The Club

820 64 12
                                    

" akala ko ba tapos na yung deadline para sa mga club?"

" Oo nga eh, Diba kahapon pa yung deadline? Napasa na nga ng club ko yung mga listahan ng mga kasali sa amin"

" Same as amin, Halos nagpanic pa nga kami kahapon dahil sa deadline. Tapos extended pala"

" Hayst... Ano kaya nangyari? "

" Huy! Tingnan mo. Oh! May bagong club"

" Patingin! Oo nga, HAHAHAHAHAHA anong name yan!"

" Gwen Fans Club?"

" Wait, Si Gwen ba yan na taga higher section? Bakit fans club? Eh, wala namang may gusto sa kanya?"

" Sya ba yung gumawa ng Club? Or may nangtrip lang sa kanya?"

" Tingnan nyo! May sumali!"

Weh? Patingin nga. Oo nga, may sumaling tatlo!"

" Teka! Silang tatlo? Diba..."

" Shhh... Manahimik ka. Baka may makarinig"

" Nagsama-sama yung mga masasama sa school"

" Tanga! Hindi masama sabihin mo Villain!"

" Anong villain? Baka devil!"

" So.... Magiging official talaga yung club na yan?"

*****

" GWENETH MARIE?!"

Napatingin ako kay James na tumatakbo papunta sa gawi ko. Nasa School Garden ako nagdidilig ng mga halaman. This is my penalty para sa nangyari sa amin ni Teresita.

Ano naman kaya kailangan nang lalaking ito?

Hinihingal na huminto ito sa harapan ko. " Na-gawa k-ko na. Napublish ko na sa school paper and na post ko na rin sa School website sa forum. Within this day iingot ang ulo non. WOAH!" Hingal na saad nito.

" That's good to hear" maikling sagot ko dito bago ko ibanaba ang watering can na hawak-hawak ko.

" Nagtatanim ka ng halaman?" Gulat na tanong nito sa akin.

" Obviously, Yes. This is my penalty. I need to grow flowers in this bed" Sagot ko dito bago ko ito harapin.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na syang ikinairap ko.

" Woah... Now I know, Kaya pala maraming may gusto ngayon pumunta sa Garden. That short is too short!" Bulalas nito na syang ikinabuntong hininga ko.

" This is the official P.E uniform of the school. Kung may reklamo o problema ka. File a complaint to P.E department " naiinis na sagot ko dito bago ko ito talikuran.

" Sinong nagsabing may reklamo ako? I mean sinong matinong lalaki ang may Reklamo sa ganyang damit?" Saad nito sabay habol sa akin.

" Yeah, Wala namang reklamo ang mga manyakis na kagaya mo" maikling sagot ko dito bago humito sa harap ng mga seedlings.

" I'm not a pervert!" Mabilis na depensa nito sa sarili nya.

" Oo, sabi ng lalaking tumitingin sa underwear ng cheerleader every game"

Sinimulan ko na ang paglipat ng mga seedlings sa wheelbarrow para maitanim ko na sa Flower bed.

" Who said that!? Hindi ko sinisilipan yung mga iyon at isa pa. Lumilipad kaya yung palda nila habang sumasayaw. At kasalanan ko ba kung hindi sila nagsusuot ng under shorts?" Saad nito bago ako nito tulungang ilipat ang seedlings sa wheelbarrow.

" But change topic. I'm really curious about the club that you made" Saad nito habang tinutulungan ako maglipat ng seedling.

" Within a day, Naapprove na yung club na iyon? And no hurt feelings ah. But walang context yung ginawa mo. I mean hindi makakatulong sa subject or other activities. Walang matutunan  in short!" Dagdag nito.

" Then?" Tanong ko dito habang tinatapos ko ang paglilipat.

Ang ingay talaga ng bunganga nito.

Mabilis na kinuha ko ang hawakan ng wheelbarrow at tinulak ito pabalik sa flower bed na ginawa ko kanina.

" I'm just saying Gweneth Marie, Kung bakit mo iyon ginawa? I'm just curious!? Dahil ba sa walang tumatanggap saiyong club? Or delusional ka?" Tanong nito sa akin.

Natawa nalang ako nang mahina sa sinabi nito.

Delusional? Thus he knows the meaning of delusional?

" Sigh, As a friend. Wag mo nang ituloy iyon. Mapapahiya ka lang at magmumukha ka lang tanga. Atsyaka ano yung pwede nilang matutunan nila saiyo? Maging masama?"

" Kailan pa kita naging kaibigan James?" Tanong ko dito habang pinapagpagan ang kamay ko.

" G-gwen!" Nauutal na tawag nito sa pangalan ko.

Walang emosyong humarap ako dito habang pinupunas ang kamay ko sa likod ng shorts ko.

" I didn't know you are my friend? The only thing that I remember. I once admire you but that is in the past" walang emosyong saad ko dito bago tumingin sa mga mukha nito na gulat na gulat ang reaksyon.

" We are friends! I did it for you! I help you! It does mean that we are friends!" Mabilis na pagtatanggol nito sa sarili nito na syang ikinangisi ko nalang.

" You did it, To keep my mouth shut from your secrets! Not because you are treating me as your friend. And beside of that you also hate Andrus. And you also like Mary. Tama ba ako James? Tinulungan mo ako dahil gusto mong siraan si Andrus kay Mary. " Saad ko dito na nagpaatras sa kanya mula sa akin.

" Akala mo ba hindi ko malalaman, That you are having a feelings to that woman. " Dagdag ko na mas lalong nagpakaba dito.

Tumingin ito sa akin na hindi mapakaniwala bago ito lumunok at inayos ang tindig nito.

Nanghihinang natatawa ito habang nakatingin sa walang emosyon kong mukha.

" I really should not underestimate you. This is the reason why I hate you" Natatawang saad nito bago ako nitong inisang hakbang at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

" Why can't you zip your mouth and act like you don't know nothing. Why can't you submit yourself to a man and act like a woman for f*ck sake! Be weak! And frail just like HER!" Sigaw nito sabay yugyog sa balikat ko.

Isang malakas na sipa ang pinakawalan ko sa tyan nito na naging dahilan nang pag-atras nito at pag-upo sa lupa.

" I hate when people touch me like that" Saad ko habang pinapagpagan ang balikat ko.

" James, Parang hindi ka natuto dati ah. Hindi sapat ang hampas ng bag ko sa pgmumukha mo at gusto mong makatanggap ng sipa?" Saad ko dito bago ako naglakad papunta sa ulunan nito. Namamalipit ito sa sakit dahil sa sipang binigay ko sa kanya.

Ginamit ko ang paa ko para matulak ko ang mukha nito na nakatagilid paharap sa akin.

" Tsk! James. You should know this. Not all woman submit to a man. Sometimes we are submitting to ourselves!"

Authors note:
My last updateeeeee....

Bye.. see you next time!

REBIRTH OF GWEN ZAMORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon