CHAPTER 9: THE EVIDENCE

11 5 1
                                    

ISABELA'S POV

Wala pang isang linggo miss na miss kona yung anak ko, ewan koba siguro dahil sa ngayon lang siya nawalay sa piling namin kaya siguro ganito ko nalang siya ma miss.

Nung una hindi talaga kami sang-ayon na sa Araullo siya mag-aral bukod sa malayo ay alam kong magastos dito at pribadong paaralan pa niya gustong mag-aral. Kaya todo sumikap ang mister ko na mamasada araw-araw para lang may pang gastos dito sa bahay at sa pagpapa-aral sa kanya at sa iba kong anak, may narinig akong tunog ng sasakyan sa labas kaya naman nagmamadali akonh pumunta para silipin kung sino ito at hindi nga ako nagkakamali at dumating na ang mister ko.

"Kumusta Biyahe mo Pa?"

"Ay! nakakapagod sobra" umupo ito sa upuan kaya naman kinuha ko electricfan para mahanginan siya.

"Kumain kana ba?"

"Hindi pa Ma"

At dahil sa hindi pa siya kumakain ay agad akong pumunta sa kusina para ipaghain siya ng makakain.

"Oh Kumain kana Pa" sabi ko habang naka ngiti sa mister ko.

"Salamat Ma" ipinagsandok ko siya ng kanin at binigyan ng ulam na isda. Paborito kasi nito yung inihaw na isda lalo na yung hito kaya naman kanina ay bumili ako sa palengke bago pa siya dumating.

"Yung mga bata nasaan?"

"Nako kanina kopa pinatulog at maaga pa ang mga pasok non"

"Ganon ba? Sige halika kumain na tayo"

"Sige, kahit kumain na ako kanina kakain ulit ako para sayo"

Tinitingnan ko siya habang kumakain, ang payat na ni Papa galit na mga ugat nito sa kamay at halos napaka nipis ng mukha. Siya si Ricardo Torres ang pinakamamahal kong asawa.

Mahal na mahal ko siya kahit minsan nag-aaway kami ay hindi nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Ma at Pa lang den tawagan namin hindi na kami nag imbento pa ng kung ano-ano, para kasi sakin mas sweet kapag ganyan lang tawagan.

"Pa Namimiss kona anak naten" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Ganon talaga, masanay na tayo na hindi natin siya makakasama ng ilang araw. Uuwi den naman siya kapag may pasok saka para sa pangarap niya gagawin natin lahat at titiisin natin lahat" naiyak naman ako sa sinabi niya.

"Napaka swerte namin sayo Pa, kasi napakabuti mong asawa at ama sa mga anak natin" umiiyak kong sinabi.

"Di baling mahirapan ako basta nabubuhay ko kayo ayos lang sa akin. Oh sya namimiss mo pala bat dimo tawagan para makamusta  natin siya"

"Tapusin muna natin kinakain natin bago natin siya kausapin"

Pagkatapos namin kumain ay agad kong Inurungan yung pinagkainan namin. After kong mag-urong ay pumasok muna kami sa kwarto ng mga anak namin para halikan sila. Pagkatapos ay pumasok na kami ng mister ko sa kwarto para tawagan si Gray bago kami matulog.

"Sandali lang kukunin kolang yung Cellphone ko" dali-dali kong kinuha cellphone ko para tawagan ang anak ko.

"Hello anak kumusta ka naman diyan?"

"Eto Ma, pagod sa school daming pinapagawa ng teacher namin"

"Nako! Kaya moyan anak para sa pangarap kakayanin diba?"

"Oo naman Ma, kayo ni Papa inspirasyon ko para mag-aral ng mabuti. Lalo na si Papa na nagpapakahirap para lang mapag-aral ko" hindi ko magawang maiyak sa sinasabi niya.

"Tama yan anak basta palagi kang mag-iingat diyan ah I miss you. Oh Heto papa mo kakamustahin ka daw" binigay ko naman yung cellphone sa mister ko.

"Hello Anak"

TUTORING THE PLAYBOY Where stories live. Discover now