Physical appearance

808 55 13
                                    

" Gwen, Masyado ka nang nakakasakit ng damdamin" Mahinhin nitong saad na nagpatawa nalang sa akin.

" Paano?" Biglang tanong ko dito.

" Gwen kung may problema ka sa akin huwag mo nang idamay si Mary. Inosenste sya" Biglang pagtatanggol ni Andrus dito na syang nagpamaang sa akin.

Anong pinagsasabi ng mamamatay tao na'to?

" Andrus, If I have a problem with you" Saad ko sabay turo sa lalaking ito.

" I will not put any blame to other person. You know that" Pagpapatuloy ko sabay bawi ng kamay ko.

" Hindi ako mahilig makisawsaw sa buhay ng ibang tao Andrus. I'm not like you" I said in a sarcastic tone.

" Gwen, Like that. Nakakasakit ka na sa ganyan. Andrus is just concern about you. I mean sino-sino yung sinasamahan mong lalaki tapos idadahilan mo na driver mo? Sinong maniniwala na yung gwapo na yan ay Boyfriend mo." Biglang singit ni Mary na nagpatawa sa akin ng mahina.

" Are you kidding me? You're too much affected by our conversation. Why Mary? Do you want me to give you the spotlight? " Mapangahulugang tanong ko dito na syang nagpamutla dito.

" Masyadong kang magaling magsalita pero hindi ka magaling mag-usisa. Next time use your brain before your mouth. Para naman magkasubstance yung pinagsasabi mo" Dagdag ko pa dito. Biglang nagtubig ang mga mata nito at within a second tumakbo na ito papalayo mula sa amin.

" GWEN WHAT DID YOU DO!" Biglang Sigaw ni Andrus sa akin na naging dahilan para maging tampulan kami ng atensyon.

" Nothing. It's just a little bit of real talk" Balewalang sagot ko sabay masiwas ng kamay ko sa harapan nito.

" Go! Choo! Follow your owner. Be a good boy" Pang-aasar ko dito na parang aso. Nagtagis ang bagang nito dahil sa pangangasar ko na naging dahilan para bigla nitong hablutin ng mahigpit ang kanan kong kamay.

" I'm just worried about you! And then you're making me a fool right now? Who do you think you are?" Nanggigil na saad nito sa akin na syang nagpangiti sa akin.

" The one who will give you a mark in your cheeks" Matamis na saad ko bago ko ihampas ang handbag ko sa mukha nya.

" How dare you to hurt my wrist. You IDIOT!" Sigaw ko bago ko ihampas ulit sa kanya ang handbag ko.

It's been f*cking three months and yet here we are hurting each other. Nagbabago  na talaga ang lahat ng pangyayari.

Napatigil lang ako ng bigla akong hawakan sa magkabilang braso ko at binuhat ako papalayo sa kumag na ito.

" Mam, Tama na po. Maglalabas na ng cellphone yung mga estudyante" Bulong sa akin ni Leonardo. Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa Inis na nararamdaman ko.

" Mapapa-animal cruelty pa ata ako" Nahihingal na saad ko bago ko ibigay kay Leonardo ang handbag ko.

" See you in class b*tch!" Matalim na saad ko dito bago ko ito iwan na nakahiga sa sahig.

Naglakad diretso patungo sa likod ng building dahil sa dami ng nakakita sa akin hindi na ako pwedeng dumaan sa harapan. Dahil alam kong andoon si Mary umiiyak at nagpapa-alo sa mga estudyante na andoon.

Kairita! umugang-umaga naghahanap ng atensyon. And that b*tch! Umaandar na naman ang pagiging sawsawera nya. Makikielam na nga lang. Nonsense pa sinasabi!

" Mam, Okay ka lang po ba?" Rinig ko saad ni Leonardo.

Andito pala sya.

Mabilis akong lumingon sa kanya at inabot ang lahat ng gamit kong bitbit-bitbit nito.

" Thank you! You can go back in the car " utos ko dito habang chinicheck ang bag ko.

" Mam" dinig kong tawag nito sa akin.

" What?" Tanong ko habang chinecheck pa rin ang bag ko.

Masasakal ko talaga ang lalaking iyon sa susunod.

" Gusto ko lang po magsorry dahil sa nangyari. Napasok po kayo sa gulo dahil sa akin. Lagi po talaga ako napapasok sa gulo dahil sa itsura ko. Laging ako yung pinagseselosan, Laging ako yung minamaliit, Laging ako yung inaabuso dahil sa itsura ko. Kung gusto nyo po mag reresign na po ako. Baka mamisunderstand pa po kayo." Mahabang litanya nito sa akin na nagpataas ng kilay ko.

" Bakit ka humihingi ng Sorry sa kasalanang hindi mo naman ginawa at ikaw ang biktima?" Mabilis na tanong ko dito. Tumayo ako ng tuwid at tumingin sa mga mata nito.

" Hindi kagandahan o Maganda laging jinujudge nyan ng mga tao. Walang nakakaligtas sa mga mapanuring mga mata at mapanghusgang mga tao sa mundo" Hinto ko at pumunta sa may pader at sumandal doon.

" Kapag maganda, Iniisip agad walang utak at ganda lang ambag sa mundo. Iniisip na palamuti lang sila at nakukuha lang ang gusto dahil sa mukha nito. At kapag hindi kagandahan, Iniisip agad na matalino, masipag, may talent at mabuti ang puso. Lahat nakatakda na, Lahat nakatanim na sa isipan ng mga tao. "  Pagpapatuloy ko sabay tingin sa mukha ni Leonardo.

" Sa Eskwelahan, Trabaho at kahit saan pa. Lahat may standard sa Panlabas na anyo. Kagaya mo, Dahil gwapo ka sa tingin nila hindi ka na driver. Alam mo kung bakit? " Tanong ko dito na syang ikinailing nito.

" Dahil bakit ka magtitiis sa ganoong trabaho kung pwede mo namang gamitin ang itsura mo. Leonardo, Discrimination is all around. Ang diskriminasyon ay nasa iba't-ibang anyo na hindi mamatay-matay sa sistema ng mga tao. Ang tanging magagawa lang natin para makaligtas at malagpasan ang diskriminasyon ay maging matatag, mag-tiwala sa sarili para may mapatunayan sa mga taong nangungutya. Dahil sa dulo. Hindi naman sila ang magdedesisyon sa buhay mo kung saan ka dapat ilagay at kung saan dapat ang pwesto mo. Dahil tayo ang madedesisyon para sa sarili natin. Tayo ang maglalagay sa sarili natin sa tagumpay. Hindi ang ibang tao" Seryosong saad ko bago umalis sa pagkakasandal sa pader.

" Kaya Leonardo, Magtiwala ka sa sarili mo. Huwag mong ibaba. Dahil ngayon, Isa ka na sa mga tauhan ko. At ayaw na ayaw kong minamaliit ang mga taong  nagtatrabaho sa akin. At mas ayaw kong minamaliit nila ang sarili nila. You are one of my personnel. Then act like one!"  Huling saad ko dito bago ako tumalikod at naglakad papalayo.

Bigla akong napatigil sa paglalakad ng biglang sumakit ang ulo ko. Nabitawan ko ang mga gamit ko dahil sa sobrang sakit.

" W-what t-the"

Authors note:

Bitin ba? Gusto nyo mass update?

REBIRTH OF GWEN ZAMORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon