A pain from the past

744 46 5
                                    

Napasandal ako sa pader dahil hindi ko na kinakaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ito yung sakit na magpapawala saiyo ng malay kahit anong oras. Inuuntog ko na ang ulo ko sa pader para mawala lang yung sakit na parang pinipiga yung utak ko.

" What's happening to me?" I murmured as I continue what I'm doing right now.

Para akong mababaliw sa sakit.

Pagkatapos ng ilang segundong pag-untog ko sa ulo ko sa pader. Dahan-dahan humupa yung sakit at kirot sa ulo.

" Anong nangyari?" Nanghihinang belong ko sa sarili ko bago ko simulan pulutin ang mga gamit kong nagkalat sa sahig. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa pinakamalapit na restroom.

Mabilis akong pumasok at nilock ang pintuan. Pagkasarado ko ng pintuan mabilis kong binitawan ang gamit ko dahil unti-unting bumabalik ang sakit. Pinilit kong tumayo at naglakad papunta sa lababo.  Nanginginig na binuksan ko ang gripo at mabilis kong hinugasan ang mukha.

Wala pa ring epekto

" Pakiramdam ko hihimatayin na ako" Nanghihinang saad ko bago ako tumingin sa salamin.

" A-ano to?" Nauutal na tanong ko bago ko hawakan ang ulo.

" Ba't puno ng dugo?" Naguguluhang taming ko sa sarili.

My face is covered with blood.

Mabilis kong kinapa ang ulo ko at pinunasan ang dugong lumalabas dito. Dahan-dahan kong tiningnan ang kamay ko na pinanghawak ko.

Dugo nga at ang dami na sapat na para matakpan ang buong mukha ko ng dugo.

" Wala naman 'to kanina"

Mabilis kong binuksan ang gripo at mabilis na hinugasan ang mukha ko. Tiningnan ko ang tubig na kulay dugo.

" Anong nangyayari sa akin!" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko at madiing hinugasan ang mukha ko.

" F*ck this! F*ck this!"

Kahit anong hugas ko hindi mawala-wala ang dugo sa pagmumukha ko. Pagkatapos ng ilang segundong paghihilamos. Hingal na tumingin ako sa salamin.

Napangiti ako ng makita kong wala nang dugo sa mukha ko pero mabilis din iyon mawala ng dahan-dahang may lumabas na dugo sa noo ko at sa ilong ko. Magsasalita sana ako ng biglang may lumabas na dugo sa bibig ko. Bigla akong napaubo na naging dahilan ng pagtalsik ng dugo sa salamin at pagkalat nito sa ibabaw ng lababo.

" Nyeta!"

Nanginginig na kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko at mabilis na pinunasan ang mukha ko at pagkatapos ay tinakpan ko ang ilong ko na walang tigil sa pag-agos ng dugo.

Natataranta na ako ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

How can I stop this?

Napaubo ulit ako ng dugo at sa pagkaubo ko bigla akong napahawak sa sink dahil biglang umikot ang paningin ko.

Pakiramdam ko mamamatay na ako

Napatingin nalang ako sa umaagos na tubig mula sa gripo. Kahit anong gawin ko ayaw mawala ng dugo.

Hindi pwede 'to, Masyado na akong nagpapanic at dahil doon hindi na ako makapag-isip.

I stop and took a deep breathe, I need to calm my mind.

" Pressure, Pressure. I need to put pressure " I unconsciously said.

Napatingin ako sa salamin at napahawak sa ulo ko. Hinahanap ko kung nasaan ang sugat ko. Hindi ko alam kung saan ba nanggaling ito?

Dahil ba sa pag-untog ko sa ulo ko sa pader kanina?

Literal  na naliligo na ako sa dugo. Nakikita kong pumapatak na sa uniform ko ang kulay pulang likido galing sa katawan ko.

Kinapa ko ang noo pero wala akong  nakakapang sugat sa noo at sa likod ng ulo ko.

" Saan ito nanggagaling?" Nalilitong tanong ko. Mabilis na hinugasan ko ang mukha ko. Para makita ko kung nasaan ang sugat ko pero wala talaga akong makita. Kahit anong kapa o punas ko wala akong nakikitang sugat parang ang dugo ay lumalabas mismo sa balat ko.

" Is this illusion?" I unconsciously said as I look at myself at the mirror.

Hindi ba ito totoo?

Baka gawa-gawa lang ito ng isipan ko.

" I look like a mess" Malamig na saad ko sabay tingin sa mga gamit kong nakakalat sa sahig. Parang walang nangyaring pinulot ko ang mga gamit kong nabitawan ko kanina dahil sa sakit ng ulo ko. Nakikita at napapansin ko ang dugong tumutulo sa sahig at mga dugong napupunta sa gamit ko dahil sa paghawak ko dito.

Hindi ko nalang pinansin, Kahit kulay pula na ang puting sahig.

It can be illusion or not.

Wala akong nakikitang sugat, At biglaan nalang paglabas ng dugo sa ilong at sa bibig ko.

But one this is for sure the headache that I feel earlier is not a joke. Parang mabibiyak ang ulo ko kanina. A type of pain that you will choose to die rather than to live with it.

Tinabi ko ang lahat ng gamit ko sa ibabaw ng lababo. Puno na iyon ng dugo at kung titingnan mo naman ang loob ng Restroom parang may nangyaring murder scene sa loob ng banyo.

Napatingin ulit ako sa salamin at sa pagkakataong ito hindi na makita ang pagmumukha ko dahil sa kapal ng dugo na nakatakip dito. Kahit ang uniform ay nababalutan na ng dugo.

I still feel the pain at the back of my head. At nararamdaman kong lumalabo ang paningin ko.

Suddenly I fell on the floor and my butt cheeks hit on the floor. I immediately look at my legs and my eyes widened when I saw my bones coming out from my knee.

" What the f*ck"

Tiningnan ko ang kabilang binti ko at napasinghap ako ng nakita kong Bali ito.

Anong nangyayari sa akin?

Mabilis akong kumapit sa gilid ng lababo at balak ko sanang tumayo ng biglang sumakit ang kamay ko.

" OUCH!" Hiyaw ko sabay tingin sa kamay ko.

Bali?

Bali yung kamay ko at parehas sa kanila. Napahiga ako sa sahig as I felt my spine is broken.

Napaubo ako ng dugo habang nakatingin sa kisame. I suddenly remember a memory from my last moment.

Ganito ang itsura ko ng nahulog ako. Nakatingin lang din ako sa itaas. Nakatingin sa iisang tao.

Si Andrus

At sa tingin ko ito din ang itsura ko ng nahulog ako sa baba. Duguan at Bali lahat ng buto.

But I never expected na ganito kasakit iyon. Dahil hindi ko na naramdaman iyon dahil pagkalipas ng ilang segundo nawalan na ako ng hininga.

" Excuse me?! May tao ba dyan?"
Napadilat ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

Is she a illusion or not?

" Wala atang tao, Call me yung utility. Ipaopen natin yung door sa kanya"

" Sige, babalik din ako"

Natawa nalang ako ng mahina sa sinabi ng babae.

" Make it faster"

REBIRTH OF GWEN ZAMORAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt