung galit sa boses nya.

Alam na nya. Alam na ni kuya yung nangyari. Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Parang pakiramdam ko, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

Lumapit ako sa pinto. Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto.

"ARDEN, ANO TO?!" inangat ni kuya ang phone nya at hindi nga ako nagkamali. Nakaplay doon yung video namin nung kiss stealer. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nung makita ko yun at yung mukha ni kuya na may pagkadismaya at galit. Para akong nanghihina sa mga nangyayari. Ano ba talagang nangyayari sa buhay ko?


"CAN YOU EXPLAIN THIS FUCKING VIDEO?!" sigaw na naman nya. May diin sa bawat salitang binibitawan nya na talaga namang nakapangtakot sa akin.


Naramdaman ko nalang na may mainit na natulo sa pisngi ko. Hindi nga ako nagkamali. Naiyak na pala ako.

"K-kuya. Kuya h-hindi ko naman talaga alam na mangyayari yan eh. H-hindi ko kilala yang lalaking yan." Pinilit kong pigilan yung mga luha ko pero mas lalong nagtuloy tuloy yung pagpatak ng mga luha ko kasabay ng matinding paghikbi.


"Eh bakit ka hinahalikan nitong gagong to?" Huminahon na sya pero may diin parin sa bawat salitang binibitawan nya.


"H-hindi ko alam. B-bigla nalang nya akong hinila t-tapos hinalikan nya ako. K-kinausap ko lang naman sya k-kasi nakaharang sya sa daan p-pero bigla nalang n-nya akong hinalikan. H-hindi naman ako m-makapalag kasi mas hinila nya ako at hinigpitan yung hawak sakin. P-pinilit ko naman eh pero wala talaga akong magawa." Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko kasabay narin ng pagiyak ko. Alam ko namang wala akong kasalanan eh pero ang laki parin ng epekto sa akin. Dala narin siguro to ng takot.

Takot. Hay, kahit pala anong gawin ko, hindi ko parin maitatago na duwag ako. Kahit kailan naman eh, duwag ako pinagpipilitan ko lang sa sarili ko na matapang na ako kahit hindi naman.

Lumapit sa akin si kuya tapos ay niyakap nya ako. Napahikbi nalang ako sa ginawa ni kuya.

"Shh, tahan na Baby Sis. Sorry kung nasigawan kita. Nagulat at nagalit lang ako dun sa nakita ko. Nagaalala lang din naman ako para sayo, pano pag nakita 'to ni Dad? Ano nalang gagawin nya sayo?" Tuluyan ng napalitan ng lambing ang kaninang galit na galit na boses ni kuya. Mas lalo akong naiyak, hindi narin ako makasagot at makapagsalita dahil sa sobrang paghikbi.

"Naaalala mo ba yung mukha nung gagong nanghalik sayo?" Malumanay ngunit may bahid ng inis na tanong ni kuya sa akin. Tumango ako.

"Tara, hahanapin natin yung hayop na yun! Babasagin ko talaga ang mukha nun pag nagkita kami!" Naging matalim ang mapupungay na mata ni kuya. Hindi ko nagustuhan ang ideya nya kaya marahas akong umiling.

"Kuya! 'Wag na! Ako na ang bahala dun, okay? Ayokong madamay ka pa. Kaya ko na 'to." Halos magmakaawa ako sa kanya. Alam kong tututol ito pero kailangan kong iiwas sa gulo si kuya.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Oct 16, 2016 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Jerky Boyfriend For HireOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz