CHAPTER 7: THANK YOU MY FRIENDS

10 4 0
                                    

DRAIVEN'S POV

Natatawa nalang ako nung makita ko itsura niya dahil punong-puno ito ng pintura sa damit niya at mukha niya. Mali siya ng kinalaban na tao kailanman hindi ako nagpapatalo kahit sino ang makabangga ko, dumagdag pa tawa ko nung napansin siya ni Sir Yalong nung tawagin ang kanyang apleyido.

"Rivera?" present Sir
"Santos?" present Sir
"Torres?" present Sir

"Mr.Torres what happened to you?"

Hindi kona mapigilan yung tawa ko kasi kitang-kita sa mukha niya na natatakot at naiilang siya ngayon dahil nakatingin lahat ng kaklase ko sa kanya.

Habang nagpapaliwanag ito ay hindi ko inaalis yung tingin ko sa kanya, nung tumingin ito ay may sinabi siya na pabulong " Humanda ka sakin" ngumiti naman ako ng nakakaloko at tinaasan ko siya ng kilay. Kita ko sa reaksyon niya ang pagkainis at pagkairita sa akin.

Hindi pa dito nagtatapos ito dahil alam kong gaganti ito sa akin. Salamat at nagtagumpay yung taong inutusan ko para gawin sa kanya yon.

FLASHBACK

"Siguraduhin mong magmumukha siyang kawawa at katawa-tawa sa harap ng maraming tao, kapag yan hindi mo nagawa ikaw ang mananagot sa akin" sabi ko sa lalaking inutusan ko.

"Oh ayan ibuhos moyan sa taong ito" pinakita ko ang larawan ni Gray. "Siguraduhin mong malinis ang trabaho mo ha!" dagdag kong sinabi at inabutan siya ng pera " Sapat naba ito?" tumango nalang ito at ngumiti, umalis na ako sa harap niya at baka mahuli pa kami. Pumasok na ako sa room na presko at hindi ko mapigilan ngumiti dahil makakaganti nadin ako sa ginawa niya sa akin.

Lumipas ang ilang minuto ay may isang lalaking pumasok sa room at punong-puno ito ng pintura. Hindi ko muna ito maaninag dahil pati yung mukha at buhok niya ay may pintura. Lumapit ang isang bakla sa kanya at inabutan ito ng panyo nung pinunasan niya ang mukha niya ay nakita kong si Gray ito.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa itsura niya ngayon, nakakaawa siya na nakakatawa punong-puno siya ng makukulay na pintura akala mo siya isang rainbow na tao. Lumingon nalang ako sa katabi ko at nakipag usap para hindi gaanong halata na may kinalaman ako sa nangyari sa kanya. Well alam ko naman ako ang sisisihin niya dito at ako den naman ang gumawa non sa kanya, play safe lang tayo pa victim na wala akong alam sa nangyari.

END OF FLASHBACK

Okay sige, Next time mag-ingat ka Mr. Torres marami talagang ganyan dito sa school natin. Kaya Be Careful next time and also na appreciate ko yung pagpasok mo kahit ganyan yung looks mo" pagpapayo sa kanya ni Sir. Anong mag-ingat wala ng takas sa akin yung bansot nayan kaya wala siyang kawala sa kasamaan ko.

Nagsimula ng magturo si Sir Yalong kaya naman naka focus na sa kanya ang lahat ganon din ako. Nahihirapan ako sa Calculus na ito, ibang-iba ang math noon kaysa ngayon ewan ko ba subject ata ni Satanas to bukod sa nakakalito na siya ang haba pa ng mga solution mas mahaba pa ata ito kaysa sa ari ko.

Aaminin ko mahina ako sa Math pero noon kinakaya kopa, yung ngayon ay nako ewan ko nalang pero baka sakaling makuha kopa din ito sa salsal ay este sa dasal. Puro kautuan nanaman pumapasok sa isip ko, hanggang sa natapos na ang time ni Sir Yalong at nagsimula ng maglabasan ang mga kaklase ko. Pumunta naman ako kay Ken para kwento yung tagumpay ko sa pagpapahiya kay Gray.

GRAY'S POV

Tapos na ang time ni Sir Yalong kaya naman pumunta kami ni Lester dito sa Cr para tingnan kung ano ang naging itsura ko. Pagtingin ko sa salamin ay may mga pintura pa ang ulo ko at damit yung sa mukha nawala naman na kahit papano dahil sa pinahiram ako ng panyo ni Lester.

"Beh Ok kalang ba? pagtatanong ni Lester

"Oo naman, ako pa ba? Strong to" sagot ko naman sa kanya.

Hindi ko mapigilan maluha dahil bakit umabot sa ganito yung buhay ko, hindi ito ang expect ko na mangyayari sa college life ko. Ngumiti nalang ako at sinabing " Kaya moyan! Laban lang" buong puso kong sinabi sa sarili ko.

Lumabas kami sa Cr at nakasalubong ko sila Janine, Michi, at Sam na may dalang pagkain galing ata sila sa Canteen.

"Hoy beh anyare sayo?" pagtatanong ni Michi

"Wala beh may walang modong nagtapon ng pintura sa akin kaninang umaga habang papasok ako" sabi ko sa kanila at lumapit sila sa akin.

"Parang alam kona kung sino may gawa sayo niyan" sabi ni Janine

"Ako din alam kona kung sino" sabi naman ni Sam

"Sino pa ba ade si"

"Draiven" hindi na pinatapos si Michi at si Lester na nagsalita. Totoo naman sino pa ba gagawa sa akin nito kung hindi siya lang.

"Hi sino ka?" pagtatanong ni michi

" Ako si Lester kaibigan ni Gray at kaklase din" sagot naman ni Lester kay Michi

"Hi ako si michi at ito naman si Janine and Sam"

"Hi Lester" Janine And Sam

"So dahil kaibigan ka ni Lester at kaibigan niya den kami pwede ka din ba naming maging kaibihan?" pagtatanong ni michi kay lester

"Oo naman beh halaaa feel ko sarap nyo pa namang kasama" masayang-masaya ang mukha ni Lester at humahawak pa ito sa dibdib niya habang tumatalon.

"So friends na tayong lahat dito ha?" sabi ko naman sa kanila habang naka ngiti.

Nag akapan naman kaming lima habang naka ngiti at biglang bumitaw si Janine.

"Teka nga mabalik tayo sayo Gray"

"Ayan na nga ba sinasabi namin sayo, tingnan mo nagmukha kanang rainbow person dahil sa ginawa niya" sabi sakin ni Janine

"Halika nga tulungan ka namin maglinis ng buhok at hindi pwedeng papasok ka ng ganyan" sabi naman ni Sam

"Pumasok na ako kanina ng ganito and grabe bumilib pa sa akin si Sir kasi kahit ganon nadaw itsura ko nakuha kopa den pumasok. In short mas nanalo paden ako dahil sa sinabi ni Sir" mayabang na sabi ko sa kanila.

"Ay panalo ka nga dyan, pinakita mo sa kanya na hindi ka susuko basta pagdating sa pag-aaral" sabi sakin ni michi.

"Totoo den, nakita ko nga itsura niya kanina abay tumataas pa kilay mga beh nang-aasar pa lakas maka badtrip" inis na sabi ko sa kanila.

"Hala tinaasan ka ng kilay? Omg beh kung ako yon baka nangingisay nako sa kilig" sabi naman nitong si michi dahilan para ikakunot ng noo ko.

" I agree" sabi naman ni Lester

"Iwwww! Girl taasan nyo naman standards nyo sa lalake" sabi ko na may pandidiri na boses.

"Baket? Yummy naman talaga si Draiven ah? Bukod sa gwapo na yum yum pa body" at nagtitili ito sa harapan namin.

"True beh, kaya may gana den akong pumasok kasi nakakakita ako ng anghel.

" Tama na beh nakakasuka na mga sinasabi nyo halika na at tulungan nyo akong tanggalin yung nasa buhok ko" sabi ko sa kanila at pumunta kami sa likod ng school.

Nakarating na kami dito at sinimulan na namin ang paghuhugas sa ulo ko " Oh beh talungko ka at kami na bahala sayo" tumalungko naman ako at sinindihan nila yung gripo. Nilagyan nila ng shampoo yung ulo ko halos nakaka 3 na kaming shampoo at saka binabanlawan.

" Oh ayan konting tiis nalang beh at konti nalang den yung pintura" sabi ni Michi

"Konti nalang den pasensya ko" pagtataray ni Sam "Kapag hindi ka yumuko ng todo babatukan kita" masungit na sinabi niya

"HAHAHAHAAHAHAHA" All Laughing

Hay ang saya lang dahil nakatagpo ako ng mga kaibigan na ganito kabait, malas man ako dahil nandyan si Draiven na sumisira ng buhay ko pero I'm so blessed na binigyan ako ni Lord ng ganitong mga kaibigan.

Abangan.....

Totoo naman sinabi niya, masarap sa pakiramdam yung may mga totoong kaibigan. Lalo pat handa ka nilang tulungan kahit saan pa man, kaya naman this Chapter is For Our Friendship. Keep Reading Guys 💙

TUTORING THE PLAYBOY Donde viven las historias. Descúbrelo ahora