Chapter 10: «The Emotionless Astra...»

5 3 0
                                    

Chapter 10

«The Emotionless Astra...»

"PINAGSASABI nun!" Galit na sabi ni Kira.

Lumabas ito ng bahay papunta sa kusina.

"Anong sinabi niya?" Hindi tumingin si Killian habang hinuhugasan ang mga pinaggan.

"Ewan ko don. Ako na niyan, 'Ya" Balak sana ni Kira na palitan ang ginagawa ni Killian.

"Ako na", Sagot naman ng lalake tsaka iniayos sa lalagyan ng pinagkainan ang mga plato.

"Tss, ni minsan hinding hindi ka nag bobolentaryong tumulong sa paghuhugas. Dahil ba 'to dito?", Hindi idinuro ni Kira si Astra pero tinignan niya naman ito ng taas at pababa.

Napansin naman ni Astra na tinitignan siya ni Kira kaya ipinutol niya ang panonood kay Killian at ibinaling ito sa babae.

"Tumahimik ka nga. Ano nga ba ang sinabi ni Mama sayo?" Minsan nga lang naghuhugas ng pinggan si Killian pero sa hindi niya malamang dahilan, nagugustuhan niya ang atensyon na ibinibigay ni Astra.

Mukhang naalala naman ni Kira ang nangyari habang nasa kwarto siya ng mga magulang dahilan nawala sa isipan niya ang pang-iinis sa nakakatandang kapatid.

"Tsk! Tinanong mo pa talaga ulit" malakas na itinapon ni Kira ang nilalamang tubig ng maliit na planggana sa mga halaman sa tabi ng kusina nila.

"..." Binigyan ni Killian ang kapatid ng nagtatanong na tingin.

Naiinis na ibinagsak ni Kira ang maliit na planggana pabalik sa lababo.

"Hindi ko talaga siya maintindihan! Bigla ba naman akong sinabihan na mag participate sa pageant sa pesta, naiinis talaga akong alalahanin ang pinagsasabi niya. Alam niya namang mas matalino si Kyrie kesa saakin pero ako pa talaga ang gusto niyang ipasali. Sa tingin niya bang ganda lang ang kinakailangan para sa pageant nayun? Tsk, naiinis din ako nang madinig siyang sabihin na hindi bagay kay Kyrie ang pag papageant! Kung gusto niyang may sumali sa pageant nayun, siya ang gumawa!", Bigla ay isang mahabang salita ang sinabi ni Kira habang naiinis at nang gigil na napapahawak sa lababo.

Napayuko naman si Killian. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng kapatid dahil para din sakanya, pantay lang ang kambal sa paningin niya.

Maganda at talaga namang napaka extrovert ni Kira habang matalino at sobrang mahiyain naman ni Kyrie. Kahit na malaki ang kinaibahan ng kambal, alam ni Killian na pantay din ang tingin nila sa isa't isa.

"'Wag mo nalang siyang pansinin. Kung ayaw mong sumali sa pageant, 'wag kang sumali. Hayaan mo siya", sabi ni Killian sa kapatid.

Ang tahimik naman na si Astra ay bahagyang nakaramdam ng lungkot.

Kahit papaano ay may naiintindihan siya sa pinaguusapan ng dalawa. Hindi niya man naiintindihan ang tungkol sa pageant, naiintindihan niya naman ang tungkol sa hindi pagiging pantay na tingin ng ina nila sa kambal.

Ngayon ay unti unti niya ng naiintindihan kung bakit may mahinang ugali si Kyrie.

"Wala talaga akong balak na pansinin ang pinagsasabi niya. Siya ang sumali sa pageant nayun!", Irap pa ni Kira.

Tumingin ni Killian kay Astra at nang makitang naghihintay ito sakanya, hinawakan niya na ang braso nito, nakahanda ng umalis.

"Tulungan mo si Kyrie doon", Utos ni Killian sa kapatid bago hinila si Astra papasok ng bahay.

Pumasok sila sa kwarto at parang nakasanayan na naman ni Killian na alalayan si Astra na maupo sa kama bago nagmadaling naghalukay sa mga gamit nilang dalawa.

Love Constellation (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon