CHAPTER 1: College Life

30 6 1
                                    

Gray's POV:

Cring!!! Cring! Cring! Tunog ng alarm Clock na ikinagising ko naman " Hayy nako" sabay Hikab at napadilat ang aking mata nahimasmasan ako at  sinabing " It's my First day Of School" sabay ngiti syempre ayoko namang maging Choda sa unang araw ng klase ko HAHA!

          Kung Hindi Nyo alam yung          Choda, Choda Means "Maldita" HAHAHAH

Bumangon na ako sa higaan ko at pinagpag muna ang aking kama at inayos ang mga unan at kumot ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at bumungad naman at matamis na ngiti ni Mama sa akin

" Good Morning Anak" sabi ni Mama

" Good Morning din Ma" at hinalikan ko sya sa pisngi

" Ready kana for College Life? " tanong niya
sa akin

" Oo naman Ma Nakaka excite pero nakakakaba din hehe" sabi ko naman sa kanya. Magmumog kana don bago ang lahat " HAHAHAHAHAHA" sabay tawa ng malakas haysst ito talagang si mama mahilig sya magbiro kaya kapag may nagpupunta ako kaklase or tropa dito ay akala molang Tropa ang tingin namin ni Mama sa Isa't isa.

Ito nga pala si Mama " Isabela Torres" siya ang palagi kong karamay sa lahat ng problema sa kaibigan, kapatid, at kahit saan pa man. Mahal na mahal ko si Mama Kahit ganyan kaming mag-usap. Well Hindi naman don nasusukat ang pagmamahal ng isang anak sa ina as long as pinapahalagahan mo sila at nirerespeto mo sapat nayon para tawaging mahal mo sila.

At Naghilamos na nga ako at nagmumumog muna bago kumain " Ma Ano ba niluluto mo? " pagtatanong ko sa kanya

" Anak ano pa ba edi pang agahan na pagkain Hotdog at Itlog at masarap na sinangag" sabi nito habang naka ngiti. Ngumiti naman ako dahil paborito ko yung ganon Oh diba Simpleng pagkain lang ok na samin at masaya na kami.

" Ma kakain nako at baka ma late pako sa First day of School namin" habang nagpupunas ng mukha

" Oo anak malapit natong maluto sinangag nalang niluluto ko at ihahain kona" sabi nya sa akin at kita ko sa kilos nya ang pagmamadali.

Papunta na ako sa lamesa at nakita kona ang pagkain inihanda ni Mama, pumikit ako at inamoy ang mga niluto nya

" Hmmm.... Amoy palang busog nako" sabi ko sa isip ko na parang kinakain kona ang mga ito.

" Anak kumain kana bago ka maglumandi dyan" sabi ni mama na may halong pang-aasar, ito talagang si Mama mahilig akong bwisitin sa ganong pamamaraan " Kapag nagising pa ang mga kapatid mo baka mas mauna pa sayo yon sige ka

" Eto napo kakain na nga" pero may naalala ako

" Ma asan pala si papa?" tanong ko sa kaniya

" Maagang bumiyahe ang papa mo at First Pila sya sa jeep papuntang Cabanatuan" sagot niya sa akin

" Ah Ganon po ba Sige po" at kumain ako na tila na parang bata na sumasayaw pa ang ulo habang kumakain. Ganito talaga kami kasaya ni Mama kapag kaming dalawa lang magkasama.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta agad akong Cr para maligo

" Hay nako ang lamig pa naman ngayon mamamatay nanaman ako sa ginaw nito" sabi ko sa sarili ko na parang ayoko nalang maligo dahil sa panahon ngayon. Well no choice kasi alangang First day of school tapos mabaho ako? No way kaya naman pumasok na ako ng banyo. Pinindot ko ang shower at tilay naghihihiyaw ako sa sobrang lamig " Ah! Ah! Ah! Grrr... Napakalamig Hu!....." sigaw ko sa banyo na akala ko ako ginagahasa dito.

TUTORING THE PLAYBOY Where stories live. Discover now