Law of forgiveness

995 84 21
                                    

I walk straight towards them and bump Eliot. I acted like it was an accident.

" Sh*t" Rinig kong mura ni Elliot ng matapon sa kanya ang kape na hawak-hawa nito.

" Sorry, I didn't see you" Hinging pasensya ko dito sabay pagpag ng blouse kong natapunan ng kape.

Ugh! I hate the smell of coffee.

" Tanga- tanga kasi eh! Nakita mo na nga nasa gitna kami tapos binagga mo pa kami. Ang lawak ng pwesto Oh!" Inis na saad nito sa akin na syang ikinairap ko nalang.

" Ayun pala eh. Ang lawak ng pwesto, Eh bakit sa gitna kayo ng daan naghaharutan? I didn't know that this corridor is a dating spot" Sarkastikong saad ko dito sabay sa pagkrus ng bisig ko.

" Pwede ba Zamora, Huwag mo akong pinipilosopo. Parehas lang tayo ng level dito. Ibahin mo ako dahil hindi ako natatakot sa Villain na kagaya mo" Natawa naman ako sa sinabi nito dahil feeling ata nito bida sya sa isang movie or whatsover na series.

" Bakit may dapat ka bang ikatakot sa akin? At pwede ba Mariones, Tigil-tigilan mo ako sa pag-arte mo na parang bida sa isang teleserye kasi hindi naman. Nakakairita!" Insulto ko dito sabay tingin sa wrist watch ko.

My 20 minutes was wasted dahil sa walang kwentang tao na'to.

" Pwede ba Zamora, Hindi mo ako masisindak sa sinasabi mo. Our family is on the same level. Kahit na nag-aaway tayo dito wala akong pakielam. Tanga- tanga nito, Ikaw na nga yung bumangga. Ikaw pa yung Matapang! " Saad nito sa akin. Bigla akong nakarinig ng mga mahihinang tawa sa paligid ko na syang ikinailing ko nalang.

" But I said sorry" Maang na sagot ko dito na syang ikinataas ng kilay nito.

" Sh*t, Nag Sorry ka? Eh, Namantsahan mo na nga yung polo ko eh. Huli na sorry mo, Kainis talaga!" Putak nito na syang ikinibit balikat ko nalang.

" Oh, Bat ka pa nakatayo dyan? Umalis ka na nga! Istorbo ka eh!" Naiinis na saad nito sa akin.

" Maghulusdili ka nga mapuputulan ka ng ugat dyan sa leeg mo eh." Balewalang sagot ko dito na syang mas lalong ikinapula ng mukha nito.

" Wh-"

" Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako napapatawad. Kukulitin kita hanggang sa mapatawad mo ako ng buong puso mo" Nakangiting saad ko dito na syang ikinawala ng kulay nito sa mukha.

" Why do I need to forgive you? Look have you done to my favorite polo!? Hindi agad kita mapapatawad na tanga k-"

" Kung ganon bakit hindi mo lubayan si Elsheva?" Putol ko sasabihin nito. Kunot-noo itong tumingin sa akin.

" Anong pinagsasab-"

" May ginawa kang kasalan sa kanya diba? Bullying: Physical, Verbal and social. You make her life miserable since we were in Elementary. Then bakit ka humihingi ng tawad sa kanya? Sa tingin mo ba madaling patawarin yung ginawa mo sa kanya. Naging suicidal sya for a year dahil saiyo. And then you are asking forgiveness na parang walang nangyari?" Saad ko dito na mas lalong nagpatanga sa kanya.

" Anong connect ng pinagsasabi mo sa  nangyari kan-"

" I bump you, I ruined your shirt and I ask for forgiveness for what I have done. " Walang emosyong saad ko bago umisang hakbang papalapit dito.

" Natapunan lang ng kape ang polo mo pero hindi mo ako pinatawad agad. I tried to stay by your side to ask for forgiveness. Pero ayaw mo dahil nangyari na ang lahat at walang magagawa ang Sorry ko sa polo mo" Pagpapatuloy ko sabay turo sa polo nya.

" In this case, You are like Elshava and I am you. Elliot. Pero sa pangyayaring ito mababaw na dahilan lang ang nangyari. Hindi katulad ng ginawa mo sa kanya. Harassment and Bullying. You make her life living hell in this School. Sa tingin mo ba kapata-patawad yon? I don't think so!" Saad ko dito sabay ngisi.

" Kung ako nga hindi mo kaagad mapatawad. Paano pa kaya si Elshava na kinukulit at hinaharass mo para mapatawad ka nya. Actually, Hanga ako sa Gaslighting techniques mo eh. Kasi you get the sympathy of the freaking students of this school, Except me. I mean kagaya mo lang na gago ang magmamanipula sa mga estudyante dito. Binubully mo si Elshava kasi gusto mo sya? The F*ck! That is the most b*llshit thing that I ever heard!" Natatawang saad ko dito sabay tingin kay Elshava na nakayuko lang.

" Sinisiraan mo sya sa lahat ng tao, Sinaktan mo sya kapag may pagkakataon ka at higit sa lahat tinatawag mo sya ng kung ano-ano. T*ngina! gawin mo na rin kaya yung Cyber bullying para pasok ka na sa lahat ng types of bullying. " Malakas na saad ko sabay tingin sa mga estudyanteng bobo na nakapaligid sa Amin.

" Tapos itong mga tangang ito. Kilig na kilig sa nakikita. Nyeta! HAHAHAHAHAHA. BOBO!" Bulalas ko sabay turo kay Elshava.

" All of you look at this girl. This is Elshava Morillio. Daughter of Franco Morillio a famous pianist and Thatiana Morillio a famous designer. A victim of a f*cking bullying. Alam nyo naman siguro na hanggang ngayon may depression to at nagpapatheraphy parin dahil sa ginawa ng magaling na kupal na ito. Tapos minamatch nyo yung dalawa?! Para saan? Ah, Kasi parang wattpad! " Sarkastikong saad ko at pumalakpak.

" T*ngina, Romanticizing bullying? Sh*ta, Ewan ko kung may sapak kayo sa ulo eh. You are all pressuring her to forgive this sh*t! Tapos may mamumuong Romance! Huh! Nilolove-team nyo yung taong muntik nang magsuicide sa loob ng campus dahil sa taong ito!" Turo ko kay Elliot.

" Sa kanya? Totoo, Kayo ba yung may kailangan ng mental check-up. I mean  the victim and the abuser. " Turan ko sabay tingin pabalik kay Elshava.

" Hindi responsibilidad ni Elshava na patawarin nya kaagad ang G*go na'to! For all what she experienced patatawarin nya? Sh*ta, Santo ba sya? Teka tanungin natin sya. Santo ka ba?" Tanong ko dito. Pero hindi agad ito sumagot.

" Santo ka ba?" Ulit na tanong ko dito.

" Hindi" Bulong nito na syang ikinairap ko.

" LAKASAN MO! SANTO KA BA?!"

" HINDI" Iyak na sigaw ni Elshava at mabilis na tumingin sa mga mata ko habang umiiyak.

"HINDI AKO SANTO! HINDI AKO MABAIT! HINDI AKO MAHINA! IT'S NOT MY RESPONSIBILITY NA PATAWARIN ANG G*GO NA YAN! EVERYDAY I HATED MYSELF DAHIL SA KANYA! HINDI AKO MAKATINGIN SA SALAMIN, HINDI AKO MAKAKAIN NG MAAYOS DAHIL SA PINAGGAGAWA NYA SA AKIN! NO, I'M NOT A F*CKING SAINT!" Sigaw nito sabay kuha ng natitirang kape sa kamay ni Elliot. At binuhos ito sa ulo nya.

Lahat ay nagulat sa ginawa ni Elshava at pagkatapos nya gawin iyon ay mabilis itong kumaripas ng takbo. Pagkaalis ni Elshava ay agad kong kinuha ang Wallet ko at naglabas ng sampung libo at binato kay Elliot.

" Bayad ko sa polo mo" Malamig na saad ko dito sabay tingin kay Damien at ngumisi.

My Job here is done.

Authors note:

My next update will be on July 6.

To my dearest readers. Please don't romanticize, Bullying and abuse. Araw-araw ay mayroong taong umiiyak at kinukuha ang sariling buhay dahil sa Bullying na nararanasan nila. Araw-araw may mga taong kinukwestyon ang halaga nila dahil sa sinasabi ng mga nambubully sa kanila.

Respect and be kind to each other. Thank you!

REBIRTH OF GWEN ZAMORAWhere stories live. Discover now