Blood

533 39 3
                                    

" Mary!" Mabilis na saad ni Andrus sabay kuha sa kamay ng babaeng ito na tatanga-tangang kinuha ang bulaklak.

" Ouch!"

" Masakit ba?"

" Hindi nama-- Ahh!"

Napairap nalang ako sa nakikita ko. Para sa tusok ng isang tinik, Pang Famas na acting ang nakikita ko.

Mabilis akong napangiwi ng walang ano-ano ay sinubo ni Andrus ang daliring natinikan ni Mary at sinipsip ang dugo nito.

Really? In front of me?

" Aishhh... Kasalanan mo ito eh!" Napapikit ako at napahinga nang malalim ng ako na naman ang nakita at sinisisi ng mamamatay tao na 'to.

" Dahil sayo nasugatan si Mary!" Panunumbat nito na syang nagpapagigil sa akin.

Napasilip ako sa harapan kung nandoon pa ang teacher namin pero wala na. Kaya siguro malakas manisi ang kumag na ito dahil wala ang teacher namin dito.

" Andrus, Stop it! It's my fault. Ako naman yung kumuha ng flower and I'm sure hindi naman ginusto ni Gwen na masaktan ako" pagpapaawa nito na syang ikinatawa ko.

" Sino nagsabing hindi ko ginusto?" Biglang tanong ko na nagpatahimik sa kanila hindi lang sa dalawa kundi sa buong silid.

" Ano!" Gulat at inis na tanong sa akin ni Andrus na nagpangiti sa akin.

" Hindi mo ako narinig? " Tanong ko sabay abot ng rosas na may tinik.

" Uulitin ko para saiyo" Pagpapatuloy ko at tumingin kay Andrus.

" Ang sabi ko ginusto ko ang nangyari kay Mary, Dahil patunay lang iyon na sya ay tatanga-tanga" I bluntly said as I glance at Mary and wear my wicked smirk.

" Anong sinasabing mong tatanga-tanga? Mary had a photographic memory"

" May photographic memory nga, Wala namang common sense" insultong saad ko na nagpapula sa mukha ni Andrus.

" How dare you to say that to Mary!" Nanggagalaiting saad nito.

" Who are you to defend her? Who are you to be mad in her position? Abogado ka ba nya?" Biglang tanong ko kay Andrus at inilapag ang hawak kong bulaklak sa lamesa.

" Your reaction is kinda different, She only got a small cut but you act like she was stab in her hands" I continued as I blankly stared at him.

" At isa pa, Bakit ako yung lagi mong sinisisi kapag may nangyayari sa babaeng yan dahil sa katangahan nya? Hawak ko ba buhay nya? Geezz... Andrus. Wala pa akong ginagawa kay Mary, Pwedeng mag-hintay ka? " Pagtatapos ko bago lumipat ang tingin ko kay Mary.

" At ikaw naman, I don't need your pity. Don't jump on any conclusion. Akala mo nakakatulong ka? Hindi. Nakakairita ka!" Saad ko dito at bigla akong tinulak ni Andrus na naging dahilan para mapaatras ako.

" Wag mong kakausapin si Mary ng ganyan!" Mabilis na saad ni Andrus habang dinuduro-duro ako. Mabilis na bumalik ang tingin ko dito. Wala sa sarili hinablot ko ang gunting na nasa lamesa.

Isang beses lang, Gusto kong pasigawin ang lalaking ito sa sakit!

Nagsisimula nang mandilim ang paningin ko sa dalawang tao na nakatayo sa harapan ko.

How long do I need to endure this sh*t!

Napasulyap ako ng tingin kay Mary at isang ngisi ang nakita ko na napupunta sa isang insultong ngiti. That smile is the smile that she always give me in my past life. How dare she to do that again sneakily.

" Isa ka talagang ahas" bulong ko.

" What are you mumbling?" Nanggagalaiting tanong ni Andrus at bigla nitong dinuro-duro ang ulo ko.

" Cat got your tongue?" Insultong tanong nito. Naririnig ko ang pagpipigil ng mga tawa na nasa paligid ko maliban kay Teresita na tumatawa ng malakas.

" Ano wa-" Hindi na natapos ang sasabihin nito ng isang saksak ang nagpatahimik sa bibig ng lalaking ito.

Dahan-dahan ito tumingin sa baba at nakita nito ang gunting na nakatarak sa tagiliran nito.

" Bakit bigla kang natahimik? Cat got your tongue?" Pagbabalik tanong ko dito bago ko diniin ang gunting sa tagiliran nito.

" ANDRUS!!!" Sigaw ni Mary bago tumakbo papalapit kay Andrus.

" OH MY GO--AHHHH!!" sigaw nito dahil bigla kong hinila ang buhok nito papalayo kay Andrus.

" Gusto mo maging bida diba? Ibibigay ko iyon saiyo." Saad ko at hinila ito papunta sa harapan ng klase.

" OH MY --- GWEN! STOP IT! " sigaw ni Teresita na syang nagpahalakhak sa akin.

" MANAHIMIK KA TERESITA! SUPPORTING CHARACTER KA LANG!" sigaw ko dito na nagdagundong sa buong klase.

" Wha-what?" Tanging saad nito.

" Now, Mary. Going back to you. You will be the Female Lead then I will be your Villain" Nababaliw na saad ko sabay hila ng ulo nito pataas.

" At isa sa mga laging ginagawa ng female lead ay ang umiyak" Dagdag ko at hinawakan ang pisngi nito.

" Umiyak ka" kalmadong utos ko habang nakatingin sa mga nito.

" Oh? Bakit ka hindi umiiyak? Akala ko ba gusto mo maging bida-bida? I'm giving you the platform to that sh*t"

Hinawakan ko ng mahigpit ang panga nito at pinaharap sa mga kaklase namin. " Umiyak sa harapan nila. Umiyak ka na, Bago mamatay si Andrus due to blood loss" bulong ko at tumingin sa mga kaklase ko na gulat na gulat at hindi makagalaw sa kinatatayuan nila.

" Cry" malambing na saad ko at sa isang iglap. Nag-uunahan nang tumulo ang mga luha ni Mary.

" Louder " Bulong ko at mas hinigpitan ang hawak sa buhok nito.

" WAHHH!!..." malakas na iyak nito na syang nagpangiti sa akin abot tenga.

" Kaya naman pala eh" Saad ko bago ko pakawalan ang buhok nito.

" Walang makakalabas sa nangyari ngayong oras na ito sa klase. Ayaw nyo naman siguro ako ang makalaban nyo" Pananakot ko sa mga kaklase ko.

" Ang nangyari kay Andrus ay isang simpleng aksidente na pwedeng mangyari sainyo kung hindi nyo itatahimik ang mga bibig ninyo" malamig na saad ko at tumingin kay Mary na umiiyak ngayon sa lapag.

" Ang sama mo talaga! Sa tingin mo ba habang buhay ka nasa itaas?" Biglang saad ni Teresita na syang ikinataas ko ng kilay.

" Oo, Habang buhay ako nasa itaas at ikaw habang buhay kang hahalik sa aking mga paa" sagot ko dito.

" Kaya Teresita, Sanayin mo na ang sarili mo. Dahil kahit kailan hindi ako magpapahila pababa."

Authors note:

Isang chapter nalang tapos na ang season 1 😭

REBIRTH OF GWEN ZAMORAМесто, где живут истории. Откройте их для себя