CHAPTER 6: YOU'RE DEAD

7 5 2
                                    

DRAIVEN'S POV

Nandito na ako sa Apartment ko para maligo dahil sinabuyan ako ng basura ng lintek na half-half nayon, nakatayo lang muna ako at nag-iisip kung paano ako makakaganti sa ginawa niya sa akin. "Hindi ito maaari! ngayon lang ako napahiya ng ganito sa harap ng maraming tao at wala pakong nagawa kaagad para makaganti!" sigaw na sabi ko dito sa loob ng apartment dahil naghahalo ang inis at galit ko.

"Humanda ka sakin! sisiguraduhin kong mas malala pa ang mangyayari sayo hanggang sa umalis kana at lumipat ng bagong eskwelahan" para akong baliw na kinakausap ang sarili dito dahil sa sobrang galit ko sa kanya.

Pumasok na ako sa banyo para maligo dahil napaka baho kona like shet! nakakadiri talaga kailangan kong sabunin ng maayos ang katawan ko at siguradong 99.999% ang kumapit na germs sa katawan ko. Sinimulan konang buksan ang shower at inuna ko ang pag shampoo ng buhok, after kong mag shampoo ay sinabon ko ng dalawang beses ng mabuti ang aking katawan at mukha. Pagkatapos ay nag punas na ako ng katawan at buhok at humarap ako sa salamin, tinitingnan kolang yung sarili ko at nag-iisip kung paano ako makakaganti sa ginawa niya.

"Hindi ako makakapayag! walang Delbalye ang nagpapa-api at hindi uso sa lahi namin ang tapunan lang ng basura" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Dahil ako si Draiven Lars Delbalye, isang anak lang naman ng may-ari ng school na tinutungtungan niya. Kaya humanda siya sa akin bukas, sinisiguro ko na 2nd at Last day na niya bukas sa school.

Nag suot na ako ng panjama at terno nitong damit na color Gray, natapat pa na Gray ang favorite color ko kapangalan pa ng bansot na half-half nayon. Nahiga na ako at nag-iisip kung paano at bakit kami humantong sa ganito, Hindi ko expect na may taong makakatapat sa akin na ganon katapang at ngayon lang talaga ako nakaharap na malakas ang loob na lumaban sa akin. Evil Smile " Napapabilib moko bansot, sige susubukin ko kung hanggang saan ang kaya ng sikmura mo" mas ginanahan akong inisin at pagtripan siya dahil mas challenging ito para sa akin, mas gusto koto lumalaban ang binubully.

Nag set na ako ng alarm at matutulog na dahil bukod sa mag 12:00 am na ay masakit na mata ko at pagod na ang isip ko. Nakaka excite bukas dahil buo na ang plano ko nakapag-isip na ako ng magandang pambubully sa kanya "Bukas sinisigurado kong magiging makulay ang buhay mo HAHA!" sabi ko sa sarili ko at naka ngiti.

GRAY'S POV

Cring! Cring! Cring!

Biglang namulat mata ko dahil sa ingay ng aking cellphone " Good Morning!" bati ko sa sarili ko sabay ngiti,  "It's a new day and new memories sa college" sabi ko habang kinukusot yung mata ko. 2nd day of school na pero kahapon palang ang dami ng nangyaring kababalaghan, bigla namang pumasok sa isip ko si Draiven " Siguro may binabalak na ngayon yon para makaganti sa ginawa ko sa kanya" sabi ko sa sarili ko at tumayo na ako sa higaan ko at inayos ito.

"Bakit naman ako matatakot? At bakit ko sisirain ang umaga ko dahil lang sa kanya?" sabi ko habang nagtitimpla ng kape at nagpapalaman ng tinapay. Ito lang talaga ginagawa kong almusal sa umaga kaya siguro ang payat ko. " Hay nako! bahala na kung ano mangyayari mamaya" sabi ko sa sarili ko at nung papaalis na ako sa lamesa ay natabig ko ang isang baso dahilan kaya bumagsak ito at nabasag.

Bigla naman akong kinabahan dahil masamang pangitain ito " Shet! Hindi maganda kutob ko ah? Sign na ata ito para mag-ingat ako mamaya" kabang-kaba ako dahil once na nabasag ang isang bagay or kahit ano pa man ay masama daw itong pangitain ayon sa matatanda. Yes, naniniwala ako sa mga pamahiin na ganon at mahilig din kasi ako sa horror kaya ganito nalang den ako mag-isip.

"Hay nako bahala na" sabi ko sa sarili ko at kinain ko muna ang tinapay at inubos ang kape bago ko linisin yung nabasag kong baso.

Matapos kong magkape at maglinis ay naligo na ako dahil 6:50 Am na, ibig sabihin malapit nang mag 7:30 kaya naman dali-dali nalang akong naligo. After kong maligo ay gumayak agad ako dahil ilang minuto nalang ay malelate na ako. Ewan koba kahilig ko sa pataan na oras kung kelan malapit ng ma late saka palang ako kikilos ng napaka bilis.

TUTORING THE PLAYBOY Where stories live. Discover now