CHAPTER 10: BE MY PRISONER

8 4 0
                                    


" Halaaa Beh bakit ka pinapatawag sa Office?"

"Malay ko, siguro may ipapapasa lang saken or may ipapagawa" pero sa loob ko kinakabahan na talaga ako.

Nahuli niya kaya ako? Mukhang katapusan kona ngayon, ano nalang masasabi nila mama at papa kapag nalaman nila ito. Pero kalma muna at wala pa naman ako doon sa office hindi kopa alam kung bakit nila ako pinapatawag.

"Pumunta kana baka may naghihintay sayo doon"

"Oo sige na, bye na muna mamaya nalang" nagpaalam na ako kay Lester saka pumunta sa Office.

Habang umaakyat ako sa hagdanan ay nanginginig ang paa at kamay ko, tila may iniisip na kung ano na mangyayari sakin ngayon. Pero wala akong dapat gawin kundi harapin ito. Nandito na ako sa pinto ng office at nakita ko na may tao sa loob kaya naman kumatok ako. Pagkabukas ng pintuan ay pumasok na ako at isinara ang pinto, paglingon ko sa likod ay nakita ko si Draiven at may isang teacher at yung Dean ng department namin ang nag-aabang sa akin.

"Finally Dumating kana din? Akala ko hindi kana sisipot at tatakbuhan ang kaso mo" pagyayabang ni Draiven sa akin.

"Kaso? Anong kaso naman yan?" pag papainosente ko.

"Galing moden umakting hano" natatawa niyang sinabi.

"Ano bang sinasabi mo Draiven?"

"Wag kanang magkaila pa Gray! Kitang-kita sa CCTV ang kahayupang ginawa mo!" galit at inis ang bumabalot kay Draiven habang sinasabi niya ito.

"Please, wag tayong maghiyawan dito pag-usapan natin ito ng maayos" pagsasaway naman sa amin ng Dean ng department namin.

"Mr.Gray papaano mong nagawa ito?" may pinakita ito sa computer at nakita ko ang sarili ko na sinisira ang kotse ni Draiven. Hindi ko nalang nagawang magsalita at namumutla na ako sa nakikita ko ngayon.

"See? akala mo siguro walang makakakita sa ginawa mo?" pagyayabang sa akin ni Draiven.

"Kaya kolang naman nagawa yon dahil sa kayabangan at kahayupan mo!" sigaw ko ng malakas kay Draiven.

"Dean, kaya kolang naman po nagawa yon dahil sobra napo ang pambubully niya sa akin nung mga nakaraang araw. Sadyang nandilim lang po paningin ko kaya ko nagawa yon." pagpapaliwanag ko sa Adviser ko at sa Dean namin.

"Mr.Torres kung binubully ka pala nitong si Draiven bakit hindi mo ito ni report sa adviser mo? O kaya pumunta ka ng CSDL para sabihin ito. Hindi yung gagawa ka ng ikapapahamak mo. Alam mobang maaari kang matanggal sa eskwelahan na ito?" sabi ng dean namin.

"Dean sorry po talaga, may nakapag sabi po kasi sa akin na mga takot ang teacher dito kay Draiven kaya hindi kona pong nagawang magsumbong dahil akala ko wala ding mangyayari kaya nagawa ko yon." pagpapaliwanag ko at nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.

"But Mr. Torres ibahin mo ako sa mga guro nayon. Kahit may-ari ng anak ang gumagawa ng kalokohan dito hindi ko palalagpasin yan, hindi ako katulad ng ibang guro dyan na walang pakialam sa mga student nila."

"Hindi moba alam ito Sir Neal?" pagtatanong ni Dean sa Prof namin.

"Hindi po Dean, Actually po sa classroom kasi okay naman po talaga so hindi kopo talaga expect na may mangyayaring ganitong eksena"

"At ikaw naman Draiven, hindi porket anak ka ng may-ari ng school na ito ay gagawa ka ng kalokohan sa kapwa mo. Ibahin mo ako Draiven kung kinakayankayanan mo iba ako hinde, kayang-kaya kong I report lahat sa Daddy mo ang mga kalokohang ginagawa mo." yumuko nalang si Draiven at akala mo naiirita sa sinasabi ng Dean namin.

"Alam moba Gray na pwede kang ipakulong ni Mr. Delbalye sa ginawa mong ito?" pagtatanong sa akin ni Dean.

Nanlaki naman ang mata ko nung sinabi ito ni Dean sa akin. Hindi, hindi ako pwedeng makulong siguradong laking disappointment sakin ni mama at papa.

TUTORING THE PLAYBOY Donde viven las historias. Descúbrelo ahora