Questioning Myself

827 63 5
                                    

Hindi ako nakatulog simula kagabi. Buong magdamag nakatingin lang ako sa salamin. Tinitingnan ang itsura kong mukhang malapit ng mamatay.

I think my second dead will be in the hand of this family. Nakakasakal na ang lahat ng bagay na nasa loob ng mansyon na ito!

This dress

This Jewelries

Even these books!

Para na akong sinasakal. Nakakasakal ulitin ulit yung mga pangyayaring hindi naman maganda. Para ko lang ginagawang tanga ang sarili ko. Ano ako masokista para ulitin ulit itong kagaguhan na ito?

Marahas na napasuklay nalang ako ng buhok ko sabay tingin sa orasan ko. It's already 6:30 am. Napabuntong ako ng marahas dahil sa nararamdaman ko ngayon. This is what I always feel before I die.

Galit, Inis, Poot at awa.

Kapag naghalo-halo isang masamang tao ang magagawa.

"This is f*cking hilarious. " I chuckled as I look at myself again.

" Nakakaawa, Still not change? Mula noon hanggan ngayon, Nakakaawa ka pa'rin" Insulto ko sa sarili ko bago ko pinikit ang mata ko.

" Bakit ka nga ba bumalik?" Tanong ko sa sarili ko.

From the start I keep asking myself why I came back in this life.

Dahil ba sa gusto kong maghiganti sa lahat ng taong sinaktan ako?

Dahil ba sa gusto kong maging higit ako sa kanya sa lahat ng aspeto para sa akin mapunta ant buong atensyon ng pamilya?

Dahil ba sa gusto kong baguhin ang buhay ko at ituwid lahat ng pagkakamali ko?

O

Dahil ba sa pinatay ako?

Ang daming dahilan pero wala akong sagot na makuha. Wala akong balak na maghiganti, Wala akong balak na kunin ang atensyon o ang kukurampot na pagmamahal na kaya lang nilang ibigay at wala akong balak na baguhin ang buhay ko at magpakasanto sa lahat ng tao.

Kung mabubuhay lang pala ako. Sana binuhay ako sa ibang katawan. Hindi sa miserableng buhay na ito!

Kung nabuhay lang ulit ako para maghiganti. Kung ganoon ang muling  pagkabuhay ko ay isang malaking kalokohan. Sa nakaraang buhay ko ang ginawa ko lang ay maghiganti sa kanilang lahat at sa huli namatay lang din ako. At ano pa ang masaya sa paghihiganti kung nakita mo na silang nagmamakaawa sa harapan mo.

I am not good nor bad person. Binabalik ko lang yung ginagawa nila. 

Natawa nalang ako sa nangyayari sa akin ngayon. I look like a miserable piece of sh*t. It's all because of Lenard. Because of what he said.

8 months from now. Malalaman na si Mary ang nawawala nilang anak at lahat ng natatamasa ko ngayon ay mapupunta sa kanya. Even this room.

At doon na magsisimula ang lahat. Ang lahat ng sa akin ay unti-unti ng mapupunta sa kanya. Whether I like it or not. Sa tuwing naiisip ko kung paano ko sinuko ang buhay ko para lang sa santa santita na iyon. Nakakaramdam ako ng luksong gusto ko syang mawala sa mundo.

Sa nakaraang buhay ko. Ang huling pagkikita namin dalawa ay noong nagtangka syang magpakamatay.

" Nagtagumpay kaya sya?" Bulong ko sa sarili ko.

She wants to get the sympathy and  empathy of the people arounds her. Her greatest weapon is her weakness. At iyon ang hindi ko matalo-talo. Sa pagkakataong nahuhuli ko na sya doon nya gagawin ang pinaka ayaw ko sa lahat.

Ang umiyak at magmakaawa

At biglang dadating ang mga nauto nya para iligtas sya. What a pathetic. I know her true colours, Because everytime she wins. She always give me sly smile.

Laging may nagpoprotekta sa kanya. Kaya ang inuna ko ang mga nakapaligid sa kanya. The school becomes our war zone. Walang gustong magpatalo, Lalo na ako.

Kung naging nobela lang ang buhay namin. Magiging kontrabida ako at sya ang magiging bida.

I always make her life a miserable just like what she did to mine.

At sa lahat ng nobela ang mga kontrabida ang laging namamatay o hindi kaya napaparusahan. Which is nangyari sa akin. Namatay ako o sabihin nating pinatay ako.

Napatay ako ni Andrus dahil sa pagmamahal nya kay Mary. But the question is, Nagtagumpay kaya syang makuha ang puso ng babaeng iyon?

They are 5 men in her life.

Napatingin ako sa Lima kong daliri sa kamay at napangiti.

Andrus
James Damien
Enzo
Prince
Clyde

Nagpakita na yung tatlo at susunod na ang dalawa. Prince will show up at middle of the school year and Clyde will show up next school year.

Lahat silang Lima ay natikman na ni Mary. All of them are in her hands. I remember the scene that the 5 idiots create in front of the mansion para lang makuha ang kamay ni Mary. And all of them see me as a threat to the life of their dearest Mary.

Thinking of these bullsh*its. Para ngang nobela ang buhay namin. A one innocent lovely girl na lumipat sa isang pangmayamang school at nainlove sa kanya ang limang naggagwapuhang mga lalaki at gagawin nila ang lahat para sa kanya. At syempre dapat may isang kontrabida at ako na iyon. Dahil hindi naman gaganda ang kwento kung bobong bida lang naman ang andon.

Kung ganon parang ako lang isang karakter na kinakailangan para mag grow ang character ng bida. Pero wala namang talab iyon kay Mary. Dahil isa syang dakilang tanga at mangmang.

Uto-uto sya at laging nakakagawa ng mali. Pero gusto parin sya ng lahat. Wala syang lakas ng loob at mahina pero gusto parin sya ng lahat.

They all want a stupid weak girl in their life. Kailangan nila ng mahina at tanga para maipakita sa sarili nila na malakas sila at mas magaling sa iba. They all just feeding their self with ego. At ang gaga naman gustong-gusto ang ginagawa sa kanya.

Is she naive? Or just air headed?

This society is s*cks!

Marahas na napabuntong hininga ako bago tumayo mula sa pagkakaupo at pumunta sa kama at humiga. I can't sleep at iilang minuto nalang ay maghahanda na ako para makapasok.

" Makikita ko na naman ang mga mukha nila. " Mahinang saad ko sabay tingin sa kamay ko.

" It looks pale" I muttered.

Pakiramdam ko sa oras na ito. Para na akong isang bangkay na nakahiga sa kama na ito.
















REBIRTH OF GWEN ZAMORAWhere stories live. Discover now