CHAPTER 8: REVENGE BECOMES WRONG

11 5 4
                                    

Tapos na akong paliguan ng mga baliw kong kaibigan na ito, pinupunasan ko naman yung ulo ko ng tuwalyang dala-dala ni Lester. Pagkatapos ay umalis na kami at nadaan kami sa parking lot ng University namin, tinitingnan ko isa-isa yung mga kotse like grabe ang gaganda nito. Ngayon lang ako napadpad dito, huminto ako sa tapat ng isang kotseng kulay puti at napaka ganda nito kaya naman hinimas-himas ko ito.

"Hoy ano ginagawa mo?" pagtatanong ni Michi.

"Wala, ang ganda kasi kaya nag iilusyon ako na soon makakasakay den ako sa ganito" sagot ko naman sa kaniya.

"Halaaa Kilala moba kung kaninong kotse hinahawakan mo ha?" napalingon naman ako nung nagsalita si Janine.

"Kanino?" Tanong naming apat at sabay-sabay pa.

"Sa matalik na kaaway mo lang naman Gray" pumamewang pa ito nung sinabi niya.

"Paano mo naman nalaman" Michi

"Grabe ka janine ah? Ano yarn Detective conan? Lester

"Hay nako nakita kolang naman siya kanina habang papasok at siya ang nakasakay diyan sa kotse na iyan. Saka tingnan nyo oh" pumunta kami sa bandang harapan ng kotse.

"Oh diba? Draivens Baby nakalagay" nanlaki naman ang mata namin at nagtinginan.

"Halaa Oo nga kay Draiven nga" Lester

"Infairness Janine ah Nalamangan moko ngayon" Michi

"Anong nalamangan? Beh sayong-sayo si Draiven lunukin mo ng buo" Janine

"True lulunukin talaga lahat" Michi

"Iwwwww!!" sabi naming tatlo

"Ano Sam talagang nanunuod kalang" sabi naman ni Janine.

Ewan koba sa aming Lima si Sam ang pinakatahimik sa lahat. Nagbabardagulan na kami siya wala pa ngiti-ngiti lang sa gilid namin.

"Guys look kung sino papunta dito" Sam

"Halaaaaa! si Draiven" sigaw naming apat

"Beh Paano na ayan na siya" pagkataranta na sabi ni Michi.

"Sigurado ako magtataka yon kung baket nandito tayo" Janine

"Nako patay na" Lester

"Halika na bilis magtago na tayo" Sabi ko sa kanila at hinila ko naman sila.

Nagtago kami sa isang kotse ni Janine na malapit lang sa kotse ni Draiven. Sila naman ay kanya-kanya ding tago, Si Sam ay nasa likod ng puno, nasa likod naman ng basurahan si Lester, nasa kabilang kotse naman itong si Mihci kumbaga ay nakapagitna samin ang kotse ni Draiven.

"Oww masyado bang nainitan yung baby ko? pagkakasabi nito na tila moy kinakausap ang kotse.

"Don't worry mamaya papapogiin ka ulit ni Daddy ah? Draiven's Baby Voice

"Jusko baliw na nga talaga siya" sabi ko kay janine ng mahina at baka marinig kami nito.

" Beh Diko expect na ganyan siya ka sweet sa kotse niya" Janine

"Mabuti pa sa kotse mabait pero sa tao hinde" sabi ko at umiirap pa ako.

Binuksan niya ang pinto at may kinukuhang gamit sa loob ng kotse niya. Nakalabas ang isang mata ko at sa kabila naman ay si Janine para makita namin kung ano ang ginagawa niya. Nakita kong may kinuha siyang papel at ipinasok sa bag niya, at sinarado na niya ang pinto ng kotse.

"Aalis na ulit si Daddy ah?" at hinihimas niya ang kanyang kotse.

Nagtinginan naman kami ni Janine at inikot ko yung hintuturo ko sa tenga ko para sabihin sa kanya na may tuliling si Draiven.

TUTORING THE PLAYBOY Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum