Chapter 13: «Amazing World»

8 3 0
                                    

Chapter 13

«Amazing World...»

"SERYOSO, Astra? Sinabi na namin kung paano ka trinato ng pamilya ng Killian nayun tapos yan lang ang reaksyon mo?", hindi makapaniwalang sabi ni Demi kay Astra.

Si Astra naman ay marahan lang na inabot ang dahon ng santol habang nakaharap sa ilog.

"Ha! Anong klaseng Astra 'tong nakikita ko?" Pati si Rhetta ay hindi din makapaniwalang pinapanood ang mala-edukadong galaw ni Astra.

Hindi inisip ni Astra ang pinagsasabi ng dalawang kaibigan dahil para sakanya, ibang tao na siya. Wala na ang dating Astra, ito na ang bagong Astra. Hindi na mahalaga ang nakaraan, at kailangan niya lang intindihin ang kasalukuyan.

Kung may mga hindi magandang karanasan, at ginagawa ang dating Astra, hindi niya na ito papansinin pa dahil isa na siyang bagong Astra.

"Ano? Sunod ba magtu-tula kana, Girl?" Yamot na ani nalang ni Demi habang umiiling iling ito.

"Haaa~ pero sa totoo lang ay mas gusto ko ang Astra na ito. Bes, sa kinatagal tagal kong kakilala si Astra, ngayon ko lang narealize na sobrang ganda niya pala talaga" tangong sabi naman ni Rhetta.

"Well, totoo namang mas kaaya-aya ang Astra na ito hindi kagaya sa dating mataray at malditang Astra. Hindi lang talaga komportable saakin ang nakikita ko", iling naman na sabi ni Demi.

"Oh! Minamalas ka nga naman. Nakasalubong ko pa ng ganito kaagad ang Trio Presumida" Bigla ay isang matinis at mataray na boses ang biglang nagsalita sa likod ng tatlo.

Mataray naman na umirap si Rhetta at Demi bago hinarap ang babaeng bigla nalang lumapit sakanila.

"Kami ata ang minamalas ngayon. May lumapit ba namang mga aso" Mataray na sabi ni Rhetta.

Ang mga dumating ay apat na babaeng may kanya kanyang style ngunit ang nasa gitna ng mga ito ay kapansin pansin na nangunguna.

"Ha! Aso? Eh mas mukha kang aso!" Balik namang taray ng isa sa apat na babae.

"Mukhang nakaamoy kasi kayo ng magaganda dito, bakit kayo biglang lumapit?" Mataray naman na banggit ni Demi.

"Manahimik nga kayong mga alipores kayo. Hoy, ikaw, Astra! Ano sa tingin mo ang ene-emote emote mo dyan?!" Bigla ay humakbang papalapit ang nangungunang babae sa apat na dumating.

Ang nag-aappreciate sa kapaligiran naman na si Astra ay dahan dahang napahinto bago marahang yumuko sa taong tunawag sakanya.

"Eh?"

"Ha!"

Mukhang nagulat pa ang apat na babae nang makita ang mukha at reaksyon ni Astra.

Pakiramdam nila ay hindi nila kilala ang nakikitang babae. Sa paningin nila, parang isang dyosa si Astra na siyang bumaba sa kalangitan upang ipakita ang kagandahan at kaenosentehan nito.

Sa suot palang na white dress ni Astra, habang hinahawi ito ng marahang hangin, talaga namang nakaka-distract ang ipinapakita nitong itsura.

Ang nangungunang babae ang siyang unang nabalik sa katinuan. Kaagad na tumulis ang tingin nito kay Astra bago napaatras ng isang hakbang habang galit na nakaturo pa sa babae.

"Ano sa tingin mo ang inaakto mo? Sa tingin mo ba kung umakto kang ganyan, magiging enosente kana sa paningin namin? Ha! Kilalang kilala ka sa barangay natin, Astra, kilalang kilala kang maldita at makasarili", labas ang galit na sabi ng babae.

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now