SEASON 2 (Prologue)

416 28 2
                                    

" Nanay, Saan tayo pupunta?" Tanong ng isang bata sa kanyang Ina. Takang-taka ang bata dahil umagang-umaga palang ay inaayusan na sya ng kanyang Nanay.

" May ipapakilala lang ako saiyo" Tanging sagot sa kanya ng kanyang Nanay bago nito ayusin ang buhok nya.

Tumahimik na lamang ang bata at sumunod sa gusto ng kanyang Nanay, kaysa magalit ito sa kanya. Napatingin ang bata sa kanyang sarili sa salamin at namangha sya sa kanyang nakita dahil kamukha nya ang manikang binigay sa kanya ng kanyang Nanay noong birthday nya.

" Kamukha ba?" Tanong sa kanya ng kanyang Nanay habang tinitirintas ang maalon nitong buhok.

" Opo" Tango nito sabay tingin sa kanyang nanay na nakangiti habang tinitirintas ang kanyang buhok.

" Dapat ganito ang laging ayos mo. Dapat lagi kang magmukhang manika para kagiliwan ka ng lahat na nasa paligid mo" Mahinahong saad nito bago ibaba ang suklay. Tumingin ang kanyang Ina sa salamin upang makita ang repleksyon nilang dalawa at hinawakan sa balikat ang bata at bahagyang yumuko upang magpantay ang kanilang mukha.

" Naiintindihan mo naman siguro diba? " Matamis na sabi nito na nagbigay kaba sa buong katawan ng bata.

"O-opo"

***********
Nakatingin lang sa kawalan ang babae habang hawak-hawak nito ang salamin sa kanyang kanang kamay. Natutulala lamang sya habang inaalala ang nangyari sa kanya. Kung paano sya napunta sa ganitong sitwasyon.

Dahan-dahan nitong iniangat ang salamin at tinitigan ang mukha nyang may malaking sugat na siguradong magbibigay sa kanya ng peklat dahil sa diin at haba na umabot hanggang sa leeg nya.

Sa isang iglap ay nabasag ang salamin na hawak-hawak nito dahil sa lakas ng pagkabato nito sa salamin.

" AHHHHHHHH!!!" sigaw nito habang sabu-sabunot ang buhok nito. Ngunit agad itong tumigil ng marinig nyang bumukas ang pinto.

" Bakit ka andito?" Walang ganang tanong ng babae habang nakayuko at sabu-sabunot ang buhok.

" Nagawa ko na" Seryosong saad ng lalaki na nagpatingala sa babae. Gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa mukha nito.

" Wala na sya. Hindi ka na nya magugulo, She's gone.. She's completely gone"

" Pa-paano?"

" It's not important, What important is....... We can live peacefully from now on" nakangiting saad nito habang nakangiting lumapit sa kanya.

" Hindi na tayo magkakalayo kahit kailan. Mary"

********

AUTHORS NOTE:

EVERY WEDNESDAY AND SUNDAY ANG UPDATE NG "RGW"
It's good to be back... kakatapos lang ng thesis namin. So, I'm free to do the Season 2 🤡

REBIRTH OF GWEN ZAMORAWhere stories live. Discover now