Chapter Twenty Seven

81 0 1
                                    

Chapter Twenty Seven

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang umuwi ako rito sa Pilipinas and honestly, hindi ko pa nakikita si Tita Miriam at Lily dahil lagi lang naman akong nakakulong sa kwarto ko— which is a good thing since I know Tita Miriam hates me for what I did to Anglo.

Laging si Aling Lorna ang nagdadala ng pagkain ko at si Bruno naman ang madalas kong kasama. Laging wala rito si Mike tuwing hapon kapag weekdays dahil binabantayan niya ang shop namin sa Cavite malapit sa rest house namin. That's the exact reason kung bakit hindi ako lumalabas ng kwarto ko.

Sino naman ang kakausapin ko?

Si Anglo?

Shoot! No! Sa sinabi sa akin ni Mike ay parang pinapatigil niya akong maghabol kay Anglo. But I can't help it! I want him back. Kung may namamagitan man sa kanila ni Sylvaine— sana ay wala— I still want him. Gagawin ko ang lahat para bumalik sa akin ang atensiyon niya.

I decided to leave my room for a while since I want to swim. I just wore a red two piece while carrying the towel on my shoulder. Nag-text na rin ako kay Mishka na pumunta siya rito para may makausap man lang ako but she said she's busy which I understand dahil malapit ng ipalabas ang movie na hinawakan niya.

"Aling Lorna, can you please bring orange juice sa pool side? Swim lang po ako saglit."

"Sige, hija. Uutusan ko nalang si Wena na magdala dahil hindi pa ako tapos sa niluluto ko."

"Thank you po."

Tumango lang ito sa akin kaya naglakad na ako papunta sa pool area namin. I placed my towel on the table and I removed my ponytail before diving to the pool. I swim for ten seconds at nang maramdaman kong kukulangin ako sa hininga ay mabilis akong umahon.

"Really?"

"Shit!"

Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko nang may narinig akong boses ng lalaki banda sa likuran ko and there I saw Anglo with his bored look. Kung tignan niya ako ay parang tangang-tanga siya sa akin.

Oh come on, parang hindi ako minahal.

I looked at his hand and he's holding a skimmer net. I wandered around the pool at kitang-kita ko ang ilang dahon na lumulutang dito. Mabilis akong umahon bago kinuha ang towel sa table na mabilis kong ipinulupot sa katawan ko.

I raised my eyebrow, "Kanina ka pa riyan?"

He grinned, "Yes, at naglilinis po ako."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong po?! Mukha ba akong matanda sa ayos ko ngayon? Hindi na ako nag-abala pang kausapin siya ulit at pinagmasdan ko lang siyang linisin ang pool namin. Ganito ba ang sinasabi niyang trabaho niya rito sa amin? Ganitong klaseng trabaho?

He was about to enter our house when I called his name. Lumingon siya sa akin bago lumabi. Nang hindi ako nagsalita ay tinaasan niya lang ako ng kilay. He left a sarcastic chuckle before entering the door.

"Shaun..."

Tumigil siya sa paglalakad nang banggitin ko ang pangalan niyang iyon. Naglakad siya palapit sa akin at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil kita ko sa mga mata niya ang galit, "Anong sabi mo?"

"S-Shaun... B-Bakit hindi mo sinabi sa aking hindi lang pala Anglo ang pangalan mo?"

Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi, "Mahalaga pa ba 'yon?"

"Yes! Before—"

"Yes, Savitri. Before. Matagal na 'yon. Stop thinking about the past."

He quickly turned his back on me after he said that. My mind can't absorb what he just said.

Kidnapper's PuppetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon