1. Timeline

90 4 2
                                    

"June 12, 2023" ika 125 years na kaarawan ng kalayaan ng Pilipinas, Right timing lang para makapagsulat ng isang memorable na aklat. It's been 6 months since makarecover ako sa sakit na Anemia. And I will consider this experience bilang pinaka-malalang lesson learned na naranasan ko sa buong buhay ko, Pinakamatinding pagsubok na nalagpasan ko. At ito rin yun pagmumulan ng matinding pagbabago, na magaganap, sa buhay ko.

Alam ko marami kang itatanung sa akin. Katulad nalang, kung Bakit ko yun naranasan? Ano yung nagawa ko para makaranas non? Ano yung mga naging kapabayaan ko? At Paano ko yon nalagpasan?

Bago ko sagutin lahat ng katanungan mo, Gusto ko muna simulan yung kabanata na to sa isang pagpapasalamat. Gusto ko magpasalamat kay Lord sa unlimited chances na binibigay niya sa atin habang tayo ay nabubuhay. Sa araw-araw na biyaya, simula sa pagising natin sa umaga hangang sa pagtulog. Sa pagbigay nya sa akin ng kakayanan at talento sa pagsusulat, Sa pagpapalakas niya ng aking katawan nang nagkaroon ako ng sakit, sa pagpapalakas ng loob ko, sa pagpapalakas ng isipan ko, sa pagabay niya sa atin, at sa araw-araw na pakikinig nya sa mga panalangin natin. Gusto ko rin pasalamatan yung mga magulang ko na palaging nandyan para sa akin. Sa hirap man o sa tagumpay, at lalong-lalo na sa lahat ng bagay. Sa mga kamag-anak ko na patuloy din na sumusupporta sa pagsusulat ko. Sa Mentor at tinuturing ko bilang kapatid ko, na hindi ako pinabayaan at patuloy parin akong tinutulungan at tinuturuan, sa Girlfriend ko na palagi rin nandyan para akin, salamat sa pagpapatunay na kaya mo ako samahan sa hirap at ginhawa. Sa pinsan ko na nagdonate ng dugo para sa recovery ko. At sa lahat ng kaibigan, kakilala at yung mga taong magbabasa at susupporta pa sa aking career na tatahakin ko. Maraming salamat sainyong lahat.

Sa kabanata na to malaki yung role ng isipan natin, simula nang natuto tayong mag-isip, that was also the time na nagsimula na rin tayo magkaroon ng mga kagustuhan, Napakaraming kagustuhan na hindi natin halos kayang bilangin. Gusto natin maging ganito, gusto natin maging ganyan, gusto natin maabot yung ganito, gusto natin magkaroon ng napakaraming bagay na nakikita natin sa mundo, gusto natin makarating kung saan-saan. And that is natural, dahil human nature natin ang magkaroon ng napakaraming desire. Ang disadvantage lang, human nature din natin ang hindi basta makuntento, tangapin mo man o hindi, yun yung katotohanan. Pero wag ka mangamba, dahil may advantage din yun. Kagustuhan din kasi yung pagmumulan para magkaroon tayo ng direksyon sa buhay.

Dahil dito magsisimula na tayong mangarap, magkakaroon na tayo ng tinatawag na Problem Solving Equations but in real life situation. Complicated talaga ang math parang life, that's why dapat ipriority natin ang self discovery, self Improvement, planning, mature and immature decisions, attitude Awareness, choosing your friends, solving your mental and emotional problems, life goals at napakaraming wants and needs. Do's and don'ts, simula na rin ng struggles, sacrifices, challenges, comparisons, uncertainties heartbreaks, breakdown and breakthroughs, at pagharap sa napakaraming Circumstances.

Very Challenging talaga ang mabuhay sa earth and it's a fact. According nga kay Cicely Tyson
"Challenges make you discover things about yourself, that you never really knew."
And Challenges also make us stronger. At lahat tayo mapagdadaanan yun. Isa rin to sa pinanghugutan ko para makapagsulat ng isang buong aklat, mas maraming pagsubok at hugot mas maraming maibabahagi, mas marami rin na learning, napakarami mong mababasa na challenges na pinagdaanan ko sa librong ito, at kung paano ko yun hinarap. Mas nakilala ko talaga yung sarili ko dahil sa mga occurences na napagdaanan ko. In every obstacle, marami akong realization na nakuha. How do I react? What's my behavior? How do I decide? How do I resolve? And how would I feel about those events? Those realizations led me to self-growth. And I will assure you that if it happens to me, it will also happen to you.

Malamang sa malamang babalikan mo itong chapter na ito, dahil ito yung magsisilbing root ng halos kaganapan sa buong kwento ko, but for now time travel muna tayo 9 years ago. I was 18 years old and a college student noong nabasa ko yung isang bible verse, meron kasi kaming subject na Religion non, nasa Catholic School kasi ako nag-aaral which is Aquinas University of Legazpi (AUL) ng mga panahon na yun, na naging University of Sto. Thomas Legazpi na ngayon (UST-L) at bilang isang Christian, I was curious kung ano yung nilalaman ng isang bible, sabi don

"When the time is right, I the Lord, will make it happen." -Isaiah 60:22

Nang pagkabasa ko nyan, naniwala agad ako na yung mga pangyayari ay nagaganap according to its particular timeline. Maging positibo o negatibo man yung pangyayari na yun. Syempre bilang isang human being na logical mag-isip. Nagkaroon agad ako ng idea, advance thinking ba, advance ako mag-isip eh. Kung yung mga pangyayari ay may tamang timing, so magsisimula na rin ako ngayon mangarap.
Mas maaga akong mangangarap, mas maaga rin yun na matutupad. That is how I think ng mga panahon na yan. Pero hindi pala ganun kadali yung daan na tatahakin ko. Atleast magsisilbi itong motibasyon ko para mas mag pursige. Aware din kasi ako na walang madali sa mundo, wala ring shortcut, lahat ay dapat natin paghirapan. Kagaya rin nang pagtupad mo sa mga pangarap mo, tamang oras, panahon at pagkakataon lang talaga yung makapagdidikta kung kailan yun mangyayari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A WRONG DECISION CAN STILL BE A BLESSING (TAGLISH)Where stories live. Discover now