CHAPTER 5: WAR SHOW

12 2 4
                                    

DRAIVEN'S POV

Nandito na ako sa classroom dahil malapit na magsimula ang klase, bigla akong sumibangot dahil nakita ko nanaman yung bansot na half-half na ito at kita sa mukha nya ang pagiging masaya dahil naka ngiti itong pumasok sa classroom.

" Mukhang hindi pa ito satisfied sa ginawa ko sa kanya ha?" sabi ko ng mahina sa sarili ko. Tumabi sya sa isa naming kaklase sa kabilang side  well siguro natakot na sya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya kanina sa canteen.

" Hmm.... parang masarap mamwisit ulit ha?"  sabi ko sa sarili ko at tumayo ako at tinapik ang balikat ng katabi niya at humarap naman ito sa akin.

" Pwede bang makipag palit sayo ng pwesto? tanong ko sa kanya nung una ay nagdadalawang isip pa ito ngunit nung hinimas ko yung kamao ko ay bigla itong tumango at dali-daliang tumayo. Ngumiti naman ako ng nakakaloko dahil sa nagtagumpay nanaman ako, umupo ako sa tabi niya hindi niya pa ito napapansin dahil nakikipag bidahan sya sa kabilang gilid nya.

"Ang ingay naman! mag start na klase oh! akala mo manok na putak ng putak!" pagpaparinig ko sa kanya na ikina tingin naman niya. Paglingon nya ay agad itong sumimangot ng mukha at takang-taka siya kung baket na niya ako nakatabi.

" Ayaw mo pala ng maingay baket ka tumabi dito?" pagsusungit naman niya sa akin.

"Mainit kasi don sa kabila saka malay kobang ikaw yung maingay dito kung alam kolang sana di nalang ako lumipat" pagsisinungaling ko naman sa kanya.

"Ayan oh? Madaming bakante kaya pwede ba lumayas kana dito dahil nakakasuka kang katabi sa totoo lang" sabi nito sa akin na siyang dahilan kung baket umaapaw nanaman ang inis ko.

"Inuutusan moba ako? gusto mo palang umalis eh baket hindi ikaw ang humanap ng upuan? saka ayokong may katabing basura kaya pwede ba umalis ka sa tabi ko?" masungit na sinabi ko sa kanya, inilapit ko ng kaunti ang mukha ko at kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkataranta.

"Oww sure sige yan pala gusto mo eh Sige Pagbibigyan kita" at tumayo ito at umalis na sa tabi ko, ngumisi naman ako dahil nanalo nanaman ako sa laban nato sa hindi inaasahan ay biglang may nagtaklob sa ulo ko at pag-angat ko ay sandamakmak na basura ang tumapon sa akin.

"Shet Potang ina!" sabi ko ng gigil na gigil dahilan ng pagtingin sa akin ng mga kaklase ko at pagtingin ko sa likod ay nakita kong tumatawa itong si Gray sa likod ng aking upuan.

"Bagay na bagay sayong tingnan oh! HAHA ayan ang bagay sayo kasi basura yung ugali mo HAHA" sabi niya sa akin at atomatikong umikom yung kamay ko at nagsimula ng magdilim ang paningin ko.

"Potang ina ka! Humanda ka sa akin!" pagbanggit ko habang papunta sa kanya dahil masyado akong napahiya sa ginawa nya sa akin, hindi ako makakapayag na ako ang mapapahiya sa harap ng maraming tao. Aakma na akong suntukin siya kaso nasalo nya ang kamay ko at sinabing... " Chill kalang HAHA ganyan palang ginawa ko sayo masyado na galit mo? sabi ko naman sayo hindi kita uurungan"may pagkamalambing pa boses nito at tinabig yung kamay ko na lalo kong ikinagalit.

Inangat ko yung kanya polo at sinabing... "Tandaan mo! Hihigitan kopa yung ginawa ko sayo kanina, ang tapang mo bilib ako sayo! tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal mo!" sinabi ko sa kanya at sabay alis dahil naaamoy kona sarili ko dahil sa basurang ibinuhos nito sa akin.

GRAY'S POV

Masayang-masaya ako dahil nanalo ako this round HAHAHA akala niya siguro ganon-ganon lang akong kalabanin pwes hindi! Nakahanap siya ng katapat ng kayabangan niya. Habang nagdidiwang ako dahil nakaganti ako sa mokong nayon ay lumapit ang isa kong classmate at tumabi sa akin... " Buti nagagawa mo yon kay Draiven?" pagtatanong niya sa akin na ikinasimangot ko naman... " Bakit naman hindi? Inaabuso na niya ako eh pinagtatanggol kolang sarili ko" naka ngiti pa ako habang sinasabi ko ito sa kanya.

"Pero alam moba? Ikaw lang ang nakagawa non sa kanya, For the first rime ikaw lang ang nakita kong gumawa sa kanya non and take note ah napah walk out mopa sya" sabi naman nito sa akin na parang proud na proud sa ginawa ko.

"Sus HAHAHA matuto kasi tayong pagtanggol sarili natin lalot kapag inaabuso na tayo ay matuto na tayong lumaban" pagkakasabi ko dito at tumatango-tango lang ito sa akin.

"By the way ako nga pala si Lester Dela Cruz, ikaw ano name mo?"

" Ako naman si Grayson Gavin , pero Gray nalang itawag mo sa akin"

"Ang cute naman ng Gray, medyo unique sya ah" sabi nito sa akin, pero mukha namang mabait ito dahil sa mukhang kalahi ko itong bisexual den at halata naman sa kilos niya na ganon den sya, napaka judgmental ko naman sa part nato HAHA cutie den sya bilog na bilog mata niya kulay kayumangggi ang balat nito at medyo chubby kaya nakalobo ang pisngi niya.

"Kanina kapa ba dito or kakapasok molang?" pagtatanong ko naman sa kanya

"Kanina pa akong umaga dito nasa unahan lang ako kaya siguro hindi mo ako napapansin. Actually, kaninang umaga kopa kayo nakikitang nagbabangayan at diba kayo yung napalabas ni Sir Yalong dahil naghaharutan kayo? pagpapaliwanag niya sa akin.

"Ayy ganon ba HAHA Pero sa bagay First day palang naman kaya medyo hindi pa ako familiar sa mga kaklase naten, at para sabihin ko sayo hindi kami naglalandian kanina ah asaran den yon na muntik ng mauwi sa bangayan kagaya kanina" paliwanag ko naman sa kanya na siyang kinatakip ng bibig niya.

"Ay ganon ba? Sorry HAHAHA si Sir kasi sabi lubayan nyo daw landian nyo sabi kanina habang pinapagalitan kayo kaya akala ko naglalandian nga kayo HAHA" sabi nito sa akin habang tumatawa.

"Nako wala akong balak makipag landian sa lalakeng yon, kayabang na nga masama pa ugali." pagtataray na sabi ko sa kanya.

"Pero mag-iingat ka ah? Masahol pa sa mabangis na hayup yang si Draiven, kaya  hindi niya siguro tinuloy yung away nyo kanina kasi maarte sa katawan yon, ayaw nyang nadudumihan or kapag hindi na siya comfy sa amoy nya, aalis at aalis siya kahit nag kaklase pa. Kaya napaka swerte mo talaga kung hindi baka umuwi kang kulang ang ngipin" pagpapaliwanag niya sa akin, grabe ang arte sa katawan ah? sa bagay mayaman kasi kaya siguro ganon.

"HAHAHAHAHAHA! Sakto lang pala ginawa ko sa kanya? Napaka perfect talaga kung saan pa sya mas naiinis yun pa natapat na ginawa ko sa kanya" tumatawa ako habang sinasabi sa kanya, paano yon? basura nandidiri sa kapwa basura?

"Nakoo Ewan ko sayo ha? Basta mag-iingat ka kay Mr.Dreamboy ng school na ito" atomatikong nangiwi naman ang mukha ko nung sinabi niya yon.

"Mr Dreamboy? Or Should I Call Him Mr.Hellboy? sa itsurang yon? mulat nyo naman kamo mata nyo" pagtataray na sinabi ko sa kanya.

"Huy! Pogi kaya ni Draiven alam mo kung ako ginaganyan nya magpapatali nalang ako tapos gawin na niya gusto nyang gawin sa akin" pabirong sabi nito at nanginginig pa.

"Siraulo! HAHAHAHA" natawa nalang ako sa sinabi niya, nakakaaliw den pala itong isang to kalog syang kasama.

" Hala ayan na pala si Ma'am" dahilan kaya natigil ang bidahan namin.

"Mamaya nalang beh at andyan na si Ma'am" sabi niya sa akin bago bumalik ng upuan niya.

"Sige mamaya na kautuan natin makinig muna tayo" sabi ko naman habang natatawa dahil naiisip kopa den sinabi niya.

Haysst boring puro pagpapaliwanag lang naman sa Grades at pagpapakilala lang ginawa namin ngayon sa subject na "Life and Works of Rizal" inaantok nako kasi wala naman dini discuss si Ma'am na lesson puro pangalan lang ng kaklase ko na hindi naman ako interesadong malaman.

Ngunit biglang sumagi sa aking isipan na kumusta na kaya si Draiven? Sure ako nag-iisip na yun ng paraan kung paano siya makakaganti sa akin, kaya naman dapat double ingat ako ngayon. Saka bakit kopa ba iniisip yung mayabang nayon? Deserve nya lang bigyan ng leksyon sa ginawa niya sa akin.

Ayan na nga ba sinasabi Eh! Napaka taray talaga nitong si Gray walang tatalo sa kamalditahan HAHAHA Pero nakaka excite naman kung ano next mangyayari hano? Gaganti kaya si Draiven? Or ano kayang ganti gagawin nya?

Abangan sa Next chapter Gaiz hehe
Sa mga readers ko at nag vote at comment pa muah muah kayo saken! Emz HAHA pero Thank you!

Enjoy Reading Guys Muah!

TUTORING THE PLAYBOY जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें